CHAPTER 15:Unexpected

990 10 0
                                    

Maganda ang gising ko sa araw na ito. Hindi ko rin maexplain, I even start humming while cleaning. Pakiramdam ko ay sumasang-ayon na ang panahon saakin. Nakita ko sa bintana ko na papasikat palang ang araw. Pati ang mga ibon ay nakiki-kanta narin saakin.

Tanging huni ng mga ibon at hampas ng alon ang maririnig mo kapag ganito pa kaaga, May mangilan-ngilang tunog ng makina ng bangka na agad din naman nawawala.

Nag-init muna ako ng tubig para mamaya ay maipagtimpla ko ng kape si Kian, Ilalagay ko nalang sa Thermos para may mainit na tubig ako mag hapon.

Sunod-sunod na katok sa pintuan ko ang bumadag sa katahimikan, Wala naman akong inaasahanv bisita. Marami na din ang mga nakakakilala saakin dito sa Isla, Baka mag papa-check ng Blood Pressure.

"Sino yan?" sigaw ko

Tinapos ko ang pag sasalin ng tubig sa Thermos saka ako nagmadaling pumunta sa sala nang hindi sumagot ang nasa labas.

Patuloy parin ang pagkatok niya kaya agad ko siyang pinag-buksan dahil baka emergency iyon. Babatiin ko pa sana ito ngunit parang tumigil ang tibok ng puso ko nang bumungad saakin si Jameson.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit, hindi na ako makahinga ng maayos. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkakayakap niya o dahil sa andito siya.

"Finally, nahanap din kita. Ang tagal kong inantay ang araw na ito" Saad ni Jameson nang kumalas siya sa pagkakayakap niya saakin.
" B-Bakit Ka A-Andito"

" Sinusundo ko ang Bestfriend ko, Ang Mapapangasawa ko Luna. At ikaw yun, kaya tara na sumama kana saakin." Nakangiting sagot ni Jameson.

Umiling-iling ako, "Hindi ako sasama sayo Jameson. At Hinding-hindi ako mag papakasal sayo!"

Unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ito ng pag-kunot noo niya.

"Sa ayaw at gusto mo! Sasama ka saakin Luna! Uuwi ka sainyo! At papakasalan mo ako!"

Dahil sa takot ko ay nagmadali akong isara ang pinto, pero malakas siya, napigilan niya ang dapat kong gawin.

"Ano ba Jameson! Sinabing hindi ako sasama sayo!"

Hinabol niya ako at binuhat na parang sako ng bigas nang maabutan niya ako. Kahit anong pumiglas ko ay hindi ako makawala. Pinag susuntok ko narin ang likod niya pero hindi siya natinag.

"Tumigil ka Camilla Luna! Huwag mo akong galitin!" Saad niya.

Tagumpay niya akong nailabas sa bahay ko.

"TULONG! ASH!, NANAY FELI!" Sigaw ko. Nagbabakasakaling marinig nila ako.

"Tumahimik ka Luna!" Ani Jameson.

Pumikit ako ng maigi at nagdasal na sana, Kahit ngayon lang ay hindi sumama si Kian sa mga mangingisda, O kaya naman ay Maaga silang bumalik.

"Luna! Anong nangyayari!?"
Narinig kong sigaw ni Ash. Tila nabuhayan ako ng loob dahil sawakas ay may tutulong na saakin. Nangingilid ang mga luha ko dahil sa sitwasyon ko.

" Ibaba mo nga si Luna! Sino kaba!? Kidnapping yang ginagawa mo!" Sigaw ni Ash.

"HUWAG KANG MANGIALAM DITO!"

Patuloy lang sa paglalakad si Jameson at hindi natitinag sa pagpupumiglas ko.

"Ibaba mo na ako Jameson, Nagmamakaawa ako sayo... Hayaan mo na ako dito sa Isla" Sabi ko. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"BITIWAN MO SI LUNA SABI!" Saad ni Asher habang pinipigilan si Jameson sa Paglalakad.

Dahil sa pagpupumiglas ko at sa pagpigil ni Asher ay nabitiwan ako ni Jameson kaya naman tuluyan na akong bumagsak sa buhangin. Hindi naman masyadong mataas pero sumakit ang likod at pwetan ko dahil sa nangyari.

