nasanay na rin ako na walang Alex na nangungulit sakin. Nakatambay kami ni Ayi ngayon dito sa terrace namin nagkukwentuhan nung bigla niyang inopen na topic si Alex
Ayi : ahm sis? nangungulit pa rin ba hanggang ngayon sayo si Alex?
Myka : hmm sa ngayon hindi na e pero nung mga nakaraang araw madalas bakit mo natanong?
Ayi : ah wala naman bigla lang kasing pumasok sa isip ko. Ay gabi na pala uuwi na rin ako bukas nalang uli ha
tapos yun hinatid ko siya sa may kanto. 10 pm na rin pala late na nga masiado.
Alex's POV
matagal tagal na rin nung huling araw kong nakausap si Myka kasi naman nakakabadtrip yung pinsan ko e, nagbalak ba namang pormahan si Myka e chix ko kaya yon. Tapos naging busy din ako masiado dami kong inasikaso malapit na kasi yung fiesta dito samin tapos nag enroll pa ko, tapos kasali pa ko sa liga, nagpunta pa ko sa probinsya at nag stay don ng ilang araw din no kaya yon. Pero ngayon kelangan ko na siya i PM baka nagtataka na rin yun e at isiping para kong bula.
Agad akong umupo sa harap ng computer as in AGAD AGAD :) sana online siya *crossfingers* pag open ko ng account ko, chat box kaagad ang tinignan ko, and sa kamalas malasan hindi siya online nag intay ako ng until 2am pero wala talaga e. Mukha tuloy akong ginagantihan. Inaantok na din ako kaya nag leave nalang ako ng message na "hello" pwede na yun xD parang na speechless kasi ako bigla e
Pag gising ko, nag check agad ako ng FB account ko baka kasi nagreply na siya sa message ko kagabi, pero wala pa din e. Inisip ko nalang na baka tulog pa siya medyo maaga pa naman kasi. Nagluto ako ng tanghalian namin tapos nag gala na kung saan saan. Gabi na kong nakauwi excited akong magbukas uli ng facebook baka kasi OL si Myka o di kaya naman e nag reply na siya.
Pumikit pa ko para surprise, at ayon na surprise nga ako kasi WALA! anu kayang nangyari sa babaeng yun at masiado atang nagpapabusy. Grabe naman, may surprise pa naman sana ako sa kanya, may cellphone na kasi ako kaya pwede na kaming magtext-text pero hindi ko alam kung masusurprise ba siya kung sasabihin ko yun. Pero atleast diba.
Namimiss ko ng makausap yung Marian ng buhay ko xD
itext ko kaya siya?
ay baka walang load
edi tawagan ko nalang kaya siya para siguro?
at yun, dali dali kong kinuha sa kwarto yung cellphone ko, tatawagan ko siya ang saya saya ko, sa wakas makakausap ko siya for the first time sa phone. Abot langit yung ngiti ko.
"Aww Sh*T, nice move Alex, kahit kelan ang tanga tanga mo." pabulong kong sabi sa sarili ko BADTRIP naman kasi e, wala nga pala kong number ng baabeng yon. Laki laki pa naman ng ngiti tapos naalala ko bigla wala pa.
Dahil gusto ko talagang marinig yung boses niya kaya gumawa ako ng paraan. Buti nalang may online kaming ka schoolmate kaya dun ko nalang kinuha. Ayaw pa ngang ibigay nung una e.
Nagmamadali na rin kasi ako e. Pupunta kasi kami sa bar kasama ko yung mga pinsan ko. 11pm na kaming nakarating dun. Whooo ang saya party party. Sobrang enjoy talaga ako pag napunta ako ng bar kasi wala lang, ansaya e. Sa sobrang saya ko nakalimutan ko ng tawagan si Myka, 1am na rin baka tulog na yun kaya bukas nalang siguro
*sayaw*
*sayaw*
*sayaw*
pero bat kaya di ko itry di ba? wala naman sigurong mawawala? pero baka nga tulog na yun baka maistorbo ko may bukas pa naman pero gusto ko talaga e. Alam niyo yung nagdadalwang isip? AKO yun e.
pero tinry ko na rin wala naman sigurong mawawala, at di naman siguro siya magagalit
and ..
and ..
and ..
WHOOOOAAAAAAAAAAHHHHHHHHH hindi ako nabigo kasi gising pa siya at sinagot niya yung tawag ko. Pero yun nga lang, binaba niya rin agad bakit kaya?
Myka's POV
1am na pero may tumawag pa sakin. Dahil hindi naka register yung number kaya pinatay ko kaagad. And ang ingay nung place kung nasaan man siya baka magising lang si ate na katabi ko pag tulog. Sa totoo lang, wala naman kasi akong balak sagutin talaga yung tawag na yun e, na curious lang ako kung sino yun e hating gabi na po kaya tapos may natawag pa? haleeer
E bakit nga ba gising pa ko? e di ba nga madaling araw na. HAHA ewan ko ba wala naman akong ginagawa pero bakit hindi ako magawang dalawin ng antok. Kanina pa ako day dream ng day dream pero wa epek! sus na day dream ko na nga ata yung buong future ko e pero eto NGANGA pa din
Sa sobrang kaka day dream ko, nakatulog na pala ako
black screen lang yung panaginip ko xD
pag gising ko syempre cellphone agad ang una kong tinignan
*24 messages received*
wow andami namang nakaalalang magtext sakin
whooaa akala ko lang pala un
dahil ...
yung 20 don GM
yung isa TM
yung isa 4438
yung isa pa LUCKY INFO
and yung isa pa? OMG
"GoodMorning Marian" yan yung laman nung text hello Myka po ang pangalan ko at hindi Marian. Sino ba to. Si Alex lang naman ang natawag sakin ng Marian pero imposible namang siya to e wala naman yung cellphone kasi naman shu shunga shunga pinaanod sa drum. Di ko nalang nireplyan yung "Mr/Ms. Mysterious" na nag PM sakin baka kasi wrong send lang siya talaga
Bumaba na ko para kumain ng BRUNCH (breakfast+lunch)
nung sa kalagitnaan ng masarap kong pag nguya ay nag ring yung phone ko
OMG natawag na naman yung tumawag kagabi and at the same time yung nagtext kaninang umaga, sino ba kasi tong mokong na to at mukhang trip na trip ako. Pero dahil masarap kumain inisnob ko yung tawag. Pagkatapos kong kumaen at maghugas ng pinagkainan pag tingin ko sa phone ko OMG natawag pa rin kaloka ha pang 33 na tawag nya na nga to e pero syempre hindi ko pa din sinagot haha e kasi naman hindi talaga ako nasagot ng tawag galing kanino kahit nga sa parents ko e haha mas gusto ko kasing text nalang
pero dahil naka 57 na tawag na siya, sinagot ko na OMG ha first time to sa talambuhay ko
"hello sino ba to? anu bang kelangan mo at ang kulit kulit mo?" obviously badtrip na ko, e kasi naman e nasira yung record ko na hindi pagsagot ng mga tawag
"opps chill Marian ako to si Alex" aw siya pala natarayan ko tuloy.
"ah may cp kana pala o siya text nalang tayo ha babush" nagpaalam ako agad e kasi nga hindi talaga ko sanay ng may katelebabad e
pag baba ko nung phone tinext ko na agad siya ng hi pero no response na siya, di niya ko nireplyan, parang bulang naglaho na naman xD

BINABASA MO ANG
A Cheater's Heart
RomanceMakikipagbalikan ka pa ba sa taong minsan ng dumurog ng puso mo? Handa ka bang makinig o maniwala sa mga pangako niyang madalas napapako? Hanngang kelan mo matitiis lahat ng sakit? at kelan mo ba matatanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa? Sabi...