Chapter 23

25 1 0
                                    

Chapter 23 

Twisted 


"Mr. Morteo?"

Mabagal ang naging pagkilos ko habang dahan-dahang napabitaw sa doorknob. Napalunok ako habang nakatingin kay Mr. Morteo. Napansin kong may tao sa kaniyang likod ngunit dahil nakangiti siya sa 'kin at kakaiba iyon ay sa kaniya natuon ang aking atensyon.

Napakunot ang noo ko. I fixed my robe and looked around, bago ibinalik ang tingin sa kaniya sa pagtataka at wala pa man ay nakakaramdam na ako ng galit.

"A-Ano ang ginagawa n'yo rito?" kalmadong tanong ko.

"Oh... I'm sorry, Miss Nathalia... naistorbo ko ba ang pagpapahinga mo?" tanong ni Mr. Morteo kasabay ng kaniyang ngiti. His tall appearance towered infront of my room's door. Muling nangunot ang aking noo. "Resting together with your bodyguard? Is he inside?" dagdag na tanong nito sa mapaglaro ngunit seryosong tono.

Tumingin siya sa likod ko para silipin ang loob ng hotel room na parang may hinahanap. Doon pa lamang ay nakaramdam na ako ng hindi maganda.

"No. I'm already sleeping. I woke up to the room service's call. But where is the lady?" tanong ko at medyo lumabas sa aking pinto para silipin lalo ang hallway, ngunit wala na akong nakitang kahit sino.

Nakalimutan ko kung anong oras na ngunit sa lagay ng katahimikan, it looks like it's past midnight now.

Nasaan ang babaeng tumawag? I'm sure babae ang kausap ko sa linya, nanginginig pa ang boses kanina sa telepono.

A smile grew wider on Mr. Morteo's lips. Nabitin ang akma ko pang pagsasalita sa aking lalamunan nang gumilid siya nang kaunti at doon ko nakita si Fabrolino mula sa kaniyang likod.

Hindi lang si Fabrolino ang naroon. Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hawak nitong babae sa leeg at bibig. Nagpupumiglas ang babae at nakukulong ang mga impit na pagmamakaawa dahil hawak ni Fabrolino ang bibig nito, in a staff uniform... with her eyes desperately looking at me asking for help.

"Puta, sinabing huwag kang maingay!" pabulong na sindak ni Fabrolino sa babaeng pilit inaalis ang kamay niya sa bibig nito.

"Hmm! Tulong, t-tulungan mo ako!" Nagpumiglas ang babaeng mukhang ginamit nilang daan para mapalabas ako ngunit malakas ang kanang-kamay ni Mr. Morteo.

Napako ako sa kinatatayuan. Dinaga ng kaba ang dibdib ko at agad akong napatingin kay Mr. Morteo.

"A-Anong kailangan mo? B-Bakit nandito kayo?!" may takot kong tanong. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang ang babae ay nagmamakaawang humingi sa 'kin ng tulong habang umiiyak at takot na takot dahil sa baril na nakatutok sa kaniyang sentido. "M-Miss! What are you doing, Mr. Morteo?!" baling ko rito nang makitang nakatingin lamang ito sa 'kin.

Sinubukan kong lapitan ang babae ngunit agad na sumenyas si Mr. Morteo kay Fabrolino at walang ano-ano'y ginawaran nito ng suntok ang babae sa sikmura dahilan upang mawalan ito ng malay!

Napaatras ako sa takot. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa habang paatras nang paatras ngunit bago pa tumama ang likod ko sa aking pinto ay mabilis na akong nahablot ni Fabrolino.

"A-Anong ibig sabihin nito?! Mr. Morteo! A-Anong... anong ginagawa mo?! B-Bitawan mo ako!" sigaw ko.

Bumagsak ang babae sa hallway dahilan para manghilakbot ako sa takot. Sinubukan ko siyang lapitan ngunit mahigpit akong hinablot ni Fabrolino. Napasigaw ako sa sakit na idinulot ng sapilitan niyang pagkuha sa 'kin.

Pumiglas ako pero mabilis niya akong nadarag palabas.

"Bitawan mo ako! Sh*t! Mr. Morteo!" sigaw ko. Akmang sisigaw akong muli para humingi ng tulong ngunit mabilis nang natakpan ni Fabrolino ang bibig ko kung kaya't nakulong ang mga salita sa aking lalamunan.

Breaking His Law (El Colegio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon