Chapter 36
Moment
"Si Yael ba? Hindi kakain?" tanong ko kay Isles nang matanaw ko si Yael nang patungo na kami sa restaurant ng hotel para makapag-dinner.
Nakapagbihis na rin ako. I wore a simple dress that falls under my knees.
"Hmm?" Tiningnan ni Isles ang tinitingnan ko, si Yael sa lobby at nagbabasa ng magazine. Yael is probably younger than him. Tingin ko nga kaedad ko lang iyon o mas matanda lang ng isa o dalawang taon sa 'kin.
Kaedad ni Isles si Kuya Cielo. He's six years older than me.
"Sinabihan ko na. Kumain na raw."
Tumango na lamang ako. Nang makarating sa pandalawahang mesa ay pinaghatak niya ako ng upuan. Naupo si Isles sa tapat ko.
"Good evening, sir," ngiting-ngiti na bati ng waitress habang hinihintay na mapunta sa kaniya ang atensyon ni Isles.
Umangat ang kilay ko ngunit hindi nagsalita. Kinuha ko ang menu. Isles picked it up too, at nagsimulang basahin ang pwedeng i-order. Imbes na gawin din iyon ay napunta sa kaniya tingin ko. I looked at him as if he's the food I'm going to order!
Napalunok ako. He's handsome since the beginning, pero bakit ngayon ay parang nanunuyo ang lalamunan ko kapag tinitingnan ko siya?
Oh, dear. I can't live like this! This is not happening to me!
"What do you want to eat?" tanong ni Isles sabay tingin sa 'kin na ikinagulat ko pa. Mas mabilis pa sa alas-kwatro kong binaba ang tingin sa menu na hawak ko.
"Hmm, salad lang. That's all."
Hinayaan ko na siyang pumili ng kakainin. He's scanning through the menu. He looks a bit tired. Siguro mahaba ang araw niya ngayon? Ano kayang nangyari? Pwede ko kaya iyong itanong sa kaniya?
Oh, stop it, Nathalia. Who are you to even ask him about things like that? At kailan pa kami naging close?!
"How's your day, Miss Nathalia?" tanong ni Isles nang makaalis na iyong waitress. Bumalik sa kaniya ang tingin ko.
I wanted to raise my brows for a moment. Talagang tinanong pa niya 'yon na parang 'di ko siya binugahan ng apoy kanina lang pagdating niya?
"It was fine. You're not around so it's definitely a nice day," mapait kong sagot.
Jerk. How can I be fine when he left me?! Tapos magpapadala pa ng bagong bodyguard?!
Napakagat siya sa labi sabay tikhim. "How's Yael? Did he take care of you?"
As much as I want Yael gone, na-appreciate ko naman ang pagbabantay nito kaya tumango ako kay Isles. "He's fine. Hindi talaga umalis kahit ilang beses kong sinabi. You got a loyal bodyguard."
"Hmm. Binantayan ka niya?" tanong niya habang mataman ang tingin sa 'kin na ikinatango ko. "That's good, then..." sabi niya at nagbaba ng tingin. I saw his eyes that went empty for a second pero nawala rin iyon nang mapagtanto niyang tinitingnan ko siya.
Ako naman ngayon ang napatikhim.
"Si Yael ba, ilang taon? Parang ang bata niya pa para sa ganitong trabaho? Is he not studying?" tanong ko. Saktong dumating na rin ang pagkain at nilatag na iyon sa table.
"Same age as you. Nag-aaral din. Mabuting binantayan ka niya nang maayos," tanging sagot ni Isles. Hindi ko na iyon sinundan pa ng tanong.
Dumating na rin ang mga pagkain. I gave Isles a glance when he ordered too much than my usual meal!
BINABASA MO ANG
Breaking His Law (El Colegio Series #3)
RomanceNathalia Amaris Sandoval is in a secret rebellion. Gustong-gusto niyang makuha ang atensyon ng ama na lagi na lamang nakatuon sa kaniyang Kuya Cielo, pero hindi niya kailanman inasahang ang isang pagkakamali ay babaguhin ang kaniyang buhay. Paano ni...