Chapter 3

945 10 0
                                    

*fast forward*

 Valentines Day ngayon.

Kanya kanyang gimik ang mga estudyante para pakiligin ang mga syota nila.

Ako? chill lang.

Wala nga palang klase ngayon kasi foundation day na bukas meaning preparation ngayon party party ang buong school.

Nakita kong nakatambay si Myka sa may tapat ng room nila.

May hawak siyang mga roses hindi ko alam kung kanino galing at wala na akong balak pang alamin. 

Pumunta ako sa cashier at bumili ng tatlong roses.

E kasi may tinda sa cashier e haha.

Pag balik ko dun sa kabilang building, nakitang kong nagkukumpulan yung mga tao sa room nila Myka kaya nakisilip ako.

Hmm yun lang pala.

May nanghaharana tss nababaduyan ako sa mga ganun.

Hinahanap ko si Myka di ko siya makita kaya nagtanong ako

"Maricris si Myka ba nakita mo?"

"wow tatlong roses akin nalang yung isa? pwede" sabi ni Maricris. Nakakahiya mang tumanggi pero para kay Myka kasi talaga to

di ko napansin eto lang pala mismo sa harap ko si Myka haha nakatalikod kasi siya e kaya hindi ko kaagad napansin.

Kinulbit ko siya at inabot yung tatlong roses.

Hindi naman halatang nagulat siya kasi nanlaki lang naman yung mata niya haha.

Hindi ata siya makapaniwalang para sa kanya nga yun.

"uhm may problema ba?" tanong ko sa kanya, ayaw niya kasing tanggapin e tapos titig na titig pa siya sakin. Nakakailang tuloy

"ah .. eh .. ah .. wa .. wala .. wala., sala .. salamat ha" hindi naman halatang kinabahan siya sa sagot niya hindi talaga halata xD

Myka's POV

no feelings at all. Pero ewan ko ba kung bakit napatitig nalang ako ng ganun sa kanya tss -.- bakit nga ba? Pero nakakaasar nalaman tuloy ng mga classmate kong may gusto sakin yung mokong na yun urrggghhh. Pero thankful na rin ako atleast nag effort diba

 *fast forward*

Summer na pero Lagi pa rin akong kinukulit ni Alex sa chat, pero sa personal? wala parang di magkakilala haha. Di ko na rin siya masiadong tinatarayan gaya ng dati. Pero tulad pa rin nung dati wala pa rin naman siyang chance e. naging super close kami sa chat pero sa personal?still wala pa rin xD. 6pm to 2am lagi kami kung mag chat wala daw kasi siyang cellphone sa ngayon e. Naging komportable na rin akong kausap siya kahit naman pala loko loko yun e mabait din naman. Madalas niya akong mapatawa pano ba naman kasi sa bawat chat namin lagi siyang may baong pick up lines. naging Boy Pick Up tuloy ang tawag ko sa kanya tapos Girl Pick Up naman ang tawag niya sakin ewan ko ba dun kung bakit e hindi naman ako nag pi pick up line sa kanya haha.

Halos lahat ng pictures ko sa facebook may like niya. Sabi niya pa nga wala daw sinabi si Marian Rivera sa beauty ko haha 

Alex : hi marian chat na tayo

Myka : dingdong ikaw ba yan?

at simula ng araw na yon May 10, 2012 may bagong call sign na naman kami. Yun nalang halos ang naging daily routine summer ko. Hindi namin pinag uusapan kung anong oras mag o online pero laging nagkakataong sabay kami kung mag online.

May 23, 2012 na ang bilis talaga ng araw pero ilang araw na rin akong hindi china chat ni Alex hmm siguro may bago na siyang pinopormahan buti nalang hindi pa ko na fa fall inlove sa mokong na yon ganun lang talaga siguro siya PAASA, but thank God kasi hindi naman ako umasa at never kong gagawin yon no. Matagal tagal na rin at wala na kong balita tungkol sa kanya.

A Cheater's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon