Chapter 2

532 18 0
                                    

Yve woke up feeling completely drained, her body aching in every muscle. Beside her, her girlfriend slept peacefully, her face serene. Yve traced the curve of her girlfriend's cheek, her eyes lingering on the delicate line of her nose and those kissable lips.

"I love you so much, love di ko ata kakayanin kapag mawawala ka sakin," she said and slowly got up from bed but immediately stopped when her whole body cries in pain

"Ah shit it hurts so bad," pagrereklamo niya at nang makaupo siya sa kama hinanap niya ang cellphone at nang hindi niya ito mahanap sa tabi pinilit niyang tumayo sa kama at dumiretso sa banyo at kumuha ng robe para kunin ang cellphone sa labas ng kwarto.

Sa paglabas niya nakita niya ang kanyang cellphone sa floor, pinulot at sinuri niya ito kung may basag ba o sira at mabuti na lamang ay wala.

"Whew, I thought I was going to have to get a new phone," she sighed.  She unlocked her phone and gasped at the barrage of missed calls and texts from her sister, Manong, and Sabrina.

"Oh, gosh, I'm dead," Yve said as she immediately grab her clothes sa sofa at dali daling sinuot ito at lumabas, di niya na pinansin ang masakit na katawan kasi alam niya sa sarili na mas masakit ang aabutin niya pag uwi niya. Di narin siya nagpaalam kay Chole dahil nagpasya itong itext na lamang.

Time Skip

"Where have you been ba Ve? diba sinabi ko sayo na umuwi ka lang bago mag gabi paano kung may nangyari sayo diyan, saan kaba nagpalipas ng gabi,?" Sigaw ng kapatid kay Yve.

"Nasa bahay po ako ni Sabrina kagabi," nanginginig na sagot ni Yve.

"Wag kang magsinungaling sakin Ve," galit na sagot ng kapatid.

"I'm not lying, Ate. I swear galing ako kanila Sabrina," Paglilinaw ulit ni Yve sa kapatid.

"Pag nalaman ko lang na  nagsisinungaling ka sakin, patay sakin kung sino man yan," Sagot ulit ng Kapatid ni Yve "Walang aalis ngayong araw, dito kalang sa bahay, at wag kang magtatangka tatakas kung hindi ipapasara ko ang shop mo, Maliwanag ba Ve!" Sigaw ng kapatid.

"Yes, ate, I'm sorry po," nanginginig na sagot ni Yve sa ate niya at umakyat na ito sa kwarto.

Pagpasok ni Yve sa kwarto pinakalma niya ang sarili at dahang dahang umupo sa kama, alam niya kung paano magalit ang kapatid subalit hindi ito sumagi sa isipan niya kapag kasama niya si Chole.

Di nagtagal kumalma na rin si Yve at nagpasya maligo na, pagkatapos ay nagbihis ito upang bumaba at kumain ng almusal, Pero bago yon kinuha niya muna ang cellphone niya at tinext ang girlfriend na nakauwi na siya at humingi din ng pasensiya dahil hindi siya nagpaalam dito.

Sa pagbaba niya di parin pala nalakaalis ang kapatid niya, kaya nang makita niya ito agad naman sana siyang babalik sa kwarto subalit na kita na pala siya nito

"Sumabay kana sakin Ve," utos ng kapatid.

Kaya naman walang nagawa si Yve kung hindi sumabay sa kapatid. In the middle of their meal, her older sister spoke.

"Pasensiya na kung napagsigawan kita kanina, I'm just worried about you Ve," Paghihingi ng tawad ng nakatatandang kapatid kay Yve.

"I understand, and I'm sorry din po," Sagot ni Yve sa kapatid.

"It's okay, mukhang tama nga sila, lumalaki kana I should give you more freedom," ani ng kapatid.

Ngumiti naman si Yve sa kapatid at
Nagpatuloy na sila sa pag kain at ilang minuto pa ang lumipas umalis na rin ang kapatid ni Yve kaya naman siya lamang ang nasa bahay at ang mga kasambahay dahil sa hindi makaalis si Yve dahil bantay sarado siya ni manong inaliw na lamang ni Yve ang sarili kaya kinuha niya ang mga materials niya sa pag paint at pumwesto sa harap ng kanilang garden at doon inaliw ang sarili.

Habang siya ay nasa kalagitnaan sa kanyang ginagawa may isang lalaking lumapit sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso niya nagulat naman si Yvetumayo bigla sa kinauupuan niya

"Chill, chill darling, it's me, Max," Si Max na kababata ni Yve.

"Gosh, Max nakakagulat ka," Ani niya sa kanya at bumalik ito sa ginagawa.

"Well, you like surprises, kaya. I surprised you, by the way, can I ask on a date. It's been a while since the last time we hung out with each other," Pag-aayaya ni Max kay Yve

"Look, Max, I'm busy, kailangan ko itong tapusin," Sagot naman ni Yve kay Max.

"Come on Yve paano mo ako sasagutin kung ayaw mo akung pag bigayan na makasama ka, paano ko sayo maipapakita kung simpleng date ayaw mo," reklamo ni Max.

"Wala ba tong Common Sense, eh, ikaw na nga nagsabi ayaw kitang kasama," bulong ni Yve sasarili.

"Please Yve, pagbigyan muna ko," Pagpupumilit ni Max kay Yve habang hawak ang dalawang kamay nito.

"Sige na nga, hintayin moko at magpapalit lang ako," Yve said as she stood up from her seat.

Laking tuwa naman ni Max ng sumang-ayon si Yve na sumama sa kanya.

Time Skip

We were seated in a five-star restaurant, enjoying the view. As I scanned the surroundings, a familiar figure caught my eye. I looked closer and realized it was Chloe, my girlfriend. I smiled for a moment until a realization hit me.

"Anong ginagawa niya dito," Pagtatanong ko sa sarili.

Kaya naman ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya at laking gulat kung nakita siyang may kasamang babae, at nakahawak si Chole sa waist nito

"What the, is she cheating on me?" Tanong ko sa sarili pero di ko na muna ito hinusgahan at mas sinuri sila ng mabuti. Not until I saw them kissing. Para akung sinaksak ng libo libong kutsilyo, at hindi lang yun nakita ko mismo kung paano umakyat ang kamay ni Chole sa legs ng babae.

"Talaga Chole, public place,?" Tanong sa aking isipan.

"Are you okay, Ve?" Tanong ni Max sakin.

"I'm not can we just go home," Sabi ko kay Max.

"Bakit, nag oorder palang ako," sagot naman ni Max.

"Nahihilo ako Max, please I'm begging you umalis na tayo dito," sabi ko kay Max habang napapaluha.

Kaya naman tumayo siya at inalalayan ako palabas ng restaurant.

Habang nakasakay hindi ako makapaniwala sa nakita ko, alam kung hindi iyon kayang gawin ni Chole. Pero di ako tanga at bulag malinaw na malinaw ang aking nakita.

"Chole, tell me it's no true, Tell me that I'm just imagining things," bulong ko sa sarili.

Di ko napansin na nakarating na pala kami.

"Thank you, Max, wag kang mag alala babawi ako sayo," Sabi ko sa kanya.

"It's okay Ve take care okay," Sagot naman ni Max at kinuha ang kamay ni Yve at hinalikan ito.

Pagkapasok ko sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto at doon ko ibinuhos ang kanina pang luhang namumuo sa aking mga mata ayaw kung maniwala sa aking nakita at pilit kung kinoknontrol ang aking emosyon, kaya naman nagpasya akung puntahan siya buksan at hayaang magpaliwanag.

Oo, alam kung katangahan ang desisyon ko dahil malinaw na malinaw ang aking nakita subalit mahal na mahal ko siya kaya hahayaan ko siyang magpaliwanag.











Be ready sa next Chapter 😉



UNCUNNING Where stories live. Discover now