Chapter 44

29 2 0
                                    

Chapter 44 

Tricked 


Hindi ko alam kung paano nagawa iyon ni Isles, pero sa sumunod na araw ay totoo ngang nakapagdesisyon na si Dad na siya ang aalis at magtutungo sa ibang bansa.

Si Mr. Morteo at ang kampo ng mga Cardinal ay mainit ang dugo kay Daddy ngayon. Suspetya nilang si Dad ang nasa likod ng pagkakahuli ng operasyon nilang iyon dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Mr. Morteo sa Boracay. Na ganti iyon ni Dad.

"Totoo bang sa kanila ang pinakamalaking drug cartel sa Batangas?" halos hindi pa rin makapaniwalang tanong ko kay Isles noong nanonood kami ng balita patungkol sa nangyari.

Mr. Morteo's father, who is a politican, is allegedly a drug syndicate. It's all over the news now. Alam ko na posibleng maraming illegal na gawain ang mga Cardinal, ang pamilya ni Mr. Morteo. I mean, it's obvious! But I didn't know it's this big.

Hindi ko alam na kabilang sila sa isa sa mga pinakamalaking drug cartel dito sa bansa.

"You'll be suprised to know that it extends outside the country, too," sabi ni Isles habang matamang nakatingin sa TV kung saan ipinapakita ang mga nahuli sa operasyon.

Nagsalita ang reporter ng news station habang pina-flash ang headline ng balitang iyon.

"Matatandaang kamakailan lamang ay may kinakaharap na akusasyon ang pamilyang Cardinal at ngayon ay panibagong isyu ang kinakaharap ng showbiz personality na si Morteo Cardinal. Sinasabing sangkot ito sa nangyaring operasyong kaugnay sa droga na naganap kamakailan lamang sa Batangas nitong Marso. Sinasabing ang pamilyang Cardinal ang nagpapatakbo sa isa sa mga pinakamalaking drug cartel ng bansa. Para sa karagdagang balita, narito si Giada Lopez."

Sumimsim ako sa wine. I shook my head when Mr. Morteo's face was flashed. Wala siya noong nangyari ang pagkaka-raid sa operasyon ngunit dahil sa mga imbestigasyon at pag-amin ng ilang tauhan nila ay naugnay ang pangalan niya. Of course, his men will surely betray him, too.

Sigurado naman akong may lihim ding galit ang mga ito sa kaniya. If they go down, they will most likely bring Mr. Morteo, too. He's arrogant.

"They still can't find him?" mahinang tanong ko habang ang paningin ay nasa TV.

Tumango si Isles at ngumisi. He pulled me and kissed my neck while I was sitting on his lap, seryoso pa ring pinapanood ang pinapakita sa TV.

"Magaling siya riyan... iyan lang naman ang kaya niyang gawin."

"I still can't believe he's connected to that kind of illegal activity! That's scary. At sinisisi pa talaga nila si Dad sa kagagawan nila? Kung sino-sino na lang ang gustong idawit?" napapangiwi kong tanong.

Dad can never do that. I mean, sure he's not that good of a person! Pero ang ganiyang gawain? Hindi iyan magagawa ni Dad. He's a doctor. Kahit papaano, may puso siya sa kaniyang propesyon. Hindi niya iyan magagawa.

Naging seryoso ang tingin ni Isles habang pinapanood namin ang balita.

"Ano pong masasabi ninyo sa pagkakasangkot ng inyong anak sa illegal drug operation, Senator?!" tanong ng mga reporters habang nagkukumahog na sundan ang ama ni Mr. Morteo, na isang politiko.

"Senator! Totoo po bang kabilang ang inyong pamilya sa pinakamalaking drug cartel ng bansa?!"

"Senator! Ano pong masasabi ng kampo ninyo patungkol sa nangyayari?"

Flashes of cameras are everywhere. Halos hindi na makadaan ang ama ni Mr. Morteo sa sobrang daming reporters na dumudumog sa kaniya. They almost shoved the microphones on his face. Panay naman ang paghaharang ng kaniyang mga bodyguards para protektahan ito.

Breaking His Law (El Colegio Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon