Last day ng examination
yie Christmas Party na bukas xD
After exam dumeretso kami sa SM
kasama ko sila Mike at Jayvee
may sleep over na naman kami mamaya e :">
---
10 pm na kaming nakauwi kila Jayvee, nag simbang gabi pa kasi kami e.
dahil dala ko yung netbook ko, naki duty (naki wifi) muna kami sa kapitbahay nila.
---
Pagkauwi namin sa bahay nila, humilata na agad ako sa kama kakapagod kasi e >.<
"Oy Jayvee, dito kayo sa sahig dyan ako sa kama tutulog" Carlo.
"Aba ayoko nga, Myka ikaw nga dito sa sahig dahil ikaw ang nag iisang babae" Jayvee.
"aba! ako na nga lang babae ako pa patutulugin niyo jan, jan kayo ni Mike basta dito ako sa kama"
Humiga na kami. Kami ni Carlo ang sa kama pero may harang namang mga unan tapos si Jayvee at Mike sa sahig.
"Kamusta bespren?" Carlo.
"Lagi naman akong okay" Laging okay kahit hindi, wala e! kelangan kong maging okay kahit mahirap.
"sus e kayo ni pareng Alex kamusta?"
"walang kami. Alam mo kahit pala ibigay mo sa isang tao lahat ng gusto niya, kung di ka naman pala talaga niya mahal. Ipagpapalit ka pa rin niya" Ansarap magdrama kapag alam mong maiintindihan ka o pilit kang iintindihan ng isang taong anjan para sayo kahit pa alam na matigas ang ulo mo.
"pareho lang naman tayo ng sitwasyon e"
"bakit? kamusta ba kayo ni Ena?" ako.
"ewan ang gulo nga" Hindi yan gugulo, kung aayusin niyo
"ikaw kasi naghahanap ka pa ng iba" E kasi may lahing pag ka two timer din tong lalaking to e.
"kung niligawan kaya kita dati anu na kaya tayo ngayon no?" Sayang bakit ngayon mo lang yan narealize! hahaha joke :)
"malamang tayo pa hanggang ngayon kaso hindi tayo pang ganung point e, pang mag bestfriend lang talaga tayo"
"sakit mag mahal no?" Nagdadrama si Carlo nakakapanibago xD
"sobra!" Hindi lang kasi oo SOBRA talaga! Lalu na kapag sobra kang nagmahal, doble nun yung sakit. Pwede bang magmahal ng hindi nasasaktan
-------
*Next Day*
Maaga kaming gumising, umuwi muna ko ng bahay bago pumasok ng school. Gusot na gusot kasi yung damit ko, wa epek yung plantsa nila Jayvee -_- Sumabay samin si Sha-sha papasok, hinatid siya ng boyfriend niyang si Mark, inggit much ako -_- for sure kung kami pa ni Alex susunduin niya din ako, ay shemay naaaalala ko na naman siya -_-
Meron na rin akong baril-barilan na tulad nung kay Alex kaya angsaya ko xD feeling ko ang tapang ko :) nung kami pa kasi, natatakot akong humawak nun kahit pa alam kong baril-barilan lang.
Party-party na ang buong school, pero sa room namin nganga pa xD ayaw na naming mag games e gusto namin kainan na agad.
"ui 'nak kaen kayo dun sa room, pasok lang. Andun si Alex pakuha kang pagkain" Ma'am Juls. Hinihigit pa ko non xD. O diba ang bongga ko inimbitahan ako xD
BINABASA MO ANG
A Cheater's Heart
RomanceMakikipagbalikan ka pa ba sa taong minsan ng dumurog ng puso mo? Handa ka bang makinig o maniwala sa mga pangako niyang madalas napapako? Hanngang kelan mo matitiis lahat ng sakit? at kelan mo ba matatanggap na hindi kayo ang para sa isa't isa? Sabi...