Rae POV
Nakangiti akong nakaharap sa salamin habang inaayos ang laylayan ng t-shirt ko at isinisiksik ito sa pantalon ko. Bakas sa aking mukha ang kasiyahan dahil sa wakas, nakabalik na ako sa Maynila kahapon.
Grabe, pakiramdam ko ay parang isang taon akong nawala, kahit tatlong linggo lang naman ang bakasyon ko sa probinsya.
Flashback...
Nandito kami ngayon sa aming hapag-kainan na gawa sa kahoy. Nakangiti akong pinagmamasdan ang pamilya ko na abalang naghahanda ng pagkain para sa muling pag-alis ko pabalik sa Maynila.
Sa loob ng tatlong linggo kong pananatili dito, naibahagi ko na rin ang lahat ng nangyari sa buong semester.
Proud na proud si Nanay at Tatay sa akin matapos kong manalo sa pageant. Hindi nga ako nagkamali, nanood nga sila ng contest ko gamit ang cellphone ni Kiezha. Natutuwa ako sa kuwento ni Nanay na halos lahat ng kapitbahay namin na halos mga kamag-anak ko din ay nakiisa sa panonood.
Pagdating ko pa lang at pagbaba ng tricycle ay may maliit silang surpresa para sa akin. Sobrang saya ko noong mayakap ko sina Nanay at Tatay.
At ngayon, heto na naman ako, babalik na sa Maynila.
"Hoy! Ano gina tanga mo dyan, Rae? Ay, kaon na ta ho!"
(Hoy! Ano iniisip mo dyan, Rae? Ay. kakain na tayo oh!")
Bigla akong natauhan mula sa malalim kong iniisip nang marinig ko ang sigaw ni Kuya Ivan.
"Ma hidlaw ka na naman samun, ay? Nay oh, si Ate Rae, daw mahibi na naman."
(Mamimiss mo kami, ano? Nay oh, si Ate Rae, mukhang iiyak na naman.")
Sinamaan ko ng tingin si Kiezha na nang-aasar pa talaga sa akin, habang sina Nanay at Tatay ay nakangiti lang at masayang pinagmamasdan kami.
Aba! Mukhang natutuwa sila na inaasar ako, ah!
Napanguso ako at nagpa-cute sa harap nila. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa ilalim ng baba at pinatong ang mga siko ko sa lamesa. Pinapino ko ang boses ko at tinitigan sina Nanay at Tatay.
"Nay, pwede ba kayo sumama sa Maynila? Doon na lang po kayo tumira. Mamimiss ko kayo." Pagkasabi ko nun, pinungay-pungay ko pa ang aking mga mata.
"Kaartehan mo bala Rae! Kay sino na sala nagay timo ka pinalak ma skwela tuya?"
("Yang kaartehan mo talaga, Rae. Kaninong kasalanan ba na padalos-dalos ka sa desisyon na pumasok doon?")
"Eh kasi naman po, maganda ang school doon eh. Maganda din yung anak ng may-ari." napatakip ako sa bunganga ko nang di sinasadyang lumabas iyon sa bibig ko. Buti na lang talaga at maingay ang mga nilalaga sa kusina kaya hindi nila masyadong narinig.
"Ano to Rae?"
(Ano yun Rae?")
Tanong ni Kuya Ivan na kunot ang noo at mukhang nagtataka.
"Wala, sabi ko kain na tayo para makatulog ng maaga. May flight pa ako bukas oh," mabilis kong sagot para iwasan ang usapan.
Nakita ko si Tatay na lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko. Nakaupo ako noon habang siya ay nakatayo. Sinandal niya ang ulo ko sa kanyang bewang nang patagilid at tinapik-tapik ang likod ko.
Sus, nanlalambing na naman si Tatay.
"Gin hambalan ko na to si Tito mo nga idul-ong ka bwas sa aga gamit ang sarakyan. Hulamon ta lang danay, Kahuluya man idul-ong ka gamit ang tricycle."
YOU ARE READING
Take me Professor(GXG)
RomanceA first-year student from a small farm in the province receives a scholarship to a prestigious academy in Manila. Eager but overwhelmed by the big city and new environment, she meets a brilliant, young professor who is not only talented but also the...