Chapter 39

28 2 0
                                    

Chapter 39

Allergy


"Isles..."

"Hmm?" pilyo niyang tanong.

Halos mapatili ako nang buhatin niya ako at ipinatong sa malapit na counter. Binuhat niya ako nang walang kahirap-hirap at dahil matangkad ay niyuko niya pa rin ang labi ko kahit nasa ibabaw na ako ng counter.

"Binasura mo na talaga ang kontrata natin, you assh*le," bulong ko habang nalulunod din sa mga halik niya.

Hindi iyon sinagot ni Isles. Mahinang tawa lamang na tila nakakalokong bagay lang ang sinabi ko.

"Sinabi ko na sa iyo, Miss Nathalia, your contract is no good for us," pabulong niyang sinabi. "I don't like everything that's written on it in the first place."

I don't... either.

Tama nga siguro siya na dapat hindi ko na lang iyon ginawa tutal naramdaman ko rin namang wala sa mga iyon ang masusunod, but hey! At least I tried! I tried so hard!

Kung hindi ko iyon ginawa, baka unang gabi na nasa iisang bubong kami ay may nangyari na ulit sa 'min! But... I tried... to resist him. At least.

"Huwag kang magpapaligaw sa kahit sinong kaklase mo..." bulong ni Isles na sa sobrang hina ay halos hindi ko na narinig. Hindi ko alam kung sinadya niya ba iyon dahil hindi siya sigurado kung dapat niya bang sabihin iyon.

Hindi ko iyon masiyadong napagtuunan ng pansin. He was kissing my neck. Abala pa ako sa pagbibigay ng espasyo sa kaniya na mahalikan ako.

Isles' lips clashed into mine. Para hindi maitulak sa counter ng mapang-akin niyang mga halik ay hinahapit niya ako palapit. I encircled my arm around his nape, and the other one gripping on his arm.

"H-Hindi ko iyon mapipigilan. Kahit sinasabi kong hindi ako tumatanggap ng manliligaw, mayroon at mayroon pa rin iyon, Isles... they're endless and it's out of my control," paliwanag ko. Ni hindi ko alam kung bakit ako nagpapaliwanag kay Isles! "Ang makokontrol ko lang ay kung sasagutin ko..."

Isles smirked. Mula sa aking leeg ay nilipat niya ang halik sa dibdib ko habang nakababa ang manggas ng aking robe.

"Kung ganoon ay huwag mong sasagutin kahit sinong manligaw sa 'yo," paos ang boses na bulong niya.

Hindi ko na iyon nasagot. Napapikit na lang ako sa mga ginagawa ni Isles. Dahil doon ay tinigil niya ang paghagod ng halik sa 'kin. I met his dark yet patient eyes.

"Are we clear, Miss Nathalia?" marahang tanong niya habang determinadong naghihintay ng sagot.

Hindi ko alam kung kailan ako makukuntento sa mga ginagawa namin para matigil na ako. I know I'll stop when I'm contented with what I got. At alam kong ganoon din iyon kay Isles!

He wanted to do it with me in the hopes of ending whatever his problem is towards me. Pero bakit ganoon? Nagawa na naman iyon at lahat pero bakit hindi pa rin nawawala? Bakit problema ko pa rin si Isles?

And it only gets addicting everytime!

Mabilis na lumipas ang mga araw. Isles and I were slowly getting in good terms. Habang magkasama kami sa iisang bahay at habang tumatagal ang mga araw ay mas napapalapit ang loob ko sa kaniya, but no matter how hard I try, I can't really get a glimpse on his personal life.

Wala akong makuhang kahit ano. I tried asking him... but he gives safe answers. Nalaman ko lang din kay Kuya Cielo na ang mga magulang na nagpalaki sa kaniya ay ang mga Privello, the owners of the Privello Law Firm, ang pinagkakainteresan daw ni Daddy ngayon.

Breaking His Law (El Colegio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon