CHAPTER 8: Jealous?

584 9 0
                                    

I started working at Clemente's Cafe and restaurant. Napansin kong kahit isolated ang Isla ay napakarami parin nitong costumer. Araw-araw ay nauubos ang mga binebake kong pastries. Sobrang Naeenjoy ko dahil nagagawa ko ang matagal ko ng hilig.

Nagkaroon din ako ng bagong kaibigan, Malayong-malayo sa nararanasan ko noon na puro kalkulado ang galaw.

Mas nakikilala ko rin amg sarili ko ngayon, Tulad ng mga nakaraang araw, Nalaman ko Hindi pala ako marunong mag-luto at gusto ko pala ang Adobo.

"Sige na po Nanay Feli, Paturo na po ako mag-luto ng Adobo." Saad ko nang matikman ko ang niluto niya.

"Kay Kian ka nalang magpaturo Apo...Mas Magaling saakin magluto ang batang iyon"

Kahit parati kong kinukulit si Nanay Feli tuwing umaga ay hindi naman siya naiinis saakin. Sobrang haba ng pasensya niya saakin.

Ngumuso ako sakanya ,"eh!..Nahihiya ako Nay sayo nalang. Please..."

Tumawa lamang siya. Naka Focus parin siya sa tinatahi niyang punda ng unan.

"Huwag ka na mahiya Luna, Paano ka matututo kung uunahin mo ang hiya mo. Hindi ba?"

Napabuntong hininga nalang ako saka pinanood siya sa kanyang ginagawa. Hindi ko inakala na may ganito pa palang tao. Yung kahit hindi nila ako kadugo ay tinuturing nila akong pamilya.

Ngumuso si Nanay Feli na parang may tinuturo sa likuran ko. Agad ko namang nilingon at napagtanto kong si Kian ito. Nanliliit ang mga mata saka naka krus ang kamay.

"Ginugulo mo nanaman Nanay Feli ko?" Parang bata niyang tanong.

"Grabe ka naman saakin Kian, Hindi ko naman Ginugulo si Nanay Feli." I pouted like a child, " Diba Nay? Hindi kita Ginugulo?" Saad ko sabay baling ng tingin sakanya.

Tumawa siya,"kayo talagang bata kayo." Binaba niya ang tinatahi niya, "Turuan mo na nga lang itong si Luna mag-luto ng Adobo, Kanina pa ako kinukulit niyan sa Adobo"

Ngumuso lamang ako ng balingan ako ng tingin ni Kian. Lumapit ito saamin ni Nanay Feli. Tila kadarating nito galing sa laot. Napagtanto ko na tuwing madaling araw ay sumasama siya sa mga mangingisda upang tumulong. Minsan ay binibili niya ito para sa Kanyang Coffee shop.

"Bakit naman gusto mong matutunan magluto ng Adobo?" Pagtataray nito.

Tinaasan ko siya ng isang kilay, " Dahil Masarap ang Adobo Kian. " pagtataray ko.

Tumawa lamang ito saka ginulo ang buhok ko. Happiness glowed in his eyes. Pakiramdam ko ay sobrang tagal na naming magkakilala.Ang gaan ng pakiramdam ko sa mga taong nakapaligid saakin.

Paminsan-minsan ay naiisip ko rin naman kung ano na ang nangyayari kila Mommy, Pero tuwing naaalala ko ang trato nila saakin at ang iniwan kong problema ay ipinagkikibit balikat ko nalang.

Isang linggo palang ako rito sa Isla ay napakarami nang nangyari, Marami na rin akong natutunan. Pakiramdam ko ay matagal ko ng Tahanan ang Isla El Hogar.

"Sige Pagkatapos mag-almusal tuturuan kita mag-luto ng Adobo." Ani Kian.

Umupo siya kawayang upuan kaharap ng inuupuan namin ni Nanay Feli. May lamesa sa gita namin kung saan nakalagay ang Almusal. Nasanay narin akong mag breakfast kasama sila pati narin sina Asher. Mabait sila saakin maliban kay Abigail.

Noong minsan ay kinompronta niya ako bigla-bigla.

"Luna! Mag-usap nga tayo."

Napaigtad ako habang dini-display ay mga freshly baked pastries ko. Agad ko siyang pinag-tuonan ng pansin dahil pakiramdam ko ay galit
Siya.

"Ano yun Abigail?"Mahinahong kong sagot.

"Pwede ba! Wag kang lapit ng lapit kay Kian!"

Napabuntong hininga ako, " Paano? Eh...Boss ko siya, Dito ako nag tatrabaho sa Coffee shop niya?"

Nawirduhan ako sakanya dahil bigla nalang siyang nag walk-out nang biglang dumating si Kian. Nagkibit balikat nalang ako nang taka akong tinignan ni Kian.

"Huy!...Kanina kapa tulala diyan Luna..sabi ko kakain na" saad ni Kian.

Napansin kong andito na pala silang lahat at kanina pa pala nila ako tinitignan. Nginitian ko nalang sila.

Nagulat ako ng abutan ako ni Kian ng Plato na may Ulam at Kanin na, "Oh...Eto na kumain kana diyan"

"OMG!!.. Kayo naba?...Wait naeexcite ako..."matinis na saad ni Asher.

Kian's lips curved into a smile and then winked at Asher.

"Ano kaba naman Ash...Ang OA mo" saad ko.

Napabaling ako ng tingin kay Abigail na ngayon ay parang sinasaksak ako gamit ang matalim niyang tingin, She rolled her eyes to me and then she started eating.

Nilibot ko ang paningin ko sa lahat. Wala namang nakapansin dahil lahat ay busy na kumain at mag kwentuhan.

"Magandang umaga po sainyo, Pwede po ako mag-tanong?"

Lahat kami ay Napatigil sa pagkain ng biglang may bagong mukhang dumating. Agad din namang napalitan ng Likod ni Kian ang lalaki dahil tila tinakpan ako ni Kian gamit ang kanyang sarili.

Pilit kong nilalabas ang aking ulo upang makita kung sino ang kausap nila ngunit tumigil din ako nang marinig kong pinatunog niya ang kanyang dila.

"Sino Yun?" Tanong ko nang makaalis na ang lalaki.

"Bago ulit dito, doon titira malapit sa gubat...Teka nga...Interesado kaba doon?" Tanong niya.

Umiling-iling ako dahil ni hindi ko nga nakita ang itsura nang lalaki kanina.

His Expression hardened while eating, Para siyang nagagalit sa pagkain kung tignan niya ito.

Siniko ko siya ng bahagya, " Okay ka lang?"

"Oo... Kumain ka lang diyan para mag-open na tayo ng Coffee shop " saad niya ng hindi tumitingin saakin.

Nagtaka ako dahil bigla siyang naging tahimik. Kahit nung makarating na kami sa Coffee shop hindi niya ako pinapansin.

"Kian..Akala ko ba tuturuan mo akong magluto ng Adobo?" Saad ko nang maubos ang mga costumers sa shop.

"Saka nalang Luna...Kapag walang ginagawa." Malamig na saad nito.

You can recognized dawn in my face because of how Kian's Treating me. May nagawa ba akong mali?..May nasabi ba akong hindi tama?...Sa palagay ko naman ay wala.

I bit my lower lip to stop my tears from falling. My heart became heavy and it feels like I'm having a hard time to breath. Is this Anxiety attack?...Gosh I need to consult a professional about this.

"L-labas lang A-ako sandali" paalam ko.

Hindi ko na siya inantay pang sumagot at dali-dali na akong lumabas. Mabuti nalang at dala ko Cellphone ko. Agad ko itong binuhay gamit ang aking nanginginig na kamay. Ayaw ko sanang buksan ito pero kailangan ko si Alora ngayon..

Napakarami mang text message galing kina Mommy ay hindi ko nalamg ito pinansin. Dali-dali kong dinial ang number ni Alora.

["Do you need anything Luna?"bungad ni Alora.]

"I...Think I'm Having an..Anxiety attack...May alam kabang Psychiatrist dito?"

["Wala diyan..Pero Pasasamahan kita kay Elle sa kabilang Isla?"]

Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi ni Alora. Mamayang gabi susunduin ako ni Elle at napag-usapan na namin ang oras ng pagkikita namin, pero sa Pantalan na kami magkikita dahil hindi raw siya pwedeng makita rito.

Hindi na ako bumalik ulit sa Coffee shop. Umuwi na muna ako saka pinilit matulog dahil hindi ko kinakaya nararamdaman ko.

FS2:FORCED TO BE PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon