EPILOGUE

1.2K 13 3
                                    

KIAN EROS CLEMENTE' POV

" Bakit ka umiiyak?"

Napaangat ako bigla ng mukha nang may biglang nagsalita sa harapan ko.

Agad akong nag-punas ng luha nang mapagtanto kong isa ito'ng babae.

Namangha ako sa kagandahan niyang taglay.

Mayroo'n siya'ng itim at medyo kulot na buhok. Ang mga mata'y tila kulay abo at mayroo'n siyang manipis at matangos na ilong, at bumagay sa kagandahan niya ang makapal at pamula niyang labi.

"H-Hindi ako umiiyak." Pagsisinungaling ko.

Humagalpak siya habang may kinukuha sa bulsa niya. Kunot noo ko lang siya'ng pinanood dahil sa likod ng masaya niya'ng mukha ay makikita ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Eto oh... Punasan mo yung sipon mo." Nakangiting aniya.


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nagmadali akong kunin ang inaabot niyang panyo saka ito pinunas sa ilong ko.

" Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko."

Marahan ko'ng pinanood ang kilos niya. Dahan-Dahan siya'ng umupo sa tabi ko.

Hindi parin ako nag-sasalita. Pinanood ko lang siya'ng nag-aayos ng kanyang suot na dress. She is wearing a Light blue floral dress.

"Huy!... Hindi kaba mag-sasalita?" Pinilig niya ang mukha niya malapit sa mukha ko.

Halos mapatalon ako sa ginawa niya dahil bigla bigla nalang sumusulpot ang mukha niya sa gilid ko.

Nag-iwas ako ng tingin sakanya dahil para akong nahihipnotisto sa tingin niya.

Ano ba 'yan Kian!... Ang Bata Bata mo pa! 12 years old ka palang! Kung ano-anong sinasabi mo diyan.

" Are you Mute?" Tanong niya.

Bumuntong hininga siya bago ngumiti, " Ako nga pala si Cami-"

"Andyan ka lang pala!. Kanina pa kita hinahanap!"

Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil agad siyang hinila ng isang sopisticada'ng ginang. Wala na rin siyang nagawa kundi sumama rito.

Samantalang Gulat ko naman sila'ng pinagmasdan. At nang mawala na sila sa paningin ko ay agad kong tinignan ang panyo'ng hawak ko.

"C.L.P?" Kunot noo kong sambit.

Mariin ko'ng tinitigan ang asul na panyo'ng hawak ko na may burdang tatlong Letra.

I chuckled, "She's...Cute."

Pinilig ko ang ulo ko dahil sa naisip ko...Baliw!.

Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Nanay Feli.

" Kian Apo...Andyan ka lang pala, Halika na.... Ginawa naman natin ang lahat para magising sila." Malungkot na sabi ni Nanay Feli.

Kaya ako umiiyak dahil na-aksidente sina Mama at Papa. Ilang araw na sila'ng hindi nagigising , pero ang Sabi ng Doktor saamin ay may pag-asa pa raw sila'ng mabuhay, Kaya inilipat namin ni Nanay Feli sa mas pribadong Hospital para matutukan. Pero... Wala na talaga, Tuluyan na silang kinuha saakin.

FS2:FORCED TO BE PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon