First day ng sembreak
11am na nung magising ako
syempre bakasyon
kelangan sulitin ang pag hilik
wala naman akong ibang pagkakaabalahan kundi internetAA
kaya naman agang aga este tanghali na pala
facebook ang kaharap ko
"magkita tayo mamaya, palit na tayo ng cellphone" Alex. ang ganda ng araw ko. Sisirain mo lang
"kdot" sagot ko
"alas tres mamaya sa walter wag kang magpapalate, bahala ka sa buhay mo" Alex. Oo lagi kasi akong late sa tuwing magkikita kami e. Kung makapagsalita naman siya parang never niya kong minahal. Bakit ganun siya. Nawala na ba agad yung feeling niya para sakin? Come'on Alex mahal mo pa naman ako diba T_T
---------------------------
nag simulang pumatak yung luha ko
hindi talaga ko strong enough para sa mga gantong bagay
mabilis akong masaktan emotionally
ay anu ba yan wala akong kasama mamaya sa walter
di uso loner ngayon
kinuha ko yung phone ko, este phone ni Alex
papasama nalang ako kay Joj or kaya kahit kanino
"Babe, pwede bang magpasa sa walter mamaya?" ako.
*retry*
*retry*
*retry*
"anung prublema ng cellphone na to at di makasend!" sabi ko sa sarili ko
"baka ikaw ang may prublema, diba pinutol mo yung sim mo" Ate. ay uso bobo xD oo nga pala wala akong simcard! hala e panu yon O.o di naman online si Joj
Nagtingin ako ng mga online
out of 120 isa lang ang ka close ko
si Hannah, Grade 7 na ka schoolmate ko
"Pst Labs pasama sa walter" ako. Oo Labs ang tawag ko sa kanya
"Wala kong pera"
"okay lang libre kita, kelangan ko lang talaga ng kasama please?" nagmamakaawa na talaga ko promise!
"wait papaalam ako kay Mommy" hala sana payagan siya. Please Lord nagmamakaawa po ako
**
"pinayagan ako Labs ^^ basta libre mo ko ha tsaka sunduin mo ko dito sa bahay, ligo na ko babush" Hannah
naligo ako agad mag tu 2:30 na kasi e
high blood pa naman si Alex
3pm nung saktong sinundo ko si Hannah sa kanila
"Labs anu bang gagawin mo sa walter?" Hannah. chismosa hahaha joke
"Magkikita kami ni 'Alex"
"Walanya ka ano ko chaperon sa date niyo"
"hindi kami magde date, magpapalit na kami ng phone kasi wala na kami" ako.
"hindi pa nga nagiging kayo, wala na agad" tama ka jan labs T_T
------------
"dito nalang natin antayin" ako, sabay upo dun sa labas ng walter
----------------
*tingin sa orasan*
3:30 na ah lintek na yan wag daw akong papalate, pero asan ka ngayon Alex?
"Labs gutom na ko" Hannah
"tara muna sa loob" tapos bumili kami ng zagu tyaka ng siomai. Dun nalang kami sa foodcourt nag antay 4:15 na pero wala pa ring Alex na nagpapakita -_-
"Labs tara!" ako
"saan?"
"watch and learn"
nakita ko na kasi si Alex
sinusundan namin siya
pero obviously hindi niya alam
ayoko kasing tawagin
ang awkward kaya
maya maya napansin niya rin kami
tinanggal ni Alex yung sim niya sa phone ko sabay abot
inabot ko naman din yung phone niya
"Hannah tara!" ako.
lumakad na kami pauwi
"Labs ganun ganun na lang yon nung nagkita kayo?" Hannah. Pano kasi ni isang word na lumabas galing sa bibig namin, wala! basta abot lang yun na yon
--------------------------------------------------------
*pag uwi ko ng bahay*
chineck ko yung phone ko
ay lintek shemay anyare
nakakaasar ay hindi nakakabwisit!
bakit ganto?
nawala lahat ng mga messages na nakasave
mga sweet texts sakin yon ni Alex pati ni Kendrick
sabi ko kasi sa sarili ko hindi ko yun buburahin para may remembrance
e kaso ano asan na yung mga text na isang taon kong iningatan wag lang mabura
naluluha ako sa dalawang dahilan. Una dahil nga dun sa mga text pangalwa dahil wala ng Alex na magmamahal sakin. Parang wala na ata talagang pag asa e. Kahit ako sa sarili nawawalan na ng pag asa. Wala ng Alex na magpapasaya sakin araw-araw. Kaya ko kaya?
Goodbye Alex na nga ba?
BINABASA MO ANG
A Cheater's Heart
RomanceMakikipagbalikan ka pa ba sa taong minsan ng dumurog ng puso mo? Handa ka bang makinig o maniwala sa mga pangako niyang madalas napapako? Hanngang kelan mo matitiis lahat ng sakit? at kelan mo ba matatanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa? Sabi...
