Galit na Galit ako sa Pamilya ko ngayon. Sa palagay ko ay hindi pa ako handang makita sila. I can deal with them when it comes to controlling my decisions, Pero kung sino ang makakasama ko habang buhay? No Way!...
Hindi naman rason ang pagkalugi ng Hospital para magpakasal, Marriage should be done when both of the person Love each other. Yes, I love Jameson, But I loved him as A Friend, And I see Him as an Older brother. Alam kong ganun din siya saakin.
Kaya Hindi ko alam ang dahilan ni Jameson kung bakit siya pumayag pero nasamtan ako dahil alam niya ang plano ng mga magulang namin. Alam niya kung paano ako nahihirapan sa trato sakin ni Mommy kaya hindi ko maintindihan bakit siya pumayag.
Bumalik ako sa hwisyo nang tapikin ako ni Elle sa balikat. Dahan-Dahan kong ibinaling ang atensyon ko sakanya.
“Ahhmm...Luna right?”
Tumango lang ako sa kanya.
“Hindi na kase kita mahahatid sa Bahay na nirentahan ko...Hindi na utos ni Quinn ito, But I think you need it”Ani Elle
Nahihiya ako kase hindi naman na niya dapat pang gawin iyon dahil wala namang sinabi si Alora,Ang plano ko ay maghahanap ako ng uupahan ko pag-dating.
“Salamat sa Tulong mo Elle”“No Worries Luna... Wag mo na rin problemahin yung 3 months na rent ng house, I already pay for it kase hindi kita mahahatid roon. I don’t want to risk it”
Umiling-iling ako, “ No, It’s Okay Elle. Thank you so much for helping me”
He eyes sparkled with joy, “ Sana ganyan din Kaibigan mo ano” aniya, “Lagi kase ako inaaway” Dagdag pa niya habang natatawa.
Natawa rin ako sa sinabi ni Elle tungkol kay Alora. Nag-paalam na siya saakin dahil may gagawin pa raw siya. Sinabi naman niya ang Instructions saakin paano makakarating sa Apartment na sinabi niya.Nakarating ako sa sinabi ni Elle na bahay, Buong akala ko ay ang Isla na ito ay napag-iiwanan ng panahon, Pero nagkamali ako, May School narin dito,Ilang Stablishments, At nakita kong may Maliit na Coffee shop sa School.
“Ineng...Ikaw ba ang tumawag saakin sa paupahan?”
Napaigtad ako dahil bigla-bigla nalang siyang sumulpot sa gilid ko.
Napahinga ako ng Dahan-Dahan, “Nagulat naman po ako sainyo, “ aniko habang hinahagod-hagod pa ang dibdib ko.
Bahagya kaming Nagtawanan.“Ay pasensya na Ineng..Ikaw ba kase iyon?”
“Hindi po ako , pero yung naghatid po saakin rito ang tumawag, Elle po ang pangalan niya.”
Nakangiti siyang tumango-tango saakin.
“Antayin lang natin ang Apo ko ineng nasakanya ang Susi, Gusto mo bang mag-almusal muna?”
Umiling ako dahil kahit paano ay nahinhiya ako, "Naku Huwag na po, Bibili nalang po ako mamaya."
Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Hinila niya ako patungo sa isang kubo hindi kalayuan sa bahay na rerentahan ko.
“Ako nga pala si Felicita Hija..Tawagin mo nalang akong Nanay Feli” Malumanay nyang saad.
Nginitian ko siya, “Luna nalang Po, Nanay Feli”
Habang naglalakad kami ay pinapanood kong humampas ang alon sa dalampasigan, Tanaw ko ang kalinawan ng tubig ng dagat,Mga Bundok sa hindi kalayuan na may mga windmills,At Iba pang mga bahay.
Hindi rin gaano maliit ang isla, Marami naring modernong mga bagay ngunit madalang ang turista. Hindi nga ito kilala tulad sa sinabi ni Elle, Ngayon ko lang din narinig ang Isla El Hogar.

BINABASA MO ANG
FS2:FORCED TO BE PERFECT
Romance"All of us are Humans who commits mistakes and that's normal,Because Nobody is Perfect " Camillia Luna feels like she's a puppet, All of her decisions are made by her Mother, Her only choice is to Follow what she want her to do. Paano kung ang gusto...