Chapter 54

267 1 0
                                    

Maaga akong naligo, bakit? hindi ko din alam,

nagbihis ako ng pang alis, bakit? hindi ko din alam.

"Myka, san ka pupunta?" Mama.

"hindi ko din alam Ma." ako

"gagala ka na naman" Ma. Buti walang sermon epek

"hindi ko din alam Ma. HAHA bye ma mag sasaya lang muna ko"

"bakit hindi ba dito masaya sa bahay?" nagsasalita pa si mama nung tuluyan na kong lumabas ng bahay. San ba punta ko? Hindi ko din alam.

aaaaa *ting!* bright idea si ateng!

*sakay ng tricycle*

*jeep*

*tricycle*

*tok tok* katok ng pinto

"ay kalabaw!" Bhaby. HAHAHAHA! ayos naman suot ko, mukha ba kong kalabaw? Oo pinuntahan ko si Alex sa kanila, miss ko na e <3 pinapasok niya naman agad ako aba syempre xD

---

"bebe, nuod tayong movie" Alex.

"o sure, anung movie?"

"yung nakakatakot para masaya" Tapos pinlay na niya, napanuod na daw nila yun e. Pina fast forward niya ng pina fast forward para daw dun agad sa magandang part, ayan hindi ko tuloy naintindihan.

"Ayan na bebe!" Alex. Napanuod na niya pero takot pa din siya -_- ang cute palang matakot ng mga lalaki xD

"di ka pa ba sanay matakot?" ako

"ha?"

"harap ka lang sa salamin halloween na e HAHAHAHAHA joke lang bhaby iloveyou" Ako. Tapos nag pout siya then irap ang cute cute xD

Nung matapos yung movie, pumasok kami sa kwarto niya, umupo ako sa kama at nagpahangin bigla niya naman akong hinagisan ng jersey

"anung gagawin ko dito?" Tanong ko kay Alex

"titigan mo" 

"k" 

"E kasi naman bhaby e, suotin mo nga dali, titignan ko lang kung mukha kang tibo" Alex, Aba lokong to a, Trip pala ako ng mokong akala ko naman kung anung epek

"aba! yoko nga! baka mamaya mag mukha pa kong mas lalaki sa boyfriend ko no"

"i dali na, tyaka hindi lang naman yun yung reason bebe, e kasi diba sabi ko sayo dati wag mo ng susuotin yang damit mong yan kasi garter yung dulo lagi nalang nataas, e ayokong nakikita yang likod mo lalu na pag nasa jeep ka, kaya kada suot mu niyan, hahagisan kita ng damit ko" Yung super caring na boyfriend? Hi Alex, say PRESENT, syempre papakipot effect pa ba? di na uy, sinuot ko yung jersey shirt, syempre pinatong ko lang sa suot kong damit.

"hala ang cute bebe" Alex. Maniwala man kayo o hindi, ngayon niya lang ako nasabihan niyan kaya di ko alam kung maniniwala ba ko o hindi, lagi niya kasi akong inaapi hahahaha

"edi nainlove ka lalo " Ako. Tapos antahimik ni bebe, sinuot ko pa yung blackshoes niya then tawa siya ng tawa.

"HAHAHAHAH bebe hindi ka talaga lagi nabibigong patawanin ako e no, iloveyou" Alex. Tapos pinicturan niya pa ko at ginawa niyang wallpaper. Tapos nun, lumabas lang ako saglit, pagbalik ko ng kwarto harok na si Bhaby Alex jusme hilik kung hilik e HAHAHA anu bang nakakapagod sa panunuod namin ng movie kanina? o sa pagtawa niya sakin? wala naman ata.

At dahil tulog ang prinsipe ko, wala akong makausap, wala naman kasi dito sa kanila yung mga kapatid niya tapos tulog din yung mama  niya, nagkutingting nalang ako ng kung anu ano sa kwarto niya, bigla nalang akong napangiti nung nakita ko yung picture frame na may picture naming dalawa na ngayon e nadagdagan ng solong picture ko.

--

Hinatid ako pauwi ni Bhaby suot ko pa rin yung jersey niyang number 24 <3

January 2, 2013. <3

----

A/N : Konting pahapyaw lang xD

January 11, 2013

"bebe!" Alex

"o why?" hinigit ako ni Alex papasok ng room nila.

"anung gagawin natin dito? saglit kakain muna ko gutom na ko" Ako.

"may lunch ka ba?" Alex

"edi bibili, laki ng prublema e" Troll face ako kasi gutom na gutom na talaga ko.

"upo!" Alex

"wow?aso?" ako

"bhaby naman kasi high blood masiado, dine ka kumaen susubuan kita, may lunch ako" Alex, tapos ayun nagbuhay prinsesa na naman ako, sinusubuan niya ko habang nakatingin yung mga kaklase niya including Ayi. Ang sweet-sweet talaga ng boyfriend kong abnoy! <3 <3 <3

A/N : Sorry ngayon na lang uli nakapag Update. This Chapter is dedicated to Ate Minette and to her Baby <3 stay strong po <3

A Cheater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon