Chapter 2(Professor Zsanira)

4K 104 51
                                    

Rae POV

Nagising ako ng alas-singko ng umaga dahil hindi ako makatulog sa bago kong apartment. Pagdating ko kasi sa Manila, naghanap agad ako ng tirahan at sakto namang may natira pang room na malapit sa school ko.

Hindi pa ako nakapag-grocery ng mga kakailanganin ko, at may class na ako mamaya. Siguro pagkatapos, didiretso na lang ako sa pinakamalapit na grocery store dito.

Kinakabahan ako na nae-excite, kasi first time kong mag-commute at pumunta sa school na sasakay ng jeep. Sa probinsya kasi, naglalakad lang kami.

Namimiss ko na rin sila Nanay. Kamusta kaya sila?

Kaagad naputol ang pag-iisip ko nang tumunog ulit ang alarm ko.

Ito na, magre-ready na nga eh.

Bumangon na ako at ginawa lahat ng dapat kong gawin. Naka-civilian lang ako kasi hindi pa binibigay ang uniform namin. Sabi sa instructions, sa mismong school na raw kukunin, at wala nang babayaran kasi covered na iyon ng scholarship ko, sobrang laking tulong talaga.

After kong makapag-ready, nagsuot na lang ako ng fitted pants at plain beige t-shirt. Wala naman silang sinabi tungkol sa dress code, basta formal lang.

Humarap ako sa salamin at tinignan ang mukha ko.

"This is it, Kailey Rae. You've worked so much for this!"

Inayos ko ang curly kong buhok at nag-apply lang ng plain na make-up. Hindi ko naman talaga kailangan ‘yun dahil maputi na ako, at lip gloss or lip tint lang ay okay na. Pero dahil first day ngayon, why not put an effort, right?

Lumabas na ako ng apartment. 7 a.m. ang class ko. Shit! Aabot kaya ako? Sobrang traffic.

Time check: 5:30 in the morning. Naghanap na ako ng jeep na masasakyan.

Nakakita naman ako kaagad, at walking distance lang sa apartment ko ang paradahan nila. Buti naman.

Sumakay na ako at umupo sa likuran, bandang driver.

"Good morning po, Manong."

I greeted the driver with a genuine smile on my face.

"Wala naman ata ako sa langit ngayon para makakita ng anghel diba?"

Pabirong sabi ni Manong, at bigla naman akong nahiya.

"Ay si Manong gumaganyan, paandarin mo na kaya para 'di ako ma-late?"

Pabiro ko sa kanya pabalik, ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"May lahi ka bang foreigner, iha? Bakit sobrang puti mo?"

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya kasi sanay na akong masabihan ng ganyan. At totoo naman na sobrang puti ko, na halos mapapansin mo na ako kapag nasa kumpulan ng tao. Sabi ni Nanay, pinaglihi daw ako sa mga Koreana dahil sa panonood niya dati.

"Ay wala po, Kuya. Sa totoo nga po, galing pa ako sa probinsya kaya malabo na may lahi."

Tumango naman si Kuya at sakto, puno na ang jeep na sinasakyan ko.

Pagkatapos ng higit isang oras na biyahe, nakarating na ako sa harap ng school ko. Grabe, supposedly 30 minutes lang ‘yung biyahe, pero dahil sa sobrang traffic, malalate pa ako.

Tinignan ko ang phone ko, 6:30 a.m. na.

Jusko po.

Hindi ko pa alam kung saan ang room ko, at kailangan ko pang pumunta sa Student Office para kunin ang schedule at ID ko.Tumakbo na ako papasok at tinignan ang mini-map na dinistribute sa amin kahapon through our online page.

Take me Professor(GXG) Where stories live. Discover now