Chapter 17

500 13 0
                                    

Chapter 17 

Protector 


Pagtapos nang nangyaring iyon ay pinaimbestigahan ni Dad ang insidente. At dahil walang tao nang gabing iyon ay walang nakaalam sa nangyari. Hindi rin nakarating sa publiko.

I don't know if that's a good or bad thing. Less threats ang matatanggap namin kung hindi maisasapubliko ang nangyaring pang-a-ambush sa amin dahil tiyak na kung magiging publicized iyon ay mas dadami ang maglalabasan na may masamang balak sa pamilya namin. If one potential enemy resurfaces, others will follow, too.

Magsusunod-sunod na iyon at magiging mahirap na naman patahimikin ang mga banta.

Unfortunately, Dad is linked to many incidents, court trials, and other political matters. Those are the consequences of him being partners with those kind of people para mapalawak ang kaniyang koneksyon at kapangyarihan.

Halimbawa na lamang ay si Mr. Morteo, ang pinakamalaking koneksyon ni Dad sa mundo ng media. Kaya nakakaya niyang i-manipulate ang mga balita tungkol sa amin. That's how rich people make connections, through allies. That's why betrayal of the one you trust the most is the biggest reason of downfall.

"I don't understand why would they do that!" nanggagalaiting sigaw ni Dad matapos ibagsak ang mga kamay sa kaniyang mesa.

Narito kami sa kaniyang opisina, nag-uusap tungkol sa nangyari. I didn't say anything. I don't know what to say, at nasa state of shock pa rin ako sa nangyari kagabi lang. Tinapik ni Mommy ang balikat ko.

"Are you okay?" she asked concernedly.

Tumango ako at pilit na ngumiti. I'm tired and I don't feel okay. What happened is traumatic. Marami nang nakaaway ang pamilya namin ngunit ito ang unang beses na ako ang main target nila, na pinasadya pa nila iyon, at gumalaw sa tahimik na paraan.

Kung hindi sa pagiging alerto ni Alfred, I doubt that I am still alive today.

Mariin akong pumikit, nanghihina. I'm still shaking from what happened last night and I want to rest, pero pinipigilan ako ng kagustuhang maintindihan kung ano ba ang nangyayari, kung anong nangyari, at ang sinabi ni Alfred na iyon ang dahilan kung bakit ako inilalayo ni Dad, and the reason why I am bound to marry Isles.

Bumukas ang pinto. Napalingon kami roon at natigilan ako.

Si Isles.

Nagtama ang paningin naming dalawa. Mula sa couch ay nahanap ako ng mga mata niya. I noticed he's wearing a slightly formal attire. Hindi ko alam kung saan siya galing. Ni hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya maliban sa law school.

Hindi ko maiwasang matitigan siya. His black long sleeves shirt is hugging his body perfectly. Tall and very eye-catching. His veiny hands are the perfect match of his defined jaw. He looks nice and someone you will get along with because of his playful eyes, pero may pagkakataong intimidating siya. O baka sa 'kin lang dahil sa 'kin siya galit.

"Isles," tawag ni Dad.

Makahulugan ang naging palitan ng tingin naming dalawa. He clenched his jaw when he entered Dad's office. Napalunok ako at napaiwas ng tingin, hindi pa rin nakakalimutan ang huli naming tagpo. He didn't bother me after that, after saying the most intrusive thoughts he probably has.

"Sir," he called.

Bumuntonghininga si Dad. He's trying to fight the urge to explode like a bomb, bahagyang kumalma sa pagdating ng presensya ni Isles.

"I heard what happened. Nakakuha na ako ng impormasyon tungkol sa nangyari," saad ni Isles at may inilapag na mga papel sa table ni Dad.

Napaangat akong muli ng tingin. I found his eyes looking and scanning my whole body for any injuries. Kung hindi lang nangyari ang insidenteng iyon kagabi, iisipin ko na pinagmamasdan niya na naman ang katawan ko.

Breaking His Law (El Colegio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon