10

284 13 2
                                    


"Omg! Baby boy Kleo! Naka-punta ka!" Tili ni Clarissa at niyakap ako.

"Syempre, it's my best friend's celebration. Kaya dapat kailangan kong pumunta!"

"Awww, that's so sweet of you. Tara, ipapakilala kita sa mga friends ko."

"Ah-eh. 'Wag na."

"Nahihiya ka ba? If you are, hindi nalang kita pipilitin. You can go there, at umupo beside Rhianne, ihahanda ko kayo ng pagkain." Clarissa smiled at me.

"Okay, thank you Clariss."

"You're welcome."

Pumunta ako sa tabi ni Rhianne at umupo. She smiled at me, kaya ngumiti rin ako sa kanya.

Ang dami palang bisita si Clarissa, ang laki ng mansion nila, at marami silang bisita. Mukhang garbo talaga ang selebrasyon nila.

Na punta ang tingin ko sa isang bata.

Wait.....that kid looks familiar.

Is that Caleb? Teka....

Kung nandito si Caleb, nandito din ba....

"Woah!"

"Kleo, sino bang tinitingnan mo?"

"Gagi, Rhianne. Ginulat mo naman ako."

"Sorry, eh sino ba kasi tinitingnan mo d'yan?"

"Ah, wala, wala!"

"Sure ka?"

I nodded.

"Rhianne!" Sigaw ng isang babae, at lumapit kay Rhianne.

She's pretty, maputi, long hair, naka-salamin, and she's wearing an old money outfit,

"Oh, Mairah. Anong gingawa mo dito?"

"Clarissa invited me here! Bakit?"

"Wala lang, nagulat lang din ako. Nandito ba yung pinsan mo?"

"Yes, he's here and he's with his little brother din!"

"Ah...." Lumingon si Rhianne sa akin, "Kleo, mauuna na ako ah. Sabihin mo kay Clarissa sumama ang pakiramdam ko kaya nauna akong umuwi."

"Okay, be careful hah."

She nodded, at nagmadaling umalis. Nahalata ko ang pag-panicked ng kanyang boses, may problema ata talaga....

"Hello! What's your name? I'm Mairah by the way!" Inabot niya ang kamay niya sa akin.

I shaked hands with her, "I'm Kleo Chua, or you can call me Kazuyuki, it's my Japanese name."

"Are you half?"

I nodded. "I'm half Chinese."

"Bakit Japanese name mo?"

"Japanese kasi ang lola ko, kaya naisipan ni mama gawing Japanese ang name ko. While, having a Chinese surname."

"Ah, kaya pala. Dito ka pinanganak sa Pilipinas?"

"Yes, in Baguio City. Pero, lumipat kami sa China nung around 6 years old ako. Bumalik lang kami dito sa Pilipinas dahil namatay si Papa."

Mukhang interesado talaga siya sa story ng buhay ko, i'm glad na hindi siya na bo-bored.

"Mairah! Kanina pa kita hinahanap!" Ani ng isang lalake.

"Insan naman eh! ano ba! Nagku-kuwentuhan kami dito oh!"

"Sino ba 'yan-"

Him again?!!

"Ah, you're talking to him." He smirked.

The fuck??

Cigarettes after the Party Where stories live. Discover now