Chapter 29
First Love
Tanghaling tapat ay nakatulog ako. Sinisinat pa rin ako at hindi naman mabilis nawala ang lagnat kong kagabi pa.
Napasarap yata ang tulog ko. I moaned when I felt the soft bed against my back. Pagdilat ko sa mga mata ay dahan-dahan kong inilibot ang tingin sa paligid.
I held on to my head and sighed. Dahan-dahan ay bumangon ako. I found no one inside the whole room, ako lamang na nagpapahinga rito sa kama.
Napatingin ako sa sarili ko. I'm still wearing the same dress I wore this morning. When I felt the numbness between my thighs, napakagat ako sa aking labi. Basa pa rin yata ang manipis kong underwear pero suot ko pa rin ito, ang dahilan ng pagkabasa... hindi ko mahagilap sa kwarto.
Nag-ayos ako sa aking sarili. I felt so much better when I woke up. Nag-shower lamang ulit ako at naghanda na. Sa pagkakaalala ko ay babalik na kami sa Manila ngayong hapon.
Malinis ang kwarto. Maayos na rin ang table. Ang laptop ni Isles ay naroon pa rin at maayos na nakasalansan. There's a jug of cold water on the center table near the couch. May baso rin. Uminom ako roon nang makaramdam ng panunuyo ng lalamunan.
Lumabas ako ng hotel room nang makapag-ayos. I wore a simple white dress. I got bored and I want to eat. Isa pa ay sobrang tahimik sa loob at wala akong makakausap.
Where is that jerk? Naghanap ng babae?
Nakasimangot ako pababa ng hotel lobby. Napagdesisyunan kong kumain muna sa restaurant ng hotel at pinili ang isang table sa may beachfront.
Nakilala ako ng hotel staff. Akala siguro nila ay fiancée ako ni Isles kaya naman todo sila ngiti sa 'kin habang kinukuha ang order ko.
"Ang ganda n'yo po pala talaga sa personal. Kaya pala sumisikat talaga kayo ngayon! Ang bilis ng pagsikat ninyo, Miss Nathalia... nakakabilib!" sabi ng isa na siniko ng kaniyang kasama.
Napangiti ako at nagpasalamat. They asked if we could take a picture and we did.
"Ang ganda n'yo po, bagay po kayo ni Isles Privello, kung totoong fiancé n'yo nga siya," saad ng isa na animo'y kinikilig.
"Siguro naman po ay hindi kami nagkakamali? Hindi kasi nagdadala ng babae rito si Isles... dito sa islang 'to, kaya sigurado kaming special ka sa kaniya..." dagdag ng isa at malaking ngumiti.
May isa silang kasama na tahimik lang. It piqued my curiosity but I let it go. Baka isa sa mga nagka-crush kay Isles?
Ilan kaya ang brokenhearted ngayon na tumigil na si Isles sa kakapalit ng rumored girlfriends? Hindi nga public ang fake engagement namin pero may mga umiikot na usapin ngayon kung bakit biglang walang bagong babae na naka-link kay Isles Privello.
He's quite popular. Siyempre'y taga-La Salle at law student pa. Balita ko ay marami talagang nagkakagusto sa kaniya at habulin. Just like what Vannie said noong sinabi ni Esekia na crush niya si Isles at pinakita ang social media account nito sa amin.
"Baka may gusto pa po kayo? Bilin po na pagbigyan daw ang mga request n'yo kung meron..."
"U-Uhm, salamat pero wala naman," sagot ko sa waitress at nilingon ang paligid, pero hindi ko pa rin makita ang lalaking 'yon. "Uh, si... Isles kaya, nandito ba siya?"
"Wala pong nabilin kung saan po siya pupunta, eh..."
Tumango ako at nagpasalamat saka napabalik muli sa pagkakaupo. Uminom na lang ako sa nakahandang juice. Nasaan na kaya ang isang 'yon? Naghanap na talaga ng babaeng pamatid uhaw?
BINABASA MO ANG
Breaking His Law (El Colegio Series #3)
RomanceNathalia Amaris Sandoval is in a secret rebellion. Gustong-gusto niyang makuha ang atensyon ng ama na lagi na lamang nakatuon sa kaniyang Kuya Cielo, pero hindi niya kailanman inasahang ang isang pagkakamali ay babaguhin ang kaniyang buhay. Paano ni...