Rae POV
"Hi, Ms. Kailey Rae. Can I have a dance with you?" isang lalaki ang lumapit sa mesa namin dito sa loob ng arena.
Pagkatapos ng program ay inayos muli ang venue at nilagyan ng malaking disco ball sa gitna. May catering at mga inumin na nakahilera sa gilid, mga lamesang puno ng pagkain at mga kakaibang masasarap na dessert sa isang tabi.
Maraming mga lamesa ang nakapalibot sa disco ball kung saan nakaupo ang mga estudyante at bisita. Malalim na ang gabi, ngunit masaya at maingay pa rin sa loob. Pagkatapos ng program ay nagpalit na ako ng damit para mas komportable akong makihalubilo. Kasama ko dito sa mesa sina Stacey at iba ko pang mga kaklase. Hindi ko na makita sina Ma'am Zsanira at Ma'am Kael. Kanina lang ay malapit sila sa amin, pero abala sila sa pag-aasikaso ng mga bisita at ilang mga kilalang tao.
Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong kausapin si Ma'am Zsanira.
Nasaan na kaya siya?
Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang kamay ng lalaki sa harap ko. Hindi ko siya kilala at ito na ang pang-sampung sayaw ko ngayong gabi. Pagod na rin ako.
Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang nakalahad niyang kamay. "Sure," sagot ko, sabay tayo. Dahan-dahan niya akong dinala sa gitna at hinawakan na ang aking bewang.
In fairness, gwapo at mukhang disente siya.
Nilagay ko ang kamay ko sa kanyang balikat at tumingin sa kanyang mga mata. "Dito ka rin ba nag-aaral?" tanong ko habang sumasayaw kami.
"No, my father just brought me here. He said I'd enjoy the program, but little did I know, I enjoyed watching you more." namula ako agad sa sinabi niya at napayuko. Grabe, nakakahiya, bakit kailangan pa niyang magsabi ng ganun?
Mahina ko siyang hinampas sa balikat at tumawa. "Hala, hindi naman. First time ko lang nga sumali." inikot niya ako at medyo nilayo Grabe, ang galing din niya sa ganitong sayaw.
Sumusunod lang ako sa bawat galaw niya. Biinalik na naman niya ako sa kanyang katawan at hinawakan muli ang bewang ko.
"Not bad for a first timer," ngumiti siya sa akin at pinisil nang mahina ang aking kamay. Nang huminto na ang musika ay tinanggal na niya ang kamay niya sa bewang ko at lumayo.
"This is not usually me, but it's my pleasure to have a dance with a beautiful woman," ngumiti siya sa akin at hinawakan muli ang aking kamay upang ihatid ako pabalik sa mesa.
Grabe, halatang napaka-respetado at maayos ang lalaking ito.
"Hoy, girl! Nandito kanina sila Ma'am Kael at Ma'am Zsanira, hinahanap ka," napukaw ang atensyon ko sa sinabi ni Stacey.
Nandito sila kanina? Bakit hindi nila ako tinawag?
"Ano daw kailangan, Stacey? At nasaan na sila?" nilibot ko ang aking paningin at agad ko naman silang nakita hindi kalayuan, kasama si Sir Paul na naka upo din sa lamesa.
"Girl, hindi ko alam anong kailangan. Basta kanina, nung tinuro kita sa gitna, bigla na lang nag-walk out si Professor Sevilla," sabi ni Stacey, na ikinatampal ko sa aking noo.
"My God, Stacey! Sana naman sinabihan mo ako o tinawag man lang."
"Aba, malay ko sa'yo! Parang kasalanan ko pa na nag-eenjoy ka sa lalaking 'yun ha? Hindi naman halata Rae," tinarayan niya ako sabay inom ng wine na hawak niya.
"Kasi naman, ang pogi eh," humagikgik ako, pero bigla akong natigil nang may lumapit na grupo ng mga babae na may dalang camera.
"Ms. Kailey Rae, fan na fan mo po ako kanina. Pwede bang magpa-picture?" nakangiting sabi ng isang babae, kasama ang kanyang mga kaibigan.
YOU ARE READING
Take me Professor(GXG)
RomansaA first-year student from a small farm in the province receives a scholarship to a prestigious academy in Manila. Eager but overwhelmed by the big city and new environment, she meets a brilliant, young professor who is not only talented but also the...