CHAPTER 9:Cry It Out

636 10 0
                                    

Buong Akala ko, Sa pananatili ko rito sa Isla ay Okay na ako. Akala ko nag heal na ako sa mga nangyari. Distracted lang pala ako dahil parang lahat ay perpektong inilalatag sa harapan ko.

Pinagmamasdan ko ang bilog at napakagandang buwan. Nakatayo ako sa dalampasigan at hinayaang mabasa ang mga paa ko ng Alon.

Humampas ang pang-gabing hangin sa mukha nang mas lumapit pa ako sa dagat. Gusto ko lang din magtampisaw kahit na sobrang lakas ng hangin. Tumigil lamang ako sa paglalakad nang mapansin kong hanggang bewang ko na ang tubig.

Napagtanto ko na It takes time to to heal, Wala ka mang sugat physically ay hindi parin ito basta-basta gagaling, You need to know if you're just distracted or your healing from time to time.

Ngayon ko lang nakumpira sa sarili ko na lahat ng ginagawa ni Mommy saakin ay hindi naman para sa Future ko, kundi para sa image niya.

I can't believe I let others to treat me like a trash, And I can't also believe Daddy to agree with that Arrangement. And most specially, Jameson I'm really disappointed sakanya.

Habang nagmuni-muni ako ay may biglang bumuhat saakin na siyang ikinagulat ko, Binalik ni ako sa dalampasigan. His breathing becomes fast and heavy.

His eyes burned with anger, " Hindi mo ba napapansin na lumalakas na ang alon!...Tsaka Gabing-Gabi na Luna!" Mariin niyang saad.

Napabaling ako sa dagat at nakita kong tama nga siya, Lumalakas ba ang alon at kapag nagtagal pa ako roon ay maaaring tangayin ako ng alon palayo.

"Kung nalulungkot ka. Mag-sabi ka! Napakadelikado ng Dagat Luna!...Hindi mo alam pwede kang mapahamak sa ginawa mo!"

Napayuko ako saka hinayaang tumulo ang luha ko,I bit my lower lip and clenched my fists really hard, My heart feels heavy. Pinagmasdan ko ang ang mga paa ko at ang tumutulong tubig galing sa dress ko.

Niyakap ako si Kian ng mahigpit, "Cry it out...I-iyak mo lang Luna...Just...Don't do that again...Ingatan mo naman ang sarili mo."

The last sentence he said hits me so hard, He's right I need to take care for myself because, who else will right?

Nanatili ako sa bisig niya. Kahit paano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. I know that it's not good to rely on someone when it comes to healing but it is good to know that you have someone to talk to.

"Thank you Kian..." I said breathly.

"Magpalit kana, baka magkasakit kapa niyan... and...Let me know if you need anything..okay?"

Ngumiti ako saka tumango bilang pagsang-ayon sakanya. Unti-unti kong sinarado ang pintuan ng bahay saka dali-daling pumunta sa banyo para maligo para makatulog na.

Nabuhayan ako ng loob nang malaman kong pupunta rito sa Isla si Alora...pero napawi rin agad ang Excitement ko nang sabihin niyang huwag ko siya masyadong lalapitan. Akala ko makakapag bonding kami, pero hindi pala.

"Saan ka pupunta?" Tanong ng lalaking nasa likuran ko.

Napaigtad ako dahil wala namang tao sa labas kanina. Humarap ako sakanya dahil boses palang niya ay alam ko ng si Kian ang kumausap saakin.

"Pupuntahan ko yung...." Napaisip ako kung sasabihin ko bang kaibigan ko si Alora o Hindi, "Kakilala ko, tumawag andito daw." Dagdag ko.

He squinted his eyes, "Sasamahan kita." Seryosong saad niya.

Kinabahan ako kaagad dahil baka pagalitan ako ni Alora, "Kaya ko na Kian"

Ilang beses ko siyang kinumbinsi na kaya ko pero wala rin akong magawa kaya hinayaan ko nalang. Nasalubong pa namin sina Ash at kapatid nitong sobrang samang makatingin saakin. Lalo akong kinabahan dahil sigurado akong magagalit na talaga si Alora saakin.

At tama nga ako. Nagalit nga si Alora pero wala na siyang nagawa nang ayain siya mag-almusal ni Ash pati narin ang isang Pamilyar na lalaki.

