Part II
[Gwen POV]
Dahan dahan nagmulat ang aking mga mata, ang tahimik ng paligid, naguguluhan ang utak ko kung nasan ako. alam ko nasa hospital ako pero ang ganda, parang nasa hotel ako. biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan, deja vu? imagination ko lang ba na nandito na ako dati?
Ayoko ng isipin, hindi naman mahalaga kung nasaan ako, ang mahalaga kung anong nangyari kay Nanay Rosalia, ang huli kong naalala ay nahulog kami sa balcony. Ok lang kaya sya? Naintindihan ko malubha na ang sakit nya kaya nya nagawa yun. She is schizophrenic. tumingin ako sa taas, oh lord, sana maging ok ang lahat. sana ok lang si nanay.
Naiinip na ako at wala akong magagawa, kaya nilibot na lang ng mga mata ko ang buong kwarto, nasa mamahalin akong hospital sigurado ako. Napako ang tingin ko sa natutulog na babae sa sofa, mahaba ang buhok, si Jhoanna ? hindi ko makita ang mukha nya.
Ayoko naman gisingin. baka pagod, mag Hi Hello na lang kami pag nakapag pahinga na sya, naglalakad na ako, ng biglang may tumawag sa akin.
"Bebe? gising ka na? Anong ginagawa mo? saan ka pupunta?" ay palaka! nakaka gulat naman, hindi boses ni Jho yun, sinong?
lumingon ako sa may-ari ng boses, naka upo sya, at inaantok pa ang mga mata. ngayon ko lang sya nakita..... sino sya? ang ganda nya kahit kakagising lang, walang make up at may maliliit na sugat sa mukha.
Tinitigan ko sya, at bakit natutulog sya dito sa kwarto ko? kaibigan ba sya ni Jho?
"Bebe gising ka na nga,," nakangiting tingin nya sakin. tinatawag nya akong Bebe? Is she dreaming? baka nga? napatulala ako, mas gumaganda sya pag nakangiti. may dimples.... ang cute~.
Naglakad sya papalapit sa akin at tumigil bigla ang mundo ko. Bakit nya ako niyakap??
"Umiyak ka ba? ..... Bakit hindi ka nagsasalita?" ang sweet pa ng boses nya.
Traydor talaga tong katawan ko, nagustohan ang yakap ng taong ngayon ko lang nakita. ghad ramdam ko ang init ng katawan nya, napaka nipis naman kasi ng hospital gown na to,
"I'm worried bakit ka nga hindi nagsasalita? sagutin mo ako Bebe." naiinis na ata ito, hindi naman ako makapag salita, naguguluhan ako sa nangyayari. at bakit hindi ko kayang kumalas sa yakap nya?
".. ano.. pupunta lang ako ng cr. pwede mo ba akong bitawan?"
at sino ka? gusto kong sabihin pero nahihiya ako,
"samahan na kita" hinawakan nya ang kamay ko, at idinantay nito ang isang braso sa bewang ko.
Puso ko chill lang, bakit ka ganyan, may gf ka na si Jho remember? lumayo ka na sa kanya.
"Kaya ko na... pwede ka na umalis, baka may gagawin ka pa, si jho ba ang pumilit sayo na bantayan ako? ang girlfriend ko na yun pasaway talaga."
biglang humigpit ang hawak nya sa bewang ko, lumingon ako sa kanya. nasa gilid ko sya at inaalalayan ako, na pwede naman hindi na dahil nakaka lakad naman ako ng maayos.
kumunot ang noo nito, at kung nakakamatay lang talaga ang titig nya, kanina pa ako pinaglalamayan.
"Nag bibiro ka ba Bebe ko? kakagising mo lang may gana ka nang mag biro? at hindi pa nakakatawa ang biro mo, kung hindi lang talaga ganyan ang ayos mo....
Ha? nanlaki ang mga mata ko, pinaglapit pa nya ang mga katawan namin, ang lapit ng mukha nya, nag tayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
anong gagawin nya? parang hahalikan ako, play girl ba to? nanghahalik na lang basta basta?pero napalitan din ng pag-alala ang maganda nyang mukha.
"Ok ka na ba? wala bang masakit sayo? naka bandage ang ulo ko, may pasa ako sa katawan, lamog ang mukha ko, yep, hindi naman ito mag papantasya sa itsura ko, kaya guni-guni ko lang ung kanina na parang hahalikan nya ako.
YOU ARE READING
Love Worth Fighting For (Hambebe AU)
RomanceHambebe AU (Mature, Rated SPG) Wherein: Gwen is an adopted daughter na may gusto kay Sheena, na anak ng mag-asawang nagkukop sa kanya.