CHAPTER 29: Baby

497 7 0
                                    

Nagising ako sa kalagitnaan ng tulog ko. Marahan akong tumayo para sana magbanyo,  pagkatayo ako ay agad ko'ng naramdaman na pumutok ang panubigan ko.

"Kian." Marahan kong sambit.

Isang salita ko palang ay napabalikwas na siya kaagad.

May warm lights naman kami na nakabukas.

"May Masakit ba sayo Love?" Antok na ani Kian.

Pinagmasdan ko lang siya, Magulo pa ang kanyang buhok at namumungay ang mga mata. Unti-unting nanlaki ang mga mata niya nang makita ang basa sa dress na suot ko.

"Fuck." Aniya.

Natawa ako dahil halos madapa pa siya para makapunta saakin. Hindi ko na napigila'ng humagalpak nang taranta siya'ng nag-pa-pabalik-balik saakin, saka ang pagkuha ng Hospital bag namin ,Isama mo pa ang pag-hahanap niya sa susi ng Sasakyan namin na kanina pa niya hawak.

"Asan naba kase 'yon!... Dapat pala nilagay ko na sa ilalim ng unan ko." Aniya habang nag-hahalungkat na bedside table namin.

"Love! Calm Down... Mas taranta kana saakin"

Marahan akong naglakad sa Closet para makapag-palit muna bago pumunta ng Hospital. Hindi pa naman humihilab ang tiyan ko kaya alam kong Hindi pa ako manganganak kaagad.

"Love...nasaan ka? Ikaw naman nawawala ngayon." Taranta'ng sigaw ni Kian sa Labas.

Matapos ko'ng mag-palit ay lumabas na rin ako. Dumeretso ako sakanya.

"Love...Kumalma ka, Yung Susi nasa Kamay mo lang."

Napamura nalang siya nang mapagtanto'ng hawak-hawak niya nga ito.

"Mag-papalit lang ako ng Damit Love." Sabi niya sabay takbo nanaman sa Closet.

Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil mas na-stress pa ako kakapanood sakanya.

After a few seconds ay dinaluhan na ako ni Kian. At nanlaki ang mata ko nang buhatin niya ako bigla.

"Huy! Kaya ko pa mag-lakad."

"No!...Mahirap na, Kaya bubuhatin nalang kita."

Hindi siya nakinig saakin. Buhat-buhat niya ako hanggang makapunta kami sa basement parking.

"Si Nanay Feli."

Naisip ko na wala'ng kasama si Nanay sa Condo ngayon. Umuwi din kase kaagad si Ash noon at nag-paiwan si Nanay Feli para raw maalagaan ako.

" Tatawagan ko siya mamaya para sunduin, Ang isipin mo muna ngayon ay ikaw."

Marahan niya akong pinaupo sa passenger seat saka nilagyan ng seat belt.  Mabuti nalang at malapit lang ang Hospital sa Condo kaya kaagad kaming nakarating.

Halos hindi na siya nakapag park ng maayos kakamadali. At ang nakakatawa pa ay sa kakamadali niya. Tumakbo siya papasok ng Hospital. Naiwan ako sa sasakyan, Hindi ko na siya inantay at nag-kusa na ako'ng lumabas.

Tawa ako ng tawa habang pinagmamasdan siya'ng pabalik saakin.

"Sorry My Love....Ano ba yan! Hindi naman ako ang manganganak bakit ako pa ang nauna." Sambit niya sabay buhat nanaman saakin.

Paunti-unti ay nakakaramdam na ako ng kirot sa aking tiyan.

"Doc...Manganganak na ang Misis ko!" Halos sigaw niya nang makapasok kami sa ng Hospital.

"Kian!..Kumalma ka nga!" Mariin kong sabi.

Sumasakit na ang ulo ko sakanya. Haluan mo pa ng kahihiyan dahil nakatingin na saamin ang mga on-duty na nurse.

FS2:FORCED TO BE PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon