Chapter 8

724 31 6
                                    

Almost 1 month had Past

📍Brew Cafe

"Grabe Yve ilang araw na ba kayong walang kibuan ng boyfriend mo at panay aya mo samin gumala," pabirong tanong ni Sadie

"Oo nga sis na pansin ko din, nitong mga nakaraang araw puro tayo gala, may problema ba,?" Tanong naman ni Sabrina sa kaibigan.

"Although masaya kami, dahil nakakasama ka namin but we feel like something is off, parang may mali eh," Tanong ulit ni Sadie.

"Oo, nga beh di pati namin kilala yang boyfriend mo baka kung anong ginawa sayo nun," Ani naman ni Sabrina.

Nakatingin lamang si Yve sa kanila na para bang walang narinig sa pinagsasabi ng mga kabigan niya.

"Hoy, Yve ano na," Mahinang sigaw ni Sadie at tinapik ang kamay ni Yve.

Tumingin lamang ito sa mga kaibigan at nagsalita.

"Di pa ako dinadatnan nitong buwan," Sagot ni Yve na parang wala sa sarili.

"Huh!? Are you damn serious, Yve? " Tanong ni Sadie sa kanya.

"Nagtest kana ba," mahinahong tanong naman ni Sabrina.

"Hindi pa, natatakot ako" sagot ni Yve sa tanong ng kaibigan

"Yve kailan pa to,?" Tanong ni Sadie na bakas sa mukha ang galit.

"Ang alin,?" Tanong naman pabalik ni Yve.

"Na may nangyari sainyo,?"

"Mag iisang taon na kami ni Chole at hindi ko na mabilang kung ilang beses nang may nangyari saamin, pero gumagamit naman kmi ng protection, kaya lang nitong mga nakaraang buwan ay hindi na," sagot ni yves.

"Chole? sinong chole?" Tanong ulit ni Sadie sakanya.

Hindi umimik si Yve at nakatingin lang ito sa lamesa.

"Sumagot ka Yve, at hindi ako natutuwa sayo," ani ni Sadie sakanya.

"Si C-chole Vergara, siya ang matagal ko nang ti-tinatagong b-boyfriend ko sa-sainyo," nauutal na sagot ni Yve

"Putangina Yve, si Chole pa talaga,? Maraming pwedeng makabuntis sayo si Chole pa talaga ang napili mo. Ang tanga mo Yves, bakit mo ibinigay ang sarili mo sa taong may mahal ng iba," sigaw ni Sadie kay Yve habang pinapakalma ito ni Sabrina.

"Huh? Anong may mahal ng iba," Tanong ni Yve sa kaibigan.

"Kaibigan ng boyfriend ko si Chole, at maaga itong umaalis araw- araw para dalawin si Alya, ang nag iisang babaeng kaibigan at minahal ni Chole, at balita ko nagising na si Alya sa coma at malakas ang kutob ko na kaya ka nagkakaganyan dahil walang paramdam sayo si Chole dahil abala siya sa taong mahal niya. Yve, ginamit ka lang niya, pampalipas panahon." pagpapaliwanag ni Sadie kay Yve.

Unti- unting lumuha si Yve at biglang nanikip ang dibdib niya.

"Hindi totoo yan, mahal ako ni Chole," sambit ni Yve sa bawat luhang pumapatak sa pisngi niya.

"Bakit ba kasi tinago mo saamin ang  karelasyon mo, ang tanga mo sa part na yun," Dagdag ulit ni Sadie.

"Tama na Sadie nasasaktan mo na siya," ani ni Sabrina at yinakap niya si Yve.

"Anong tama na dapat mag tanda siya, tingnan mo nangyari sa katangahan niya, wala naman sanang problema kung lowkey lang ang gusto niya pero naman Yve hindi ka tanga para ibigay ang sarili mo, ano nalang ang sasabihin ng ate mo sayo, ang kapatid niyang iningatan at prinotektahan niya ay nabuntis ng ka business rival niya," Ani ulit ni Sadie.

"Sinabi kung tama na Sadie," sigaw naman ni Sabrina at nakakuha iyon ng atensyon ng mga tao.

"Aray, hindi ako makahinga ng maayos," Ani ni Yve na kinabahala ng mga kaibigan.

UNCUNNING Where stories live. Discover now