Chapter 1

828 21 0
                                    

Chapter 1 

Wrong Door 


"Congratulations, Nathalia!" sabay-sabay na bati ng mga kaibigan ko habang nagkakasiyahan kaming lahat sa nightclub ng isang hotel.

Inabutan nila ako ng alak at pina-shot 'yon sa 'kin. Dahil ayaw kong maging kill joy sa gabing iyon, tuloy-tuloy kong tinanggap ang walang tigil na pag-aabot nila ng alak.

Inabot nina Esekia ang panibagong hard core drink. Nailayo ko ang glass sa aking bibig matapos i-straight shot ang alak na nagkatapon-tapon na sa gilid ng labi ko!

"Damn! What are you, guys?! A tequila machine?"

May mga nag-i-splash na ng alak sa paligid. My college batchmates and classmates are so wild. Marami akong kakilala na narito ngayon sa nightclub sa malaking hotel. Weekend kasi at ako na rin ang nagyaya ng party para mag-celebrate ng achievement kasama sila. Parte na ako ng isa sa pinakamalaking modeling agency sa bansa at ambassadress ng isang kilalang brand.

"More success to come, Nathalia Amaris! Cheers!"

Patuloy ang maingay na tawanan at kantyawan ng lahat habang nagsasayaw kami sa dance floor.

"Thank you! Thank you!" Ang saya-saya ko ngayon. Parang ayaw kong matapos ang gabi at ang tanging gusto ko lang ay sumayaw kasabay ng maingay na tugtugin ng club.

"Isang sexy dance naman diyan, oh!" kantyaw nila at tinulak ako sa pinakagitna. Tumawa ako at lasing na sumunod.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinaglandas ang aking kamay sa katawan sa saliw ng tugtugin. I ran my fingers through my hair and swayed my body.

Damang-dama ko ang kantang tinutugtog ng DJ. Maingay iyon. Wala na halos nagkakarinigan sa sobrang lakas at ingay ng nightclub.

"Woah, sexy!" Boys were cheering me. I felt the validation I thought I needed... it is toxic, it's wrong, but what can I do? I don't know anything other than working hard to please and satisfy other people.

Aaminin ko, uhaw ako sa atensyon. I like being someone's interest. It's like an addiction... wanting to be seen, heard, and recognised.

My parents are always busy. Ang daddy ko ay walang pakialam sa akin. Lagi niya na lang nakikita ang kuya ko kahit pa hindi niya iyon tunay na anak.

Pakiramdam ko nga ay basura lahat ng achievements ko sa buhay dahil hindi naman iyon nagma-matter kay Dad. He doesn't care about what I do.

Kapag gumawa ako ng kalokohan, baka sakaling mapansin niya ako sa wakas. Baka sakaling maintriga siya kung ano ang ginagawa ko sa buhay. Na baka maalala niyang may anak siya, totoong anak at hindi ang step son niyang si Kuya Cielo.

"Come on, Nathalia! Sumayaw pa tayo!"

"Ayaw ko na, Sek... hindi na ako makatayo!" naiiling kong sagot sa gitna ng dance floor. My legs are now tired. I want to throw myself in a soft bed and fall deeply asleep!

Hinahawi ko na ang mga nadaraanan sa crowd para marating lang ang couch at ang table na inookupa namin. Napahawak ako sa tapat ng aking bibig dahil nasusuka na ako.

I feel so sick! I feel like throwing up! Parang may humahalukay na sa tiyan ko at pumipikit na lang ako dahil pati ang ilaw ng club ay masakit sa mata.

Pagkahakbang na pagkahakbang ko pa lamang palayo sa mga nagsisiksikan sa dance floor ay halos saluhin na ako ng mga kaibigan ko. I was so drunk and I can barely stand.

Lasing kong itinuro ang dalawang tao sa couch na naglilingkisan. "Hey, that's too much! Get a room, you two!"

"Inggit ka na naman, Nat! Kung gusto mo rin, halika at hahanapan ka namin!" akbay sa akin ng isang kaibigan.

Breaking His Law (El Colegio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon