Chapter 7
Live With Me
"This is also the right time for you to find someone who will tame your rebellion."
Magsasalita pa sana ako pero nanatili na lamang akong tahimik at walang masabi pabalik. Kasabay rin niyon ay siyang pagdating ng mga importante niyang bisita.
Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at banayad na tinapik ang balikat ko. She didn't say anything. She just encouraged me to fix my face dahil hindi ako maaaring makita ng mahahalaga nilang bisita na ganito, parang pinagbagsakan ng langit at lupa.
Iyon na sana ang gagawin ko kundi lang umangat ang tingin ko at ang unang nakasalubong ng mga mata sa mga dumating ay walang iba kundi si Isles.
There are few businessmen that are Dad's acquaintances. He doesn't see anyone as a friend. They're all merely colleagues.
Dumating ang mga nakaitim na kalalakihan. I know some of them. Others are in showbusiness. Some of them are my dad's age. Some business guy in his 40's even tried to hit on me before.
Ang nagbabadyang luha sa mga mata ko na dahil sa bigat ng nararamdaman mula sa mga sinabi ni Dad ay napalitan ng luha ng galit at pagkainis kay Isles.
He was behind someone, pero dahil matangkad siya at nakakaagaw-pansin ang ayos ay kahit sino sa kaniya unang mapapatingin. He immediately caught my eyes, at hindi na ako nagulat na binalikan niya ako ng tingin.
Papalapit pa lamang sila sa table, and he's not even in the front, pero ang masama kong tingin ay diretso sa kaniya dahilan para mapangisi siya nang makita iyon.
At talagang pumunta pa siya? He should've thought of a solution for this other than showing up!
At nakuha niya pa talagang ngisian ako para lang inisin, huh?
"Good evening. Have a seat," Dad greeted them.
Nagkamayan sila at naupo sa mga upuan. I greeted them back but it was obviously uneager. Wala man lang nababakas na tuwa sa akin at ang maganda kong ngiti ay plastik.
Kahit nasa tapat ko na siya ay hindi pa rin natatapos ang tingin kong nangunguwestiyon kung bakit nandito siya. Inayos niya ang pagkakarolyo ng sleeves hanggang kaniyang siko nang maghatak ng upuan. Sa katapat kong upuan sa mahabang table na iyon siya naupo. Sa kabila ko ay si Mommy at sa dulo na bahagi ng mesa ay naroon si Dad.
Hindi ko naiwasan na mapuna ang kaniyang ayos. He's formal right now. Ang kaniyang itim ng long sleeves ay maayos na nakatupi. Maayos din ang kaniyang buhok, hindi gaya ng lagi nitong ayos na pinapadaanan niya lagi sa mga daliri.
"Good evening, Mrs. Sandoval. Aging like a fine wine always..." he greeted my mother.
Ngumiti si Mommy at nagpasalamat. Pagtapos ay binalik ni Isles ang tingin sa 'kin, nawala na ang ngiti na para sa iba.
Nagsimulang mag-usap sina Dad at kaniyang mga bisita patungkol sa business o kung ano pa. Kumakain lamang ako at kahit paminsan-minsan ay sumasali sa usapan, mas nanatili akong tahimik at ganoon din si Isles na katapat ko.
Laging nagtatama ang paningin naming dalawa. Hindi ako nagkikiming ipakita sa kaniya na hindi ko rin ginusto ang dinner na ito at mas lalong hindi ko ginusto na mangyari ang lahat ng 'to.
"How are you, Miss Nathalia?" biglang tanong ni Mr. Morteo.
"I'm perfectly fine, Mr. Morteo."
"You seem quiet tonight. Are you sure you're okay?" tanong nito habang nasa akin ang buong atensyon. I could be his daughter honestly, pero sa tuwing nagkakaroon ng tiyansa na magkakasama kami sa iisang hapag ay hindi niya mapigilang ipahalata na masiyado siyang interesado.
BINABASA MO ANG
Breaking His Law (El Colegio Series #3)
RomanceNathalia Amaris Sandoval is in a secret rebellion. Gustong-gusto niyang makuha ang atensyon ng ama na lagi na lamang nakatuon sa kaniyang Kuya Cielo, pero hindi niya kailanman inasahang ang isang pagkakamali ay babaguhin ang kaniyang buhay. Paano ni...