Chapter 14

570 28 3
                                        

Chole woke up in an unfamiliar room, she roam her eyes until she remembered what had happened yesterday. She passed out luckily Yve catches her.

Bumangon si Chole sa kama at dahan-dahang tumayo, nahihilo parin siya kaya't paunti-unti lamang ang hakbang niya sa paglalakad. Narating niya ang pinto ng kwarto at sa pagbukas niya amoy na amoy niya ang masarap na pagkaing linuluto. Bumaba na siya papuntang sala at napansin ito ni Yve.

"Gising kana pala, okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Yve kay Chole habang nagluluto.

"Hm, okay na ang pakiramdam ko medyo nahihilo lang ng unti," sagot ni Chole kay Yve.

"Mabuti naman, maupo ka muna diyan at medyo matagal pa itong niluluto ko," Ani ni Yve sa kanya.

Sumunod naman si Chole, at umupo ito sa upuan. Sa pag-upo niya isang bagay ang pumukaw sa atensyon niya, isang pamilyar na bagay na parang nakita niya na.

Makalipas ang ilang minuto inihain na ni Yve ang pagkain, at dun nagsimula na silang kumain. Wala sa kanilang umiimik tanging tunog lamang ng plato, kutsara at iba pang nasa mesa ang rinig.

It was silent, not until Chole broke it.

"Asan siya Ve,?" Tanong ni Chole dahilan para mapatigil sa pagkain si Yve.

"Hinatid ko na siya sa school, maaga ang pasok niya, eh tulog kapa kaya di na kita ginising," sagot ni Yve sa tanong ni Chole.

"Ah, sayang naman, pwede ko ba siyang mahiram kahit isang araw lang, gusto ko siyang makita at makilala man lang,"Ani ni Chole.

"Hindi sa ipinagdadamot ko siya Chole, subalit hindi pwede, ayaw kung mapahamak k-, ayaw ka niyang makita," Sagot ni Yve kay Chole.

"Huh? Alam kung nagkamali ako Yve, pero wag ka naman magsinungaling saakin. Matagal akung nag-hintay sainyo, marami akung katanungan noon na gusto kung itanong sayo na bakit tinago mo ang anak natin Yve, papanagutan naman kita,"

"Please Chole, nakaraan na ang lahat kaya pwede ba kalimutan nalang natin yun," sagot ni Yve.

"Yve ilang taon, ilang taon ako nag hintay, nag'tiis, at nagdusa. Tapos sasabihin mo lang  saakin na kalimutan nalang ang nakaraan, Yve nung nalaman kung buntis ka, handa akung panagutan ka, walang araw na hindi kita pinuntahan sa bahay niyo kahit ilang beses akung ipinagtabuyan at sinaktan, tiniis ko yun dahil nagbabaka- sakali akung kahit isang beses lang maawa ka at magpakita saakin. Pero ano ang natanggap ko? Isang balitang mas masakit pa sa mga suntok ta salitang ibinigay nila saakin. Umalis ka ng walang sabi Yve."Ani ni Chole habang ang mga luha sa mga mata niya.

"Sabagay baka karma ko yun, dahil ginamit kita noon, so quits na tayo? Yan ang gusto ng Ate mo diba ang maghigante saakin?, " Dagdag ni Chole. Tumayo sa pagkakaupo si Chole at pinahiran ang mga luhang kanina pang tumutulo.

"Sorry sa abala, pangako hindi ko na kayo guguluhin," Mga salitang binitawan ni Chole bago ito umalis.

Meanwhile

Naiwang nagiisa at umiiyak si Yve, alam niyang mali ang sinabi niya, walang katutuhanan yun. At alam niya sa sarili na mali ang ginawa niya noon umalis siya at itinago ang anak nila. Subalit wala siyang magagawa dahil utos yun ng Ate niya.

Sa kabilang dako naman, hindi parin matigil sa pag-iyak si Chole habang nagmamaneho, she keep on blaming herself. Not until her phone rang.

Otp

Lilia: Darling, wanna accompany me? I'm at the bar right now.

Hindi niya sana sasagutin ang tawag ni lilia dahil alam niya kung ano ang kailangan nito sa kanya. But still Chole dried her tears using her fingers and responded to lilia.

Chole: omw

One thing about Lilia is that, siya ang babaeng tumulong at nagpasaya kay Chole nung mga panahon na kailangan niya ng karamay, kaya kahit ganoon si Lilia, hindi parin siya kayang ma- iwan ni Chole.

UNCUNNING Where stories live. Discover now