Chapter 15 (Small gestures)

3.7K 123 33
                                    

Rae POV

I was rolling through my bed back and forth for about 10 minutes already early in the morning. Sabado ngayon at sobrang boring dito sa apartment ko, tapos ko naman na labhan ang mga damit ko at nakapag linis na din ako ng kwarto. I grab my pillow and slammed it right on my face.

Arggh! this is so boring.

*ting

Kinuha ko ang unan sa mukha ko at hinagis 'yun matapos marinig ang notification sa phone ko.

Alexander Zero Fontileja
Messenger

Wyd? let's grab some snacks and drinks at mall. My treat.

Napataas ang kilay ko sa nabasa na notification sa screen ng phone ko. Napabalikwas ako sa kama at umupo sa bed ko, life saver talaga ang lalaking ito. Alam na alam niya kung kailan sobrang lungkot ng buhay ko, akalain mo 'yun lilibre pa ako.

Nakangiti at excited akong bumaba ng kama at inayos ang nagulo ko na bedsheet, nilagay ko na din ang phone ko sa lamp table na nasa gilid ng kama at kinuha na ang towel upang magsimula na maligo at mag ready.

After ng limang taon ay sa wakas natapos na din sa lahat, naglagay pa kasi ako ng light make up at pina curl ng kaonti buhok ko. Gusto ko din kasi maging presentable tignan kahit gagala lang din naman kami, nakakahiya naman kasi tumabi kay Zero na dugyot, ang pogi pa naman nun.

Humarap na ako sa salamin at tinignan ang kabuoan ko, Nagsuot ako ng maikling short at halatang halata ang mahahaba at mapuputi ko na legs, sa taas naman ay fitted tops na yumayakap sa magandang hubog ng katawan ko. Napangiti ako sa nakita kasi kahit kailan ay never ako nag suot ng ganito sa probinsya namin, bukod sa mapapagalitan ako ng Nanay ay sobrang masilan talaga ang mga tao doon at mas gugustohin na makita ka na nakabalot buong katawan. Iba naman kasi dito kaya inaayon ko din ang style ko sa pupuntahan ko na lugar o kung nasaan man ako ngayon.

Sinuot ko na ang aking low cut sneakers at sinukbit ang sling bag ko sa katawan, matapos makuntento at magsawa sa mukha ko sa salamin ay nakuntento naman ako at pwede na din iharap sa mga tao.

*ting

Muli nag notif ang messenger ng phone ko at kaagad ko naman 'yun kinuha. Hindi ko alam kung saan nahanap ni Zero ang Facebook account ko pero kung itatype mo lang din naman pangalan ko sa search bar ay makikita mo naman na kaagad, mas okay na siguro 'yun na siya na nag adjust at nag add sa akin.

Alexander Zero Fontileja
Messenger

I'll fetch you, don't bother to commute. Send me here your address.

Napangiti ako sa nabasa na halos mabasag na ang phone sa pagkakahawak ko.

Ackk! ayaw niya na nahahaggard ako.

Kaagad ko naman 'yun sinend sa kanya at bumaba na ng apartment ko, alam ko naman na mabilis lang ang byahe kasi sabado ngayon at wala masyado traffic.

"Good morning po." napa tigil ako sa pagbaba ng hagdan at dahan dahan na yumuko sa babaeng naka salubong ko, ito yung landlady ng apartment ko.

Tumigil din ito sa paglalakad at tinignan ako mula ulo hanggang pa, hindi pa ito nakuntento at tinaas pa talaga ang kilay niya.

"Ang ikli naman ng suot mo, boyfriend mo pupuntahan mo no? mga bata nga naman tsk! tsk!" umiling iling ito sa akin habang nakalagay ang mga kamay niya sa dibdib nito. Balita ko kasi ay wala manlang ito asawa at nasa kwarenta pataas na ang edad niya, sobrang bugnotin din nito at parang pasan ang lahat ng problema sa mundo.

"Hindi po ma'am, gagala lang po ako sa mall." plastic akong ngumiti sa kanya at nilagpasan nalang siya na mukhang hindi pa din naniniwala sa sinasabi ko, bahala siya d'yan.

Take me Professor(GXG) Where stories live. Discover now