Chapter 19

222 4 0
                                    

Chapter 19

Bodyguard


Fifty million... huh, tingin niya makukuhanan niya ako ng fifty million?

Sure, I'm rich! I mean... my parents are, pero hindi ako basta-basta maglulustay ng pera lalo na kung para sa kaniya.

Naging normal ang routine ko sa bahay ni Isles. Sabay kaming papasok sa umaga. Idadaan niya ako sa university at saka siya didiretso sa law school niya. Hindi malayo pero hindi rin naman malapit ang university namin sa isa't isa kaya bilib ako na siya pa ang nagpresinta na ihatid ako patungo sa eskwelahan.

Acting too well as a bodyguard, huh? Mas mukha pa siyang bodyguard ko kaysa fiance dahil sa asta niya! Oh, well, gas niya naman iyon.

Sa pag-uwi, nauuna ako sa kaniya madalas. Nagpapasundo na lang ako kay Alfred o kaya kay Kuya Bobs. Depende kung sino ang available sa kanila. Hindi na ako umaasa na susunduin ako ni Isles dahil baka mag-away lang din kami kapag ginawa niya iyon.

Wala ngang nakakaalam na ibang bahay ang inuuwian ko ngayon. Just thinking about my friends finding out about it scares me!

Sasabihin ko rin naman kina Jade, hindi lang talaga ngayon na wala kaming malinaw na usapan ni Isles.

"Okay, class, listen... regarding your by pair presentation, you can start it now. I'll be checking your papers at the end of next week," paalala ng aming professor bago mag-dismiss ang klase.

Agaran ang reklamo ng mga kaklase ko ngunit nanatili akong tahimik at nakatingin sa aking wrist watch. It's still early, at wala na kaming mga susunod na klase dahil absent daw ang professor. Ang isa ay may meeting at pinapaaral ang syllabus.

Anong gagawin ko sa natitirang oras? Ang boring sa bahay ni Isles! Alas-singko pa iyon uuwi at kakausap lang ako ng hangin doon. I unfortunately have no scheduled photoshoots right now.

Lumapit sa gawi ko sina Esekia at iritadong naghatak ng mga upuan pagkalabas ng professor. Ang iba ay nagliligpit na ng mga gamit.

"Thalia, ano? Pa-party ba tayo ngayon?" tanong nina Vannie. "Para naman maibsan 'tong badtrip natin kay Ma'am Fernandez! Ugh, kakainis talaga siya! Nagmamadali sa paper niyang pwede naman sa end of semester!" dagdag niyang reklamo.

Hindi ako agad nakasagot, iniisip kung iilang oras ang natitira bago makauwi si Isles sa bahay. Kaya nagsalita si Esekia at kunot-noo akong tiningnan.

"Hey, Thalia! Can you hear us?" Bakas ang iritasyon sa kaniyang tono.

Napaangat ako ng tingin sabay kurap. I forced a smile and tried to think of an answer. "Uhm, I have something to do, girls, sorry... kayo na lang muna..."

Tumahimik ang girls. Si Esekia ay iritadong-iritado na tiningnan ako sabay krus sa kaniyang mga braso.

"You're so weird nowadays, Nathalia! You're declining a party? You're acting really strange."

Umarko ang aking kilay ngunit agad ko rin iyong binaba. Tiningnan ko si Esekia. I sighed and started packing my things, too. "I'm sorry, Esek. I'm really just busy. You know... shoots and some family affairs."

Tumawa si Charri sa gilid, staring at me with her judging eyes. "Really? Baka naman may tinatago ka sa 'min, Thalia? Share it! We're friends, right?"

"Oo nga. Ano ba kasing 'yang problema mo, Thalia? Nagkakaproblema ka na ngayon, 'no?" At nagtawanan sila.

I wanted to roll my eyes, pero kinalma ko na lang ang sarili at hindi pinatulan ang mga iyon.

Sasagot pa lang ako ay may sumingit na. Lumapit sa amin sina Noah at mga kaibigan niyang lalaki, our blockmates.

Breaking His Law (El Colegio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon