Rae POV
"Your exam will fall next week, make sure to study hard." ani ni Ma'am Zsanira sa amin na seryoso at binabantaan kami, sabi niya kasi kanina ay sobrang hirap ng exam niya. Expected ko naman na kasi 'yun, short quiz niya nga fifty items eh.
"Girl, what if mag gala tayo para mabawasan stress natin?" nilingon ko si Stacey na nasa tabi ko at bumubulong, mamaya mapagalitan na naman kami sa bunganga nito.
"Paano ka nastress eh hindi ka naman nag aaral?" pambabara ko sa kanya at sumama naman ang timpla ng mukha nito.
"Nag aaral ako, kasalanan ko ba kung walang pumapasok sa utak ko kung hindi siya lang?" nagpipigil ito na mapa lakas ang boses niya kasi nasa harapan pa din naman si Ma'am Zsanira, lagot talaga ito mamaya.
"Ewan ko sayo, kung wala ka din naman magandang sasabihin makinig ka nalang." hindi ko na ito pinansin at binalik ang atensyon sa babaeng nagsasalita sa harap.
"Make sure to settle and pay everything at the accountant office to avoid any problems that may occur during exam week, understand?" tumango kami lahat at nag dismissed na ito ng klase niya. Sinundan ko ito ng tingin palabas ng room at hindi manlang niya ako tinataponan ng tingin kahit saglit.
Niligpit ko na ang mga gamit ko at nilagay 'yun sa bag ko, napunta ang tingin ko sa lunch na para kay Ma'am Zsanira mamaya.
These days kasi ay sobrang busy namin pati ang mga professor, preparation of exams kasi tapos after nun ay acquaintance party pa ng school. Grabe sobrang nakaka pagod at kasali pa talaga ako sa isa sa mga contestant para sa pageant. Patuloy pa din naman ako sa pag ppractice at medyo nagagamay ko na din ang mag lakad gamit ang heels, ang problema ko lang ngayon ay ang talent portion ko.
Pinag iisipan ko pa kasi ano ang gagawin ko at madami din naman mga suggestions ang department kaso ngalang ay parang hindi ko kaya.
Napa buntong hininga ako sa naisip at sa sobrang daming gagawin, grabe deserve ko ng mahabang tulog pagkatapos nito.
"Hoy! para ka namang nalugi ng sampung milyon sa mukha mo na yan." bigla ako napa lingon kay Stacey at masama siya tinignan.
"Ikaw ba naman sobrang dami ng gagawin tapos may sasalihan pa na pageant, hindi ka ba manghihina nun?"
"Hindi, manghihina lang ako kapag tinignan na ako ni crush." nangingisay nito na sabi sabay sabunot ng sarili niya na buhok, napa iling iling nalang ako at tumayo na.
"Let's go, mag recess muna tayo." pag aya ko sa kanya at tumayo din naman kaagad ito.
Lumabas na kami ng room at dumaan muna sa locker upang mailagay ang ibang gamit na hindi ko pa naman kakailanganin, sobrang laking tulong din nito lalo na kapag maliit lang ang bag na dala mo sa school.
Naglakad na kami patunong canteen at naghanap ng pwedeng maupuan, sobrang laki din naman kasi ng Academy na 'to at madami din ang cafeteria at canteen ngunit ito lang ang pinaka malapit sa building namin kaya kailangan talaga mag secure ng matatambayan.
"Mag oorder na ako, ano gusto mo?" pag volunteer ko sa kasama ko kasi parang wala itong balak tumayo, grabe naman sa katamaran yan Stacey.
"Cookies and cheesecake hehe." nilahad ko ang kamay ko sa kanga upang kunin ang bill niya.
"Here, buy also your food with that money." naks naging englishera na.
"Nangyari sayo? bakit ka nanglilibre? at bakit ka nag eenglish?" tumawa ito ng malakas at hinampas ako ng malakas sa balikat.
"Minsan lang tayo mabuhay, tulongan ang nangangailangan." sinamaan ko ito ng tingin sa sinabi niya, grabe hindi naman ako sobrang gipit ngayon.
Tinalikuran ko ito na tumatawa na parang baliw, bahala siya sa buhay niya.
YOU ARE READING
Take me Professor(GXG)
عاطفيةA first-year student from a small farm in the province receives a scholarship to a prestigious academy in Manila. Eager but overwhelmed by the big city and new environment, she meets a brilliant, young professor who is not only talented but also the...