"Mama, La Shiu. Paalam po, promise dadalaw ulit ako sa Baguio pag 'di na busy!""Sige nak, ingat."
"Ingat apo."
I bid my goodbye to my grandma, and mother. Tumakbo sila Yusuke at Xiang sa akin.
"Kuya, talaga bang uuwi ka na?" Ani Yusuke.
"Oo nga kuya. 'Di pa tayo nakakapaglaro ng dress up." Xiang frowned.
"Pag pasensyahan niyo na si kuya, pero need na ni kuya umuwi. Promise, dadalaw ulit ako sa Baguio."
"Okay kuya, promise mo 'yan ah!"
"Okay kuya!"
Nagpaalam na 'ko at sumakay sa tricycle.
~
"Good morning class, kamusta ang bakasyon?"
"Okay lang po! We punta sa dagat in Boracay, ang ganda po!"
"Kami din po! Pumunta kami sa Zoo!"
"Kami din po!
"Kami din po!"
"Oh sya, oh sya. May ipapagawa ako. Kumuha kayo ng One whole sheet of paper, at isulat ang mga nangyari sa inyo sa bakasyon."
"The title is My Beautiful Vacation. Okay, start na hah?"
"Opo!"
Umupo ako sa desk ko, at nag cellphone. Nag-scroll muna ako sa Facebook. At may na pansin ako, sa the people you may know. There's a man na naka Black Sleeve Top, tapos he's sitting in a.....roof? What the, is he sitting on the rooftop?
The veiny hands. Sheesh.
Augustus Vinn Romero, kaano-ano to ni Caleb? Kapatid niya ba?
I-stalk ko kaya 'yung facebook account niya, para makita 'yung itsura ng lalake. Naka-blur kase 'yung itsura niya sa facebook, hindi makita. Walang halong malisya 'to, straight ata to.
"Sir Chua!!!"
"Hmm? Ano 'yun?"
"Si Caleb po, umiiyak."
"Huh? Bakit daw?"
Pumunta ako sa kina-u-upuan ni Caleb, at tiningnan kung he's fine lang ba.
"Caleb, are you okay? Ba't umiiyak ka."
Tinuro niya si Kavin, na ngayo'y naka-yuko ang ulo."
"Kavin."
"Sorry po, Sir Chua. Hindi ko po sinasadya."
"'Di ba sabi ko, sumulat lang kayo sa papel niyo kung ano ang mga nangyari sa bakasyon. Eh, bakit kayo nag-aaway?"
"Kavin stole my ballpen, eh hindi man lang siya nag tanong kung i have an extra. Marami naman ako dito sa bag, pwedeng-pwede ko siyang pahiramin, pero ba't kailangan niyang agawin." Caleb sobs.
"Crybaby." I heard Kavin mumbled.
"Kavin! Caleb! Mag-uusap tayo. In my office, tomorrow! Bring your parents or guardians! Need ko silang maka-usap." Ani ko. "Sige, ipag-patuloy niyo ang ginagawa niyo."
"Opo!"
Nakaka-stress etong mga batang to. Sobra.
"Anong feel mapagalitan ng crush, hah Kavin?" Tanong ng katabi ni Kavin.
"Tse!"
~
"Miss can i order some, umm....two cappuccino? Thank you!"
"Take in? Take out?"
"Take out."
"Coming right up!"
And after a few minutes.
"Tada! Here's your two cappuccino sir!"
"Thank you miss." This lady is energetic, kaya pala maraming bumibili sa coffee shop na 'to.
Habang umiinom ako ng coffee, i accidentally bumped into someone. Naku po, I spilled my coffee.
"I-i'm sorry. 'Di ko sinasadya."
Shit. Hindi ko man lang siya, matingnan sa mukha.
"My apologies talaga. Hindi ko sinasadya."
"It's fine." Saad niya at umalis. That deep voice, he sounds familiar.
Lumingon ako sa kanya, pero 'di ko na makita ang itsura niya. Naka talikod na kasi siya.
I sighed. At umalis sa coffee shop.
YOU ARE READING
Cigarettes after the Party
Roman d'amourIt all started at a party. (Kazuyuki Chua and Augustus Vinn Romero) -BL story