*Kinabukasan*
"bhaby lasing ako" Alex. agang aga yan ang bumugad sakin. Syempre nakakatanga !
"wala ka ng ginawa kundi mag inom!"
"pupunta ako jan ngayon kasama ko si Emer"
"aalis din ako e pupunta kami ni ate sa SM" tapos naligo na ko at nag ayos ng sarili
"ah ganun ba sige sa susunod nalang"
---
paalis na kami actually asa tricycle na nga e, asa back seat kami ni ate
"Oy ayan pala si Kim o" sabi ni ate sakin.
"ah oo nga" walang gana kong sagot
----
"asan ka ngayon" text ko kay Kim Alex
"asa petron nagpapa gas"
"sinungaling" ako. E tanga ka palang hayop ka e! kelan pa naging pagasolinahan yang bahay nila Ayi, oo obvious bang nakila Ayi siya!
"bakit naman" denial ka pa -_-
"e anjan ka kila Ayi e"
"huh wala a" Kung kada pagsisinungaling ng tao namamatay sila, malamang pinaglalamayan ka ng Alex ka ngayon
"sinungaling ka!" tapos di na siya nagreply. Kapal no? siya pa nawalan ng ganang di magreply. Sa bagay busy kasi siya sa pakikipag landian bakit ko nga ba iistorbohin diba
andito na kami sa SM
mabilis ba xD
humupa na rin yung galit ko kay Alex oo ganyan talaga ko
siguro kaya lang siya nandon e para mangamusta or di kaya naman about sa projects
heler classmates sila, alangan namang pigilan ko sila sa lahat ng bagay.
----
*kinagabihan*
"simba tayo bhaby ha, andito na ko sa simbahan intayin kita" Alex.
hindi ako nagreply kasi nag GM ako
"Good Evening
simbang lande with BHABY <3
GM" o diba ang simple ng GM ko wala akong pakielam at wala ka rin pakielam CHOS ! haha basta gusto ko lang naman ipagkalat na masaya ako dahil magkikita at magsisimba kami ni Bhaby ngayon that's all :) mainggit lahat ng single na nasa contacts ko i dont even care. Okay ang sama ko na tama na
Pagbaba ko ng jeep sinalubong naman kaagad ako ni Alex
tapos umupo kami, konti palang yung tao
"hahatid kita mamaya pauwi ha" Alex. Buti naman at naisipan mo xD
"sure" tatanggi pa ba ko? sorry pero di ako nausuhan ng salitang pakipot xD
"tignan mo to" Alex. Sabay labas ng baril barilan -_- yung kulay pula yung bala na paputok yung asa loob. Basta yun na yun :)
"o nakita ko na tapos" Ang mean ko ba
"hahaha luka! usong uso to samin e" e kaso samin hindi xD
"patingin" ako. Tapos ayaw niyang ibigay kaya pinag agaway pa namin hanggang sa *BOOM* na kulbit niya yung baril-barilan tapos tumama dun sa ulo nung babaeng nasa unahan namin nyahahahaha umusok yung buhok nung babae e xD. Nagtinginan naman lahat ng tao samin buti nalang di pa nagsisimula yung misa. Pa inosente effect lang kaming dalawa na parang wala kaming kasalanan. Humarap yung nabaril ni Alex (chos di naman yun masakit at wala ring epekto) naka tiger look samin yung babae tyaka yung kasama niya tatay niya siguro. Agad namang binitawan ni Alex yung baril-barilan para kunwari di siya ang may gawa kahit huling huli na siya. Nyahahaha tapos kaming dalawa nagpipigil lang ng tawa. Pag alis ng tingin ng mga tao samin, eto na this is the moment nailabas na namin yung tawang pinipigil namin kanina pano kasi yung mukha nung babae kanina troll face xD hindi maipinta e nyahahaha pero nakakaawa din naman hahaha.
BINABASA MO ANG
A Cheater's Heart
RomanceMakikipagbalikan ka pa ba sa taong minsan ng dumurog ng puso mo? Handa ka bang makinig o maniwala sa mga pangako niyang madalas napapako? Hanngang kelan mo matitiis lahat ng sakit? at kelan mo ba matatanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa? Sabi...