" Kumain kana Quinn? Tara sabay-sabay na tayong kumain, Ikaw rin Sir Alric Grey." Ani Ash.

I grinned at the back of my mind because I Know who Alric Grey in Alora's Life. Her TOTGA... My Goodness is this Destiny?..

I don't know the reason why Alora came in this Island but I'm happy that she's here, I'm in this island with my Closest friend. Kahit na hindi kami gaano mag-usap ay masaya akong nakikita ko siya rito.

"Luna?...kaya mo ba mag bake ng pastries ngayon" nag-aalangang tanong ni Kian.

I lift the corners of my mouth, "Kayang-kaya po...Tsaka I need distractions."

"Are you sure about that?kase...Pwede ka namang magpahinga muna Luna" Mahinahong saad ni Kian.

"Mas mag iisip-isip ako kapag nasa bahay lang ako,Atleast dito occupied ako tsaka nagagawa ko pa ang passion ko."

Isang malalim na buntong hininga nalang ang naisagot niya, His eyes become dull while surveying my face. I smiled at him to lighten up the mood.

"Stop Judging me Kian Eros"I said.

Hindi ko na siya inantay na magsalita. Pumasok na ako sa Kitchen para mag bake. Ayaw kong mag sayang ng oras dahil may gusto akong ibake na bago. Sumunod lamang si Kian saakin saka pinanood ang mga galaw ko. Nag-umpisa na akong mag halo ng Ingredients saka mag pre-heat ng oven. Nang matapos ay agad kong pinatikim kay Kian.

Pinuntahan ko siya sa counter dahil busy siya gumawa ng mga Kape ng Costumers.

" Tapos kana mag bake?" Tanong niya habang naglalagay ng caramel sa baso.

"Oo eh..Pwede mo ba tikman yung in-experiment ko?" Nahihiyang tanong ko.

"Sige...Dalhin mo dito, Titikman ko"

Naglabas ako ng isang hiwa ng binake ko saka lumapit sakanya para iabot ang pagkain. Tinignan lamang niya ito saglit saka ipinagpatuloy ang ginagawang kape.

"Pwede mo ba isubo saakin? Ginagawa ko kase itong kape ng costumer. Ang damipang pending."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, Nahihiya ako dahil nasa counter kami at kita kami ng lahat.

He opened his mouth, "Dali na nangangawit na yung panga ko Luna" natatawang saad niya.

Sa taranta ko ay agad ko namang sinunod ang gusto niya, Gumagat ito sa binake ko at dahil hawak ko lang ito ay dumampi ang daliri ko sa malambot niyang labi.

I can feel my heart pounding so hard and I can Feel my face Heated, Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagkatinginan lang kami ni Kian saka sabay din nag-iwas ng tingin.

"Ahm..Kamusta?...Yung...Ano...Ahm...Gawa ko?" Putol-putol kong tanong.

Umubo muna siya ng bahagya bago siya sumagot, " M-Masarap Luna...Anong?...Anong Itatawag mo..diyan sa...Ano...Sa Luto mo?"

"Brookies..Ano...Combination ng Cookies tsaka Brownies. " aniko.

Tumango-tango siya habang gumagawa ng kape, Napansin ko rin ang paglunok niya ng sunod-sunod, Siguro ay nauuhaw siya dahil matamis ang Brookies.

"Inom ka muna" saad ko sabay abot sakanya ng Bottled water.

Napaigtad siya, Dahil doon ay nabuhos niya ang napakaraming yelo sa baso.

"HALA! Sorry...Nagulat ba kita?" Pinunasan ko ang kamay niyang natapunan ng Kape.

"O-Okay L-lang Luna" He faked laugh.

"Sorry Talaga Kian..Kaltas mo nalang sa Sahod ko yung Nasayang."

Umiling-iling lamang siya sa pumasok sa Kitchen, Hindi ko na siya nasundan dahil iniwan niya ang Cashier at may costumer din. Mabuti nalang ay tinuruan niya ako kumuha ng orders.

Ipinagkibit balikat ko nalang ang biglaan niyang pag-alis at inasikaso nalang ang mga order pati narin ang mga kape.

FS2:FORCED TO BE PERFECT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon