Chapter 57

351 2 4
                                    

Campaign ngayon para sa SSG, kumandidato akong treasurer kahit hindi ako suportado ni Bhaby. Naglalakad kami pauwe....

"Sabi ko kasi sayo wag kanang tumakbo e" Alex. Hindi ko siya iniimikan, syempre sa part ko, masakit. Suporta lang yung kelangan ko hindi niya pa maibigay. That feeling na naiinsulto ako

"wala e anjan na alangang atrasan ko pa" walang gana kong sagot.

"e kapag nanalo ka, magseseminar ka, mga ganun tapos makakakilala ka ng iba tapos ipagpapalit mo na ko, ayoko naman ng ganon" Alex.

"yan ba ang dahilan mo? ang unfair mo"

"edi sige bahala ka, kung yan ang gusto mo" Tapos hindi ko na siya nilingon, tumakbo ako ng tumakbo hanggang makauwi. Si Alex? ewan ko, di ko alam.

~

10PM

 

"Labas ka" Alex. Hindi kami nakapag usap simula nung nangyari kanina. Eto yung first text niya sakin ngayong araw. Lumabas ako ng bahay, andun siya nakaupo sa motor niya, nakasubsob. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung anung nangyayari. Bumibilis yung tibok ng puso ko habang nilalapitan siya. Suot niya pa rin yung tshirt kong pinahiram sa kanya kanina sa school.

"bhaby?" Kaisa isang katagang lumabas sa bibig ko habang hinahaplos yung buhok niya. Umiiyak siya, nararamdaman ko, pero hindi ko alam kung bakit. Gawa ba to nung kanina? oy ha ang OA naman -________-

"putangina! putangina!" Mga salitang lumabas sa bibig ni Alex habang nakasubsob pa rin, umiiyak at sinusuntok hawakan ng motor niya. Sa pagkakataong to, hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anung mali. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Hindi ko kayang makita siyang umiiyak.

"wag mo kong iiwan ha?" Biglang tumunghay si Alex at tumitig sakin, awang awa ako sa kanya sa mga oras na to. Naiiyak din ako, pero ayokong ipakita sa kanyang mahina ako sa mga panahong pinanghihinaan din siya. Kelangan maging malakas ako para sa kanya. Pero bakit niya ba to sinasabi.

"Bhaby, ang hirap talaga e, ginawa ko na lahat pero wala pa rin. Hirap na hirap na kong magpaka tatay sa mga kapatid ko. ilang araw ng ganito, nasa iisang bubong nga kami pero hindi ko na maramdaman ang presensya nila, nagbalak akong magpakamatay nalang, uminom ng joy para matapos na tong prublema ng pamilya namin. Nahihirapan na ko be." Pagpapatuloy ni Alex

"ilang araw na? bat hindi mo sakin sinabi?" ako.

"akala ko kasi malakas ako, akala ko kaya ko lahat"

"hindi sa lahat ng oras, malakas ka. Diba sabi ko sayo andito lang ako palagi para sayo. Pero bakit ganun, akala ko kilalang kilala na kita bakit hindi ko manlang nahalatang may prublema ka? Bakit ang saya saya mo pag nasa school? pag magkasama tayo?

 

"Ang prublema sa bahay, iniiwan din dapat sa bahay, hindi ko pwedeng ipakita sa inyong lahat na nasasaktan din ang gagong tulad ko"

 

"Ibang klase ka, pinapahanga mo ko"

 

"whooooaaa! salamat Myka ha. Salamat sa pag intindi, nailabas ko lahat ng sama ng loob ko" Sabi niya sakin habang hawak yung dalawa kong pisngi, ngumiti lang ako.

"uwi kana, magpahinga ka" Ako, hindi namin namalayang 12am na

 

"ayokong umuwi, hindi ko kaya"

"nakapunta ka dito, kaya makakauwi ka din."

"hindi ko pa sila kayang makita" Alex.

 

"pero kelangan mo ng umuwi" ako, bigla siyang sumakay sa motor niya.

"pagminamalas ka nga naman" Alex. Na flat lang naman ng wala sa oras yung gulong -_____- pano ka uuwe

"Nako patay -___-" ako. Alam ko naman sa sarili kong hindi siya papayagan ni Papa kung dito sia matulog samin, baka kinabukasan laman na kami ng balita sa buong subdivision. Tyaka ayaw ng parents ko na may magulang din na nag aalala sa anak nila.

 "be anung gagawin ko?"

"ako pa tinanong mo? malay ko din"

"sige kaya pa to"

"sure ka?" pagkasabi ko niyan bigla niya nalang pinatakbo ng sobrang bilis grabe kinakabahan ako, hindi na siya nagpaalam sakin. Sana naman maging okay na siya

JANUARY 25, 2013

-----------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Cheater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon