Myka's POV
August 3, 2012
Priest Day ngayon and at the same time Nutrition Day din
o diba mejo na late yung nutrition day namin
Nakapila kami ngayon sa school malamang xD
sasakay na kami sa kanya kanyang assign na jeep papuntang simbahan
at dahil kulang yung mga jeep
naiwan sa school yung section namin at yung section nila Alex
Pinabalik muna kami sa kanya kanyang rooms habang nag iintay
pero ako? dumeretso ako sa room nila Alex
hindi para landiin siya no haha
para makipagchikahan sa mga classmate niyang babae
syempre silay mode na rin kay Alex
hindi niya kasi ako nilalandi ng personal e haha
magaling lang siya sa text
ewan ko ba dun
chika here
chika there
lahat na ng babae sa room nato
nakipagchismisan na ko
kinulit ko na
maliban kay Ayi
di niya kasi ako pinapansin
hindi ko alam kung bakit
syempre dedma effect nalang din ako
"Oy guys baba na raw" sabi nung president nila. syempre alangang makibaba ako diba? edi bumalik nalang ako sa room
paalis na ata sila
ewan di ko na sinilip e
"oy kulang pa raw ng isa don sa jeep sinong gustong sumabay na" Lance na mukhang nakalunok ng megaphone
bababa na sana ko, ilang steps nalang, palabas na ko ng pinto syempre ako yung sasabay haha
abot kamay ko na yung pinto nung biglang
"Ako na sasabay" *sabay takbo*. Yasmine.
wala na!
wala na talaga!
sira na naman ang pangarap kong makatabi si Alex'beybe sa jeep
anu pa nga bang magagawa ko e nakatakbo na si Yasmine.
umupo nalang ako sa upuan ko
syempre poker face na naman ako
nakakaiyamot kaya!
at ngayon ko lang napansing, ako nalang pala ang natitirang babae dito
puro mga lalaki't bakla ang mga natira
pano kasi yung mga ibang girls asa chapel na
and yung iba naman server kaya nauna na
tapos inunahan pa ko ng Yasmine na yon!
andito na kami ngayon sa chapel
katabi ko ngayon si Joj
pasimple kaming nagchichismisan
feeling namin twenty four years kaming hindi nagkita
wow twenty four agad, wala pa nga kami sa ganung age e haha
BINABASA MO ANG
A Cheater's Heart
RomanceMakikipagbalikan ka pa ba sa taong minsan ng dumurog ng puso mo? Handa ka bang makinig o maniwala sa mga pangako niyang madalas napapako? Hanngang kelan mo matitiis lahat ng sakit? at kelan mo ba matatanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa? Sabi...
