Leadership Training namin ngayon sa school yung mga team building chuchu na taon taon ginagawa. Enjoy naman kahit papano at kahit pa hindi ko kaclose yung mga kagroup ko.
Sa wakaaaaas uwian na din
"bhaby, text mo ko pag tapos na kayo at pag pauwi kana, ingat. Iloveyou" Kaisa isang text sakin ni Alex buong maghapon na dahil sa sobrang busy ngayon ko lang nabasa :3
"bhaby pauwi na ko, pero medyo tinatamad pa wala naman kasing gagawin. Tara kaen" ako.
"sige, gutom din ako. Kita tayo sa walter. Umuwi ka muna at magpalit ng damit, basang basa kana siguro ng pawis"
"sige, see you!" tapos nagmadali na kong umuwi at pumuntang walter
Dumeretso kaagad kami sa Jollibee, infairness, ang daming tao -_- pero buti may bakante pa at nakaupo agad kami
"anung kakainin mo?" Alex
"anu bang iyo?" ako
"ikaw nga tinatanong e"
"e gagayahin ko kasi yung iyo"
"e ikaw nga gagayahin ko, order kana"
"ha? e bat ako?" ako.
"e nahihilo ako, ikaw na"
"aba ayoko nga di ako marunong" tapos mejo nagkakaasaran na kami kasi wala saming gustong umorder, napaka gentleman mo Alex -_____-
"ayaw mo talaga?" Alex. Sabay tayo niya at walk out. Hinabol ko naman siya
"san ka pupunta?" ako. Habang hawak siya sa braso
"uuwi"
"para kang tanga"
"bakit? dun ka na nga! uuwi na ko"
"hay nako Kim Alex! Lasing kana naman" pano ko nalaman? di ko naamoy, naramdaman ko lang. Certified Girlfriend
"di ako lasing sige na uuwi na ko"
"e tanga ka pala e! kung di ka lasing bat maglalakad ka pauwi?" ako. Tapos bigla siyang tumawa ng malakas
"sorry na, sorry na tara na hahatid na kita pauwi" Alex. Tapos bigla niya kong inakbayan at naglakad.
"di na talaga tayo kakain sa jollibee? tara na" ako.
"pumasok tayo tapos lumabas tapos papasok uli? wag na"
"e gutom na ko"
"hahanap nalang tayo ng iba"
Tapos pagsakay ko ng tricycle sumakay din siya
"san punta mo?" ako.
"sa inyo, ayaw mo?"
"5pm na o?"
"e ano naman?" Alex. Tapos inirapan niya ko, hay nako nakakabakla -_-
Pagdatig samin, naglakad kami agad naghahanap kami ng tindahan XD
"anung bibilhin naten?" ako.
"ate, pabili nga po ng dalwang burger, 2fries tyaka coke" Alex. Sabi nya dun sa tindera tapos di manlang sinagot yung tanong ko
"ayos diba? burger plus fries plus coke, instant B1 napamura pa tayo" Alex
"mautak ka talaga!"
"oo naman, sa kalokohan nga lang madalas ginagamit"
"buti alam mo"
January 25, 2013 <3
"bebe, pupunta ko sa inyo" Alex. Anu kayang nakain non at pupunta dine.
"sige. antayin kita ingat"
1:30pm nung nakarating siya samin pero hindi naman kami nakapagkibuan ng ayos kasi masakit daw ang ulo niya at hilong hilo siya. Maya maya may nagtext sa kanya
"Pre basketball tayo" di ko kilala kung sino e
"sige pre" Reply ni Alex.
~
"o akala ko ba masakit ulo mo?" ako.
"e hayaan mo na"
~
"pahiram nga phone mo" ako. Tapos binigay nya naman tinext ko yung nagtext sa kanya sabi ko wag na silang magbasketball. Tapos nademonyo si Alex.
"akina nga cellphone ko, bahala ka jan" Tapos ewan ko dun bigla nalang nag walk out at umuwi na ng tuluyan -__________-
January 27, 2013
BINABASA MO ANG
A Cheater's Heart
RomantiekMakikipagbalikan ka pa ba sa taong minsan ng dumurog ng puso mo? Handa ka bang makinig o maniwala sa mga pangako niyang madalas napapako? Hanngang kelan mo matitiis lahat ng sakit? at kelan mo ba matatanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa? Sabi...