Chapter 9
Fuck You Again
"Where are we?" tanong ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Hindi ko na namalayan kung gaano ito kalayo mula sa mansyon o sa university na pinapasukan ko pero tantiya ko'y hindi naman ganoon kalayo. "Nasaan tayo? Is this even your house?"
Hindi niya pa rin ako sinasagot. Sa halip ay binuksan niya ang pinto sa driver's seat at bumaba. Napaawang na lang ang labi ko sa hindi pagkapaniwala. Agad akong bumaba para sumunod sa kaniya at pagtapak pa lamang ng mga paa ko sa sementadong daan ay bumungad na ang malakas na hangin na sumabog sa buhok ko.
Malamig ang hangin dito, malakas, at malaya ang ikot. It is evident with the trees around. Ibig sabihin ay walang gaanong building sa paligid. Tahimik din kahit may mga bahay sa kalapit.
"Isles! Are you for real? B-Bahay mo ba talaga ito? Bakit mo ako dinala rito?" Sinundan ko siya nang lumapit siya sa gate at binuksan 'yon.
"Yes. Yes again. And third, because you'll live here from now on and your father gave his permission," sagot niyang walang nababakas na pagbibiro.
Napatingala ako sa bahay. It is a two-storey house. Kulay puti at brown ang kulay. It is big enough for a family, and too much for one person. Mukhang malaki rin ang yard. Patay ang mga ilaw nito at mula rito sa labas ay halatang walang tao ang bahay.
"I want to go home!"
Hindi ako pinakinggan ni Isles. Nang nabuksan niya ang gate ay hinintay niya akong pumasok. Nilapitan ko siya pero hindi ako lumagpas sa gate papasok.
"Hindi ito pwede. You're too fast!"
Masiyado siyang mabilis para tumira kami sa iisang bahay. Hindi niya ba iyon naiisip?
Ngumisi si Isles. May nanunudyong tingin. "Ako pa ngayon ang mabilis? How dare a Sandoval say that I am too fast?"
Hindi ako agad nakasagot. He really knows how to twist my words, at mukhang iyon na ang paborito niyang gawin ngayon.
Nilahad niya ang loob, telling me to come in. Wala na rin naman akong magagawa kundi ang ihakbang itong mga paa ko sa bahay na 'to. Where else can I go? Hindi ako makakaalis!
Labag sa loob akong humakbang papasok. Hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya, nananantiya. But he just stood there patiently, hinihintay ako.
Rumagudon ang dibdib ko. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa lalaking ito.
Is he a bad guy? Obviously! Bakit pa rin ako sumama sa kaniya? At bakit hindi pa rin ako nakakagawa ng solusyon para makalayo na sa kaniya at hindi na magkrus pa ang landas namin?
"Alam mo bang ikaw ang unang babaeng nakapunta rito?" tanong niya, nauunang magtungo sa main door.
Should I thank him for that?
I heard the clinking of the keys when he opened the door. Bumukas ang mga ilaw sa loob at nauna siyang pumasok. Nakasunod lang ako at pinagmamasdan ang paligid. Malinis sa loob pagpasok namin. Kahit mukhang walang lumalagi ay maintained ito.
"Who lives here?" tanong ko.
"No one. Just some helper when she needs to clean the house," sagot ni Isles at binaba ang kumpol ng mga susi sa table.
Kumpleto sa mga gamit ang bahay. Siguro umuuwi siya rito paminsan-minsan.
"Is this really your house? Kung hindi ka rito umuuwi palagi, saan?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Breaking His Law (El Colegio Series #3)
RomanceNathalia Amaris Sandoval is in a secret rebellion. Gustong-gusto niyang makuha ang atensyon ng ama na lagi na lamang nakatuon sa kaniyang Kuya Cielo, pero hindi niya kailanman inasahang ang isang pagkakamali ay babaguhin ang kaniyang buhay. Paano ni...