A/N: di ko pa sana to ipa publish e kasi gusto ko sabay sabay na hanggang chapter 45. Pero sige mambibitin muna ako :)
*Fast forward*
Andito ako ngayon sa Robinsons Lipa, kasama ko? family :)
namimili kami ng susuotin para sa Christmas Party
hindi ko katext si Bhaby ngayon kasi nasa SM Calamba siya, namimili din ng pang Christmas party
---
"Bhaby, nakauwi na ko :) " Alex. Buti pa siya nakauwi na :( samantalang ako eto wala pang nabibiling susuotin, bag palang kasi yung nabibili ko e hindi ko naman yun kelangan. Ang choosy ko kasi e. Puro shirts at jeans yung nakikita ko, e ang gusto ko dress. Sa sandals chuba ek ek naman walang magkasya sakin size 10 ako e -_- kaya parusa sa paghahanap
"hay ako matagal tagal pa" yung paa ko, sobrang sakit na
"simba tayo mamaya" oo nga pala simula na ng simbang gabi :))))
"sige pag nakauwi kami ng maaga. i'll text you nalang bebe" umi english ako hahaha
"sige iloveyou"
"iloveyoumore"
----
*Lakad*
*Lakad*
*Lakad* enebeyen pagod na pagod na ko. Pero nakabili na ko ng dress, di ko nga masiadong gusto e -_- ginusto ko nalang sapilitan na e xD. Pagkabili ko ng Quickly (favorite ko yun) at last uuwi na kami. Quarter to 8 na no! Pero akala ko lang palang uuwi na kami -_- kumain muna kami sa Chowking, nagmamadali na kong kumaen kasi gusto kong magsimba, sila naman feel na feel pa
---
nakasakay na kami ng bus ngayon.
Last 20 minutes simula na ng misa
thanks to star toll way ang bilis ng byahe xD
bumaba ako ng simbahan
nakita ko si Alex sa labas, may kasamang dalawang lalaki yung isa kilala ko pero yung isa hindi.
nagdere deretso ako papasok sabay text sa kanyang "naunahan pa kitang pumasok ng simbahan e"
----
nakaupo na kami ni Alex ngayon syempre magkatabi xD
"ilan ang gusto mong anak?" ako. Hindi ko alam kung bakit ko natanong ah basta lumabas yun sa bibig ko
"hmm mga 12 tama na hahaha e ikaw?" Alex. ano itlog lang? isang dosena
"isa lang, isang babae" ako. Oo gusto ko talaga only child tapos babae :">
"kahina mo naman bakit babae pa?" e paki mo kung babae xD
"syempre para mana sakin, maganda" luamakas yung hangin pagkasabi ko e nyahaha
"kapal ! basta ang gusto ko puro lalaki"
"gaya mo pa sayong babaero" ako.
"oo naman hahahahahaha kapag babae kasi baka lokohin lang siya ng mga lalaki. E kapag lalaki siya ang manloloko" Alex. E ayaw mo palang may nasasaktang babae e e bakit ka nanananakit?
"di ko naman hahayaang maging babaero yun tulad mo"
"Michael ang pangalan ng magiging anak natin" anubayan masiadong common, ayoko non!xD
"bakit naman? ang baduy!"
"kasi yung Michael medyo katunog ng MykAlex" (Myka+Alex) mga pauso e no
*via text*
"sa mga ex mo sinong pinakaminahal mo?" ako. Gusto ko kasi lang topic e yung mga ex niya, wala lang gusto ko lang bakit ba. Kwento ko to wag kang epal nyahahahhaa ^^
"si Ayi" ayan nag init na naman yung dugo ko hahaha sorry naman!
"bakit naman?" kala ko kasi si Ate Kris yung sasabihin niya e syempre 1 year and four months naging sila tapos iba pala yung minahal niya ng lubos, NAMAN !
"kasi lahat ng katangian ng babaeng gusto ko nasa kanya na. Maganda, mabait, simple, tahimik, malambing, di nakikipagharutan sa mga lalaki" Alex. Nasaktan ako oo ambabaw ko
"e bakit mas pinili mo pa ko kesa sa kanya?"
"kasi mas mahal kita kesa sa kanya na kahit ang ingay mo at nakikipagharutan ka sa mga lalaki mas masaya ko kapag kasama kita" Alex. Eto na ba yung tinatawag nilang magic ng love? yung kahit ano o sino ka e handa ka niyang tanggapin at mahalin ng buo. eto na ba yon?
"sinong crush mo?" ako. Uso change topic bakit ba
"si Ayi at Crissa" This time nasaktan ako bakit? kasi may girlfriend na siya may crush pa siya. HIndi ba talaga pwedeng ako lang? Oo tanga ako, ako ang nagtanong pero ako ang nasaktan. Bakit ko ba yun natanong? kasi nung december 12 nakipag cool off siya sakin. Dahilan? hindi ko alam at wala na kong balak pang alamin.
"eto bebe seryoso ako, okay lang naman sakin e kung magka crush ka basta wag ka lang magkakamaling mainlove sa iba hanggat tayo pa okay? iloveyou" oo ganyan ako kabait at ganyan ako katanga, bakit nga ba ko pumapayag? ewan, hindi ko alam basta ang alam ko lang LOVE tong pinasok ko kaya sa ayaw at gusto ko kelangan kong mag sacrifice at handa akong gawin ang lahat maging masaya ka lang Alex. Kahit masaktan ako okay lang basta ikaw ang mahalaga.
"opo" Alex. Yung feeling na kasing haba ng EDSA yung tinext ko pero mas maikli pa sa bangs ni Dora yung reply niya.
"tulog na tayo, antok na ko e goodnight iloveyou" ako.
"osige mahal na mahal kita goodnyt bebe"
*END OF THE DAY*
DECEMBER 15, 2012
BINABASA MO ANG
A Cheater's Heart
RomanceMakikipagbalikan ka pa ba sa taong minsan ng dumurog ng puso mo? Handa ka bang makinig o maniwala sa mga pangako niyang madalas napapako? Hanngang kelan mo matitiis lahat ng sakit? at kelan mo ba matatanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa? Sabi...