Chapter 9(Apology)

3.4K 118 98
                                    

Rae POV

Palabas na ako ng room nang makita si Ma'am Kael na naka tayo at naka sandal sa pader ng room, sino hinihintay niya?

"Good morning po ma'am." binati ko siya at mukhang nagulat pa sa presensya ko.

"Oh god sweetie! I've been waiting for you for almost..." tumigil ito sa pag salita at tinignan ang relo niya, "...for almost 40 minutes here outside."

Kumunot naman ang noo ko sa narinig, hinintay niya talaga matapos ang class ko? bakit?

"Sana po ay pina tawag niyo nalang po ako sa office Ma'am." nahihiya ko na sambit sa kanya at kinamot ang batok ko, sa pag punta palang niya dito at sadyain ako ay alam ko na may importante itong sasabihin.

"I want to talk you in private sweetie, do you have vacant this afternoon? or right this time?"

"Half day lang po class ko ngayon ma'am, and pauwi na po ako." ngumiti ako sa kanya at nakita ko naman ang pag liwanag ng mukha niya.

"Perfect! see me at the lobby later at 1 pm please? I want you to help me regarding about Zsanira, please sweetie?" her voice became sweet and look at me with a puppy eyes, she even held my hand looking so desperate to help her.

Pagka rinig ko ng sinabi niya tungkol kay Ma'am Zsanira ay alam kong hindi pa nagkakausap at nagbabati ang dalawang ito, pero bakit naman ako ang hinihingan niya ng tulong?

"Ma'am bakit po ako?" taka ko na tanong sa kanya at tumayo naman ito ng tuwid at nilagay ang kamay sa mga bulsa nito.

"I saw how Zsanira soft and kind to you, and I think bibigay 'yun pag sinama kita." kumindat ito sa akin at ngumiti. parang binubugaw naman ako nito.

"...please sweetie?" bumuntong hininga ako sa pakiusap niya at mukhang desperado talaga siya na isali ako sa pina plano niya, naawa naman ako dito kasi these days ay napapansin ko na hindi talaga siya pinapansin ng isa.

"I'll help you too if you need something else." ngumiti ito sa akin at hinawakan pa ang kamay ko.

"Sige po ma'am." ngumiti ako sa kanya at halos mapa talon na ito sa tuwa.

"Yes! see you later." ginulo niya ang buhok ko at nagmamadaling bumalik sa office niya.

I admire the friendship of these two, alam ko malalim ang pinagsamahan nila knowing how Ma'am Zsanira react to what Ma'am Kael did, para silang magkapatid na nagtatampuhan.

"Girl, may pupuntahan ka mamaya? tara mall." I jump out of shocked when I heard the presence of Stacey at my side, akala ko umuwi na 'to?

"Bad timing Stacey, may lakad ako." pag sambit ko sa kanya kasi sakto talaga na nauna si Ma'am Kael na magyaya sakin.

"Maybe next day sa vacant natin, let's go mall." lumiwanag naman ang mukha niya sa narinig at nag paalam din naman sakin umalis.

Tinignan ko naman ang kabuuan ko at napaka pangit ng suot ko ngayon, may mga spare t-shirt at pants naman ako sa locker ko kaya dito nalang din siguro ako mag bibihis,

Nag lakad na ako papunta sa locker ko at sakto naka salubong ko pa si Ma'am Zsanira na madaming dala, kaagad ko kinuha ang laptop niya na walang sabi at sinabayan siya sa paglalakad, hindi ko nakikita ang mukha niya kanina pa kasi wala din naman ako class sa kanya.

"Good morning ma'am." pagbati ko sa kanya at tinignan siya na nakangiti, hindi manlang ako pinansin nito at patuloy sa paglalakad.

"Don't you know that snatching away your professor's thing without permission can received a 5.0 grades?"

Take me Professor(GXG) Where stories live. Discover now