"Sinabing huwag kang mangialam dito!"

Parehas kaming natigilan ni Ash nang tutukan siya ng Baril ni Jameson.

"I-Ibaba mo yan. Pwede naman pag-usapan ng Maayos. Huwag mo lang kunin si Luna" ani Ash na siyang nagpahalakhak kay Jameson.

"Sinusundo ko lang ang Mapapangasawa ko. Kaya huwag kang mangialam dito"

Gamit ang kanyang isang kamay ay hinawakan niya sa braso saka hinila. Pilit kong inaalis ang hawak niya pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya saakin.

"Bitiwan mo ako Jameson! Sinabing hindi ako sasama sayo at hindi ako magpapakasal sayo!" nagpumiglas ko.

Patuloy ang agos ng luha ko, Hindi na ako makakita ng maayos dahil dito. Naramdaman k9 nalang na nabasa ng dagat ang paa ko, Pilit parin akong nag pupumiglas nang bumahit niya ulit ako saka nilapag sa speed boat.

Nagmadali akong tumayo para makababa ngunit kinulong ako ni Jameson sa bisig niya. Nakaramdam ako ng hapdi sa aking leeg Indikasyong may tinurok saakin. Natigilan ako sa pagpupumiglas nang unti-unting dumilim ang paligid ko at tuluyang nawalan ng malay.

~~

"Alam ko Gising kana Luna"

Napabaling ang tingin ko sa nagsalita. It was Jameson drinking in my balcony, He is wearing a white sando and a boxer short.

"Anong ginagawa mo dito sa Kwarto ko!"

Napabangon ako bigla para lumabas ng kwarto ko pero mabilis niya akong napigilin.

"Saan ka nanaman pupunta Luna. Tatakbuhan mo nanaman ako?"

" Ano ba Jameson! Bitiwan mo nga ako!"

"Huwag mo akong ginagalit Camilla Luna! Hindi mo magugustuhan!" Galit na saad niya.

"Umalis ka dito sa Kwarto ko Jameson! Ayaw kitang makita!"

"Magiging Mag-asawa na tayo Luna. Kaya mas mabuti na magkasama dito. O mas gusto mong dalhin kita saamin" Nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit.

"HINDI AKO MAGPAPAKASAL SAYO--!"

Natigilan ako ng Sampalin niya ako, Tumulo ang luha ko hindi dahil sa sakit ng sampal niya, Nasaktan ako dahil hindi ko alam na kaya niya akong pag-buhatan ng kamay. He's been my Bestfriend for a long time, I didn't expect him to be this cruel.

" Wala ka ng magagawa Luna.
Mag-papakasal ka saakin! At walang sinuman ang makakapigil non!"

Masama ko lang siyang tinignan habang hawak-hawak ko ang sinampal niya. I clenched my jaw to stop my tears from falling.

" Tumigil kana Jameson. Hindi ikaw yan"

His laugh echoed im my whole room, "Camilla Luna...I don't care! Ang mahalaga Andito kama at matutuloy na ang kasal" Hinila niya ako at padarag na tinulak sa aking kama.

Lumabas siya sa kwarto ko.

Nagmadali din akong tumayo para makausap sina Mommy at Daddy, magbabakasakaling pakawalan nila ako. Ngunit bigo akong napasandal sa pinto nang mapagtanto kong nakalock ito mula sa labas.
Hindi rin ako makalabas sa Balcony dahil ang Lock nito ay kakailanganin ng Susi sa loob man o sa labas.

Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak, Wala rin akong Cellphone na hawak para makahingi ng tulong kay Alora.
Eto naba?..wala nabang solusyon ang problemang ito?...Do I really need to marry Jameson?.

Tatanggapin ko nalang ba na ito nga ang kapalaran ko, and what happened in that Island is just a Lesson? Pinatikim lang ako ng malayang buhay sandali?...Dahil ito talaga ang buhay na para saakin?.

Maybe in another life, mapagbigyan ulit ako ng pagkakataong mahalin si Kian. At kung mangyari iyon, I will love Him with all my heart.

Hind ko kakalimutan ang saya na ipinaramdam saakin ni Kian. I will treasure it. Siguro nga ay magiging masaya nalang itong memorya na kahit kailan ay hindi pwedeng Kalimutan.

FS2:FORCED TO BE PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon