CHAPTER 7:Chocolate Cake

581 11 0
                                    

Tulala lamang ako sa dagat dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang nakawala ako sa mga taling kino-Control ni Mommy, It feels surreal to be free like this.

"Nga pala Luna,Hindi kita natanong,Anong pinagkakaabalahan mo sa City?" Tanong ni Ash.

Hindi ko siya nilingon dahil wala pa ako sa hwisyo, "Dok---."Miski ako ay nagulat sa sasabihin ko, "aahh-...Ano...Nag Titinda ako ng Cake pala.." kinakabahang saad ako.

Muntik ko na masabinh Doktor ako baka palayasin ako kaagad dito sa Isla..Hindi ko na alam saan ako magtatago.

"Huy!..Sakto.. Diba Nag resign yung Baker mo sa Coffee shop?" Saad ni Ash sabay baling kay Kian.

"May gagawin kaba ngayon?" Seryosong tanong ni Kian saakin.

Tila naubusan ako ng hangin sa titig niya saakin, Pakiramdam ko ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

"W-Wala N-Naman."

Hindi ko na naitago ang kaba ko dahilan ng pagkautal-utal kong sumagot...Nakakahiya ang pinag-gagawa ko.. Malay ko bang may kanya ang Coffee shop...Bakit naman kase iyon pa ang sinabi ko, Magkakatrabaho pa ata ako rito ng wala sa oras....Tsaka. ANG TAGAL KO NANG HINDI NA BE-BAKE NG CAKE.

"Sige..Ihahatid muna kita sa Uupahan mo tapos mga after lunch siguro...Punta ka sa Coffee Shop malapit sa school. Baka pwede ka mag bake kung gusto mo lang naman"mahabang litanya niya.

Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko ba, Paladesisyon din itong lalaking ito...Pero kase...Wala rin naman akong gagawin rito sa Isla. Atleast kung makapasok ako sa Coffee shop niya malilibang na ako nagawa ko pa ang matagal ko ng gustong gawin.

Naihatid na nila ako sa bahay na uupahan ko, katabi lang ito mg bahay nina Nanay Feli at malapit lang din sa Coffee shop. May iilang gamit narin ito tulad ng Upuan na gawa sa kawayan, Lamesa sa dining area, At isang Papag na gawa ulit sa Kawayan.

Umalis rin kaagad si Kian dahil magbubukas pa raw ito ng Coffee shop. Naiwan naman kami ni Nanay Feli ma siyang nag eexplain saakin sa Lugar.

"Kung Gusto mo pala bumili ng Kutsyon Hija sabihin mo at papasamahan kita sa apo ko."

"Naku..Nanay Feli ako nalang po ang Bibili sa bayan" Ani ko.

Nakakahiya rin naman, Marami ring ginagawa yung tao. Pabigat naman ako kung magpapatulong pa ako sakanya kung kaya ko naman.

Matapos ituro saakin ni Nanay Feli amg bilihan ay agad din naman ako pumunta para makaabot ako sa Coffee shop. Kaunti lang amg binili ko dahil hindi ko naman alam mung gaano ako katagal rito. Manipis na Foam lang din ang binili ko ang importante hindi sobrang tigas ng tutulugan ko.

Mag A-Alas Dos nang makarating ako sa Coffee shop ni Kian, Alam kong late na iyon. Hindi ko namalayan ang oras dahil nag enjoy akong tumingin-tingin sa pamilihan.

Nadatnan ko ang kapatid ni Asher sa Coffee shop, "Kanina kapa inaantay. Ikaw na binibigyan ng trabaho, ikaw pa may ganang magpalate" Masungit na saad nito.

Gulat man ako sa sinabi niya ay hindi na ako nakipagtalo pa, "Aahmm... Ano ba gagawin ko ngayon dito?"

Tinaasan lang ng ako ng isang kilay. Sakto naman lumabas si Kian sa Kusina siguro ng Coffee shop.

"Andyan kana pala...Tara Dito, nasa likod ang mga kakailanganin mo, Kumpleto naman pati ang gamit."

Tumango ako saka lumapit sakanya. Kahit na nakatalikod ako kay Abigail ay ramdam ko ang talim ng titig niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa kusina ng Café niya, Malinis at Minimalist ang design nito at White accent lang ang meron, Maaliwas, at hindi gaanong masikip kaya makakagalaw ka ng maayos.

"Ano bang gusto mo ipaluto saakin?"Tanong ko nang makapasok kami sa Kitchen.

Niliitan niya ang kanyang mga mata saka nilaro ang loob ng pisngi niya gamit ang kanyang dila. Tila nag-iisip ito ng gustong ipaluto saakin.

His Face Lit up, " Kaya mo ba gumawa ng Chocolate cake?" Tanong niya.

Nabuhayan naman akonsa request niya dahil naalala ko noong may Coffee shop ako ay ako amg gumagawa ng Chocolate Cake noon at iyon ang best seller namin noon.

Confident kong binigay sakanya ang isang slice ng Moist Chocolate Cake, Tulad ito ng Tinda namin sa Coffee shop noon.

Pero tila napalitan ng kaba ang Excitement ko nang nakita ko ang reaksyon niya, Natulala ito na tila may inaalala.

"Parang Natikman ko na itong gawa mo somewhere. " Aniya matapos niyang kainin ang Cake, "Hindi ko lang maalala kung saan."

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Buong akala ko ay hindi niya magugustuhan.

Nginitian ko nalang siya, "Masarap ba yung Cake?" Tanong ko.

Tumango siya saka nilagay sa Box ang tirang Cake, " Nandyan sa Labas Sina Asher, Ipatikim mo rin sakanila. Isusunod ko na itong mga plato."

Sinunod ko ang sinabi niya. Nadatnan kong busy mag kwentuhan ang magkapatid sa isang lamesa. May ibang costumers din. Nasa likuran ko lang si Kian.

"Kian...Kalasa nito yung inuwi mo noong galing ka sa siyudad?" Ani Ash habang kinakain pa ang cake.

"Aahh..Oo, Naalala ko na noong binisita ko si Alric "ani Kian.

Teka...Parang Pamilyar saakin ang pangalan na iyon... Hindi ko matandaan kung saan ko narinig. Sa dami ba naman ng iniisip ko noon ay natabunan na ang iba kong ala-ala.

"Nasaan na pala iyong si Sir Alric?" Tanong ni Ash.

"Hayaan mo muna iyon, Busy pa saka may hinahanap."natatawang sagot ni Kian.

Nagbaling ng tingin si Kian Saakin, "Nga pala...Gusto mo ba mag trabaho rito?" Tanong niya.

Hindi ko napigilang matawa, "Walang Interview? Nag practice pa naman ako sa isasagot ko , Yes or No lang pala."

Unti-unti namang napawi ang ngiti amg aking labi ng seryoso lang niya akong tinignan.

"S-Sorry" saad ko saka yumuko nalang dahil sa kahihiyan.

"Akala ko...Seryoso ka lang. Tumatawa ka pala?"manghang saad nito.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya dahil ang layo ng sagot niya sa sinabi ko.

"Huh?" Litong Tanong Ko.

"Hirap na Hirap akong mag seryosohan kase akala ko seryoso ka...Hindi pala, Sayang Effort ko"

Nagtawanan sila kaya hindi ko na napigilang makita rin. Pero maliban nalang kay Abigail na sobrang sama ng tingin saakin.

Anong problema nito saakin?

"Mag tatrabaho kaba dito o Hindi?" Natatawang tanong ni Kian.

"I'm Hired na po" nakangiting sagot ko.

Pinatikip din nina Kian sa ivang Costumers ang cake for free para daw malaman nila na may bago sa menu ng Coffee shop.

Kahit bago palang ako rito ay hindi ako nakaramdam na hindi ako welcome, Super bait at maalaga ng mga tao rito. Sigurado ako ngayon na mas makikilala pa ang sarili ko, Mas malaya ako sa desisyon ko at ang pinaka importante sa lahat...Walang magbabawal saaking Magkamali, Walang mag sasabing kailangan kong mag mukhang presentable, and Elegant.  I can wear whatever color I want.

In this Island I will Reclaim myself, I will show them the real me...Expect being a Doctor Ofcourse, Itatago ko muna ito sa kadahilanang gusto kong magustuhan ako ng tao base sa nakikita nila sa pagkatao ko at hindi sa estado ko sa buhay.

FS2:FORCED TO BE PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon