12

236 9 1
                                    


I was stunned. 'Di ko alam kong anong gagawin. Namumula ang aking pisngi at ang aking mga mata ay kumukurap na parang bata.

"What do you mean?....." Stuttering me, said.

Iniwas niya ang tingin sa mga mata ko, while still leaning towards me.

"After that night, i cannot stop thinking about you. Tuwing gabi 'di ako maka-tulog kaka-isip sa maganda mong mukha. Pinahanap ko na rin ang mga socials mo pero 'di ko mahanap, but guess what?" He chuckles. "Teacher ka lang pala ni Caleb".

"Dito lang pala kita matatagpuan sa school ng kapatid ko" He smiled at tiningnan ako sa mata.

"Maybe, in the future....magkakaroon ba ako ng pag-asa-"

I cutted him off, bago pa siya matapos makapag-salita.

"Wala. Wala tayong pag-asa, we're both guys and i got my eyes on my friend. And that night, it's a casual one night stand. Nothing more" Ani ko.

Ramdam ko ang sakit ng pagkakasabi ko sa mga mata niya.

"Ah, so casual lang pala 'yon sa 'yo. Habang ako nag-o-overthink pagkatapos ng gabing 'yon" He chuckles sarcastically.

"Who's friend? Sinong kaibigan ang nagugustuhan mo?" Marahan niyang tanong, pero alam kong galit siya, pero kinokontrol niya lang ito. Ayaw niyang magalit sa 'kin.

"Why would i tell you? Sino ka ba?"

"Who?!"

"Rhianne"

His eyes widened. "Her? Kilala mo siya?"

"Why? Kilala mo ba si Rhianne?" Tanong ko.

"H-Hindi." He said nonchalantly. "Aalis na 'ko, paki sabi kay Caleb susunduin ko siya mamayang hapon ng 4:10" Ani niya at umalis.

I sighed. At inayos ko ang aking buhok at ginulo ito, at bumalik sa classroom.

"Class, so let's continue-" Napatigil ako ng makitang naka-titig sila sa akin ng gulat, at namumula. Don't tell me nakita nila lahat.

"Ba't kayo ganyan makatingin? May problema ba sa itsura ko?" Tanong ko sa kanila.

"Sir, kayo na pala ng kuya ni Caleb?" Gulat na sabi ni Freen.

Namula ang pisngi ko at umiwas ng tingin, "No, no Freen. Magkaibigan lang kami"

"Hahahaha, Kavin, ba't ganyan mukha mo? Ba't ka nakasimangot?"

"Sir, bagay kayo!"

"Oo nga sir!"

"Sir, baka magka-ibigan!"

"Shhhhh, tama na. Let's continue.". I shutted them.

Haysst. Kaka-reject ko nga lang sa taong 'yon tapos kung ano-ano na ang iniisip niyo.

~

These past few days, parang may kakaibang nangyayari sa akin. Kapag tinutukso ako ng mga estyudyante ko sa kanya, 'di ko mapigilang mamula. At kapag binibisita niya ako sa school, parang umiinit ang tyan ko. Pero, gulong-gulo na 'ko eh!

I'm straight and i like Rhianne. Kleo 'yan ang tatandaan mo.

I'm straight and i like Rhianne, I'm straight and i like Rhianne, I'm straight and i like Rhianne, I'm straight and i like Rhianne.

'Yan ang tama self, and kalimutan mo na siya.

Cigarettes after the Party Where stories live. Discover now