Chapter 25

41 1 0
                                    

Chapter 25 

Concern 


"Delete all the copies of the CCTV. Ako na ang bahalang magpadala sa pera. Just make sure they won't talk."

Naalimpungatan ako dahil doon. Matagal nawala ang epekto ng gamot at paggising ko ay pasikat na ang araw. Hindi ko na alam kung anong nangyari basta't paggising ko ay ramdam ko na para akong nakalutang kahit nakapikit pa.

When I opened my eyes, unang bumungad sa akin ang umiikot na kisame mula rito sa kinahihigaan ko. My head is throbbing painfully and my stomach is uncomfortable.

Kahit ganoon ay pinilit ko na magmulat. I'm still dizzy, but I was sure we're no longer at the hotel in Bora.

I saw Isles talking over the phone with someone. Nakatalikod siya mula sa direksyon ko at nakaharap sa bintana kung saan nakabahagi sa dalawa ang kurtina at pumapasok ang liwanag mula sa labas.

His tall silhouette made the room much darker than it already is. Seryoso ang boses niya. Ngayon ko lang yata siya narinig na ganoon kaseryoso. His sleeves were rolled up to his elbows.

"Hindi sila pumapayag? Send me the number, then. Ako na ang bahalang kumausap," medyo iritadong sagot niya sa kausap at napahawak sa kaniyang sentido. "No, I don't care about their threats. We'll go back to Manila once she gets better."

Mukhang malakas ang pakiramdam niya dahil pumihit siya paharap sa direksyon ko at natigilan nang makitang gising na ako at nakatingin sa kaniya. Nahihilo ako pero pinilit kong pakinggan kung ano iyong pinag-uusapan nila.

"I'll call you again later," sabi niya sa kausap at pinutol na ang linya habang nakatingin sa akin.

My eyebrows immediately furrowed. Bakit niya pinatay? Just because I woke up? Bawal ko bang marinig kung ano ang pinag-uusapan nila?

"W-Who was that?" tanong ko at bahagyang bumangon.

Hindi siya agad sumagot sa tinanong ko. Ibinulsa niya ang cellphone at lumapit sa higaan. Naupo siya sa gilid ng kama kaya lumubog ang parteng iyon ng malambot na kutson. Tinulungan niya akong makaupo sa higaan.

Hindi ko inalis ang tingin kay Isles. Nakita ko ang sugat sa gilid ng kaniyang labi at may pasa pa sa ibang parte ng mukha, pero hindi kasinglala nang nagawa niya kay Mr. Morteo at sa mga tauhan nito. He looks fine, and his bruises didn't even bother to ruin his face.

"Who was that? I-Is this about... w-what happened? A-Anong pinag-usapan n'yo?" tanong ko, nanghihina pa rin ang boses.

Sinikap kong maupo nang maayos. He told me not to move too much. Nang makita ko nang mas maayos ang sugat niya ay muli kong naramdaman ang galit sa nangyari, kay Mr. Morteo, sa tauhan niya, sa ginawa nila...

Isles' eyes were tired. He probably didn't get to sleep yet.

Nakatingin siya sa 'kin. We fell silent for a moment. Gustong-gusto kong hawakan ang pisngi niya. I wanted to check the wounds I caused him... ako ang dahilan niyon. It's my fault... it's my fault he got into trouble, at kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yon, pero pinigilan kong hawakan ang pisngi niya.

Hindi ko namalayang napatagal ang titig ko sa labi ni Isles. Humigpit ang hawak ko sa bedsheet, pinipigilan ang sariling kamay na umangat at haplusin ang pisngi at gilid ng labi niya. The temptation was strong... like a drug. Ngunit bago ko pa iyon magawa ay nagsalita na si Isles.

"Inaayos ko na. Huwag mo nang isipin. Just rest again, it'll be finished once you wake up," he assured me, but I didn't need it. What I need to know is what happened, and what will happen next, o kaya kahit magalit siya sa 'kin, sa katigasan ng ulo ko... that will make my pride less hurt!

Breaking His Law (El Colegio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon