Chapter 10

401 10 0
                                    

Chapter 10 

Topless 


"Besides, I want to f*ck you again."

What does he take me for? Isang babaeng easy to get dahil lang may nangyari sa amin nang gabing 'yon? Para sa kaalaman niya, I just did that because I was drunk as hell and my classmates were the masterminds!

And I thought it was Matt! My crush. My suitor. My soon-to-be boyfriend.

"Get off me," mariing angil ko at umalis sa kaniyang hawak. Pinakawalan niya naman ako kaya nahiwalay rin ako at nakaalis sa pagitan niya at ng pinto.

Agad akong lumayo at inayos ang sarili ko. I fixed my hair and looked at him proudly, pilit pinapakita na hindi ako apektado kahit na ang totoo ay hindi na ako mapakali sa ginawa niya. My knees are weak, at hindi pa rin tumatahimik ang ragudon ng dibdib ko na hindi ko alam kung bakit.

Lumunok ako at inis siyang tiningnan. Hindi pa nakatulong na ang dilim-dilim dito sa buong second floor.

"What you did is a safety threat. P-Paano pa ako mananatili rito kung ganoon ang ginagawa mo?"

Nagkibit-balikat si Isles matapos umalis sa pagkakahawak sa pinto. He's half-smiling. Kinuha niya ulit ang tuwalya at pinagpatuloy ang pagpupunas sa basa niyang buhok na parang walang nangyari at wala siyang ginawang kalokohan.

"Off-limits ang kwartong 'to. Huwag mo nang subuking pasukin. Wala tayong magiging problema," paalala niya at tinalikuran na ako.

"Yes, I get that this room is off-limits! Pero kailangan mo ba talagang gawin 'yon?" Nagsasalita pa lang ako ay tumalikod na si Isles. He raised his hand as a goodbye, at pumasok na sa master's bedroom.

"Hey!" Sinundan ko pa siya sa pinto pero sa halip na harapin ako ay sinarado niya 'yon. The door slammed in front of my face so loudly, bagay na mas kinainis ko. "Jerk!"

Hindi niya na ako pinagbuksan. Inis akong bumuntonghininga. Mabigat ang paghingang nilibot ko ang paningin sa madilim na palapag nitong bahay niya. Hindi na ako namilit na kalampagin pa ang pinto niya at magmumukha lang akong desperada.

Iniwan niya pa talaga ako sa madilim niyang bahay na hindi alam kung anong gagawin. Saan ako matutulog? Paano kung magutom ako at walang pagkain? Binuksan ko na lang ang isa pang kwarto. Itong katapat ng sa kaniya.

Malinis ito nang bumungad sa 'kin. Mas maliit kumpara sa master's bedroom pero mas kumpleto ang mga gamit kaysa guest room .

It's an empty room pero may closets at desk. Mayroon ding maliit na couch. I inspected a few things, bago binagsak na lang ang sarili sa kama. Sobrang napagod ako ngayong araw. It's a long tiring day.

The whole house is quiet. I can't hear anything. Kapag binuksan ko ang sliding glass door ng balcony ay naririnig ang mga dahon sa puno na tinatangay ng banayad na hangin. Bukod doon ay wala na.

Nagpasya akong magbihis na para makatulog. I can't sleep with these clothes I wore outside. Siguro naman ay may mga damit dito sa closet o kaya sa guestroom?

Binuksan ko ang closet at hindi nga ako nagkamali. May night wears. Natuwa ako sa nakita at handa na sana akong mag-shower kundi lang nabura ang ngiti ko nang maiangat ang night wears na nandoon.

Satin night dress. May maikli, may mahaba, may spaghetti strap din at pinaparesan ng satin shorts.

Inangat ko 'yon sa ere. Napaawang ang labi ko. I can't imagine myself wearing these for bed.

Wala bang silk pajamas? Color pink or purple? Bakit sa lahat ng kulay, red silk dress pa?!

Binitawan ko ang mga sleepwears at sinarado ang closet. Matutulog na lang ako sa mga damit na ito kaysa magbihis ng damit na 'yon!

Breaking His Law (El Colegio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon