"Hon, labas ka please" Alex. Agad naman akong lumabas, ni hindi ko nga alam kung bakit niya ko pinalalabas e. Basta lumabas nalang ako ng bahay
"o? bat ka andito? diba birthday ni Derek ngayon?" Si Derek, yung kaibigan niya
"a.. e.. bebe.. pwede bang dito muna ko? kasi lasing na lasing na ko, ayoko ng mag inom. Kaso kinakantyawan ako dun e"
"sure, gusto mo sa loob tayo?" pumayag akong dito muna siya kahit 9pm na ng gabi
umub-ob si Alex sa balikat ko
hilong hilo talaga ang bebe ko
"Ang pag ibig, hindi parang cellphone pag naluma, papalitan!" kanta nung babaeng dumadaan xD
"Alex tara na dun" Carlo, kasama yung mga iba pa nilang kainumang dumaan nag gagala siguro.
"ge, sunod na ko" Alex
---------
"bhaby, susunod kapa?" ako
"syempre hindi na bebe, sinabi ko lang yon. Dito nalang ako sa tabi mo ha" sabay suka -_-
--------
"bebe, may aaminin ako sayo" Alex, eto na naman kinakabahan na naman ako
"anu yon?"
"alam mo ba nagkita kami kanina ni Ayi" parang nadurog yung puso ko. Alex anu na naman ba to. Pero bigla siyang nagsalita uli "pero wag ka munang malungkot bebe kasi hindi pa naman ako tapos mag salita"
Alex's POV
*flashback*
sinundo ako kanina ni Jed
JED: pre, pinapasundo ka ni Ayi
ALEX: para san daw?
JED: basta pre, sumama ka nalang lasing na e
sumama naman ako, pag dating namin kila Jed, suka ng mga kaklase kong babae ang tumambad sakin, ewan ko kung anung mga pinagdadaanan nito sa buhay at nagpapakalasing
AYI: Alex alam mo bang mahal na mahal kita pero sinayang mo lang yung pagmamahal ko sayo, anu bang kulang Alex. Lahat naman binigay ko! Iwanan mo na si Myka at balikan mo ko!
ALEX: (to Jed) pre, hatid mo na nga uli ako! kakadiri mga tao dito e!
*End*
*back to reality*
Myka's POV
hindi sana ako maniniwala sa mga pinagsasasabi ni Alex
kasi iniisip kong lasing lang Atalaga siya
pero sadya palang totoo lahat ng sinabi niya
nung pinabasa na niya sakin yung mga text ni Ayi
"Sorry sa mga nasabi ko, Alex. Nalasing lang talaga ko, wag ka pong masiadong magpapakalasing, malayo pa ang uuwian mo. Ingat ka" Nung pinabasa sakin yon ni Alex ang saya saya ko. Oo ang saya ko dahil sa ngayon alam kong loyal na sakin si Alex. Ramdam kong ako nalang talaga ang mamahalin niya. Feeling ko wala ng Ayi na makapagpapahiwalay pa samin
"Sabi ko naman kasi sayo bhaby seryoso ako sayo e" Alex. Sabi hablot ng phone ko. Inagaw ko naman sa agad sa kanya. Bakit? wala lang xD gusto ko lang magharutan kami nyahahaha hindi joke may nakasave kasi ako sa drafts na letter ko sana para sa kanya, gusto ko muna yung i delete kasi surprise ko yun sa kanya e. Pero nagmamatigas siya xD naghabulan pa kami sa kalsada ansaya ko xD. Osige na nga hahayaan ko nalang mabasa yon ni Alex malay mo kiligin nyahahaha lande xD
BINABASA MO ANG
A Cheater's Heart
RomanceMakikipagbalikan ka pa ba sa taong minsan ng dumurog ng puso mo? Handa ka bang makinig o maniwala sa mga pangako niyang madalas napapako? Hanngang kelan mo matitiis lahat ng sakit? at kelan mo ba matatanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa? Sabi...