Chapter 1(Province)

5.7K 118 61
                                    

Rae POV

"AAAAHHHHHH" malakas ko na sigaw habang nagscroll sa phone ko.

Sa sobrang saya ay nahagis ko ang unan sa ilalim ng plywood ko na kama, hindi pa ako nakuntento at kaagad na dumapa at sinubsob ang mukha sa unan ko.

This is it Rae! Ito na ang susi sa tagumpay!

Muli ko tinignan ang screen ng phone ko at tama nga ang nababasa ko.

Good Day Ms. Kailey Rae Jimenez!

This is to inform you that you have passed the final qualifications for the slot in the (LSA) Legacy School of Arts. Please response briefly through email your information including your personal information and contact number including your social media accounts. The rest of the instructions will be given at the school premises. The said slot secured a fully covered scholarship including your allowance and materials (Books, Equipments for your respective program),This is effective until you will graduate after you'll maintain a GWA of 95% above.

Congratulations and see you at the Academy!

Binasa ko ito ng paulit-ulit at hindi ko mapigilang maiyak sa saya nang maisip kong nakapasa ako sa pinapangarap kong paaralan.

Fresh graduate lang ako ng Senior High School dito sa probinsya namin, at bata pa ako pangarap ko nang makapag-aral sa magandang kolehiyo upang maiahon ang pamilya ko sa kahirapan at mapahinto ang mga magulang ko sa pagtatrabaho sa palayan.

Kaagad akong bumangon at bumaba sa aming kahoy na hagdanan upang hanapin ang aking ina. Nakita ko siya na nagwawalis sa labas ng maliit at simpleng bahay namin.

"Naaay! Naaaaay!"

Malayo pa ako ay kitang kita ko na ang gulat at pagtataka sa mukha ng aking Ina.

Nang makarating ay kaagad ko ito niyakap at sumubsob sa dibdib nito.

"Hala ano natabo simo?"
(Nangyari sayo?)

Lumayo ako sa kanya at tumalon talon sa tuwa, lalo kumunot ang noo nito at pinagpatuloy ang ginagawa.

"NAY! NAY NAKA PASA AKO!"

Malakas kong banggit, at tumigil siya sa pagwawalis. Matagal siyang nakabawi, at nang maisip kung ano ang tinutukoy ko, napalitan ng saya at pagkasabik ang nagtatakang mukha niya.

"Tuod? abi palantaw basi gina joke mo ako Rae ha umandam ka lang!"
(Totoo? baka jinojoke mo ako Rae ha, lagot ka sakin!)

Hinampas pa ako nito sa balikat at hinablot ang phone ko. Pagkabasa niya ng email mula sa school, nabitawan niya ang walis at niyakap ako sabay talon, para kaming mga tanga na nagyayakapan sa gitna ng bakuran namin.

Kahit hindi masabi ni Nanay, alam kong sobrang saya niya dahil pangarap din nila kaming magkakapatid na makapagtapos ng pag-aaral, bagay na hindi nila nagawa noong bata pa sila.

"Ikaw nga bata kaw, permi mo dulang ko gina pahibi"
(Ikaw na bata ka lagi mo nalang ako pinapaiyak)

Mangiyak ngiyak na sabi ni Nanay at niyakap muli ako pabalik.

"Ano gina drama niyo jan aga pa?"
(Ano dinadrama niyo jan ang  aga aga)

Kaagad kami napalingon sa boses ng aking Tatay, tumakbo ako at niyakap siya kahit punong puno ito ng putik dahil sa pagtatrabaho sa palayan.

"Tay! Tay nakapasa ako!"

Masaya kong inanunsyo ito sa kanya, at ngumiti siya habang ginugulo ang buhok ko.

"Ti hindi ka duman namon ma upod diri eh?"
(Hindi ka na namin makakasama dito?)

Bagamat masaya ang mukha niya, alam kong nalulungkot din si Tatay sa sinabi ko. Pero wala kaming magagawa; kailangan ko ring lumuwas ng Manila mula Iloilo dahil doon ang kolehiyong pinapangarap ko.

Take me Professor(GXG) Where stories live. Discover now