Chapter 01: Guide of the World Beyond the Door

2 0 0
                                    

Chapter 01:

BIENVENIDA, SEÑORITA
(Welcome, Señorita)

What the heck? Looks like I'm in the devil's lair. I couldn't just lash out like the ones on the horror films.

"Putangina!" Sigaw ko nang may humawak sa balikat ko kaya agad ko itong hinawi at hinarap kung sino mang demon---

"Tao?!" Gulat na turan ko ulit. Pagkaharap ko kase, nakita ang humawak sa akin ay isang lalaking nakauniform ng kagaya sa 'kin at medyo matangkad lang.

"Paano ka nakapasok dito?" Seryoso at mariim nitong tanong sa 'kin.

"May muntikan sa 'kin pumatay," sagot ko sa kaniya sabay turo sa leeg kong may pulang pantal dahil sa pagkakahawak ng lalaking hindi ko namukhaan kanina.

Ang tanging natandaan ko lang ay nakaputi siyang coat at face mask na may ballpen na green, pula, at itim na nakasabit sa bulsa nito. Pero bakit sa lahat 'yan ang naalala ko? Bwisit naman kase, di ko maitaas pa ang paningin ko kanina kase feeling ko mababali ang leeg ko, eh.

"Kaya mo bang bumalik?" Tanong nito sa 'kin pero base sa reaction ay parang naguluhan siya sa tanong niya.

"Di ko alam, pero susubukan ko," mariin kong sabi sabay sipa ng malakas sa pinto sa likod ko. Pero bago ako sumipa ay nagsabi siya na huwag, at ngayon na nasa sofa ako at nakabaliktad, ang mga paa sa sandayan samantalang ang likod ay nasa upuan, nagets ko na kung bakit sinabi niya 'yon. Tumilapon ang babae dito dahil sa pagsipa niya sa pinto.

"Paano ba tayo makakalabas dito?" Frustrated kong tanong sa lalaki.

"I don't know, matagal na 'ko ditong hindi nakakalabas," Frustrated na sagot din na sabi ng lalaki.

"Pero estudyante ka sa Trevelia?" Tanong ko dito sabay nguso sa uniporme niya na kagay ng akin.

"Oo, fourth year," sabi niya kaya napa-isip ako doon. Sabagay, wala namang pinagkaiba ang uniporme ng college sa senior high school, depende lang kung med-related ang course.

"So, bale 22 kana?" Tanong ko ulit.

"I'm sixteen, not thirty," he rolled his eyes.

Bingi ba 'to? Sabi ko twenty-two, hindi thirty.

"Pero sabi mo fourth year kana, diba?"

"Yeah, as in grade 10," sabi niya na nagpangiwi sa 'kin.

"So, nang makapasok ka dito ay magsesenior high ka palang. I see..." sabi ko habang nakahawak sa baba ko ang kanan kong kamay.

Teka, napansin ko din parang nawala 'yung sakit na nararamdaman ko sa leeg at likod ko bigla magmula ng tumilapon ako at napapadaldal ako, which is not the usual me. O 'di kaya, wala ako ibang pagtatanungan kaya naging no choice ako? Yeah, no choice ka nga.

Pero napalaki ang mata ko nang makita ko sa salamin sa gilid ko na nawala ang pulang pantal na hugis kamay sa leeg ko. Kaya napahawak ako dito. "What the heck is happening..." I whispered, and now starting to feeling confused.

"Anong senior high? Highschool ba ang meaning nu'ng 'High'? Hanggang grade 10 o fourth year lang ang highschool, hindi ba?" Tanong ng lalaki sa likod ko.

Pero hindi ko sinagot ang tanong niya ngayon. "Sino ka?" Tanong ko sa kaniya ng hindi siya hinaharap.

But somehow, like a few seconds, I feel scared to the point that I felt my body became stiff.

"At ano klaseng lugar 'to? Bakit desperado kang makalabas? Anong mayroon dito?" Sunod-sunod kong tanong dito.

Pero may biglang tumunog na kampana, at tumunoy ito ng talong beses at medyo matinis sa aking panrinig.

The Door to TreveloréTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon