Gwen's POV
Present DaySa nakakakilala sa akin, ako yung tao na laging tahimik, hindi nagsasalita, nag oobserve lang sa tabi, pero ngayon nag iba na, hindi ako matahimik, nahihirapan na ako, hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko, pinilit ko naman pigilan, pero wala pa rin akong magawa, alipin parin ako ng nararamdaman ko, even Colette my bestfriend, wala syang kaalam-alam.
Ang totoo nyan, may gusto ako sa anak ni Tito Bhert at Tita Lucy, silang mag-asawa ang tumulong sa'kin ng maaksidente ako 5 years ago. Tinuring nila akong kapamilya, itinuring nila akong anak kahit na hindi nila ako kilala, kaya malaki ang respeto ko sa kanila, kahit ano gagawin ko makabawi lang sa mga mabubuting ginawa nila sa akin.
Wala na kasi akong mapuntahan. Kung may family ako, hindi ko alam bakit hindi nila ako hinahanap at kahit gusto ko naman hanapin sila, hindi ko magawa, nakalimutan ko na, nawala lahat ng memories ko, na-erase 5 years ago, nalulungkot ako pero wala talaga akong magagawa, Na-uumay din, para kasing movie na napanood namin ni Bebe. Amnesia daw ang tawag dito sabi ng doctor. Ilan lang ba sa population ng mundo ang may amnesia? walang nakaka alam, kasi almost zero, kaya ako ata ang pinaka MALAS na tao sa buong mundo.
Pero sana.... di nila malaman na may gusto ako kay Bebe, which I think is a crime, kahit hindi kami magkadugo, we are family, we're like sisters. Napahawak ako sa ulo, gusto ko sabunutan ang sarili ko.
It's unfair, bakit sa kanya pa? so I tried to stay away from her, pinilit ko ang sarili na kalimutan ang kung ano man nararamdaman ko. Hindi kami pwede.
Pero every time makikita ko sya, iisang bahay lang inuuwian namin. yung feelings ko parang sasabog, gusto ko syang kausapin, i hug, i kiss, tulad nong una namin pagkikita, bago magkaroon ng malisya sa isip ko.
Pero sa totoo nyan pwede naman ako bumili ng sarili kong condo. Ayaw ko lang, pag ginawa ko yun, hindi ko na makikita si Bebe araw araw ...
So how did it start ba, pano ba nag iba ang feelings ko for her? I always ask myself bakit ko hinayaan na ma-fall sa kanya.
-----------------------------------------
Gwen's POV
Present Day
Office of the CEOPinatawag ako ni Tito sa office nya, may important matters lang daw na pag-uusapan. Si Tito ay owner ng isang wine company dito sa Pilipinas. It is a famous wine company, so famous na kasama sya sa top 10 billionares sa bansa.
Tito Alberto: I need to talk to you about something important. *seryosong sabi*
Sa tono ng boses at tindig ng pagtayo ni Tito, na-sense ko na seryoso ang pag-uusapan namin.
Gwen: Ano po yun Tito?
Kinakabahan ako.
Tito Alberto: I love my daughter so much, alam mo yan Gwen. I want all the best things in the world for her, lahat ibibigay ko sa kanya, but I'm not always with her, so I think it's time she finds someone who can take care of her. Ikaw lang Gwen ang inaasahan ko, Close kayo sa isat isa , kaya mas pakikinggan ka nya kesa sa akin.... I know it so sudden but hija I want you to help me find her a husband, someone worthy of her.
Ano? out of nowhere?
Sa sobrang gulat ko, huminto ata ang tibok ng puso ko, tama ba ang rinig ko? di ko mapigilan na i-imagine yung magkakaroon ng sariling family si Bebe.
Hindi ko na narinig ang sunod na sabi ni Tito Bhert. Pagsabi nya ng tungkol kay Bebe bigla naging manhid ang buong pagkatao ko.
Hindi na rin ako nagtataka, Tito's business is worth billions and of course his only daughter will inherit all of it. Sino ba naman akong isang hampas lupa na nangangarap na maging sila ng anak nya?
YOU ARE READING
Love Worth Fighting For (Hambebe AU)
RomanceHambebe AU (Mature, Rated SPG) Wherein: Gwen is an adopted daughter na may gusto kay Sheena, na anak ng mag-asawang nagkukop sa kanya.