Chapter 29 Malupet na BOSS

510 12 1
                                    

Chanel’s POV

Masarap na sana ang tulog ko kaya lang naudlot! Amp. Paano ba naman. Etong lalaking to magpupupukpok daw ban g  kaldero sa kuwarto ko? Anong akala niya new year na? Nasira tuloy ang beauty sleep ko.

“Goodmorning. Baligtad na ba talaga ang mundo ngayon? Bakit ang amo pa ang kailangang gumising sa maid niya?” Haaay. Start na nga pala ng pagiging maid ko sa kumag na to.Hindi na ako tatanggap ng kahit na ano sa kanya! Baka mamaya kung ano ano nanamang isiping kapalit. Pagbibigyan ko siya ngayon since one day lang.

“Babangon na po boss”

“Magluto ka ng breakfast. Nagugutom na ako” tapos lumabas na siya ng kuwarto. Binuksan niya yung tv at nanood ng kung ano ano

Dumiretso na ako sa kitchen. Medyo makirot pa yung paa ko pero okay naman na siya. Binuksan ko yung ref at ayun BOOM. Walang kalaman laman.

“Hoy lalaki”

“Call me boss okay” ang arte ah. Feel na feel niya talaga ah.

“BOSS walang pagkain sa ref”

“So?” anong klaseng sagot yun.

“So? Anong so? Anong lulutuin ko?”

“Maghanap ka. Inuutusan mo ba ako? Ako ba maid dito?”

“Pasensya na po boss ah!” I said sarcastically “Pahingi na lang po ng panggrocery at pamasahe”

“Ayan” Binigyan niya ako ng 2k at umalis na ako para makapamalengke. Wow thank you huh. Di mo talaga ako sasamahan. Ang bait naman. Magtrike na nga lang ako. Buset!

Pumara ako ng trike. Sinabi ko na ihatid ako sa kung saan man may mabibilan ng pagkain at mga 15 mins lang nandun na ako sa parang wet market.

“1 kilong baboy nga po manang.”

“O eto iha. 120 na lang lahat. Ang ganda ganda mo naman iha. Ang suwerte naman ng asawa mo”

“Ay naku po. Bata pa po ako. Wala pa po akong asawa”

“Ay ganun ba? Akala ko kasi namamamlengke ka para ipagluto ang asawa mo”

“Ah hindi po. Sige po. Salamat po manang”

Asawa? Kami ni Nathan mag-asawa? As if namang matatagalan ko ang ugali niyan! Hell no! Super ekis!

Pumunta naman ako dun sa mini grocery. Namili naman ako ng mga ingredients sa lulutuin ko mamayang lunch, chips at kung ano ano pang pwedeng lantakan mamaya.

Nagbayad na ako sa counter at umalis dun sa mini mart. Pumara na ulit ako ng tricycle at nakauwi na ulit dun sa resthouse.

“Ang tagal mo namang mamili” aba. Magdusa siya. Pinagcommute commute niya ako. Mahirap kayang magpara ng trike. Pag ako hindi nakapagpigil sa lalaking to mahahamihami wave ko to eh!

“Sana kasi hinatid mo ko di ba? Sana sinamahan mo ako”

“Hindi ka naman nagsabi eh. Sana nagsabi ka” So ngayon ako pa may kasalanan. Oh ghad. Di ko matatagalan ang lalaking ito

“Magluluto na ako boss”

“Mabuti naman. Sarapan mo ah”

Sarapan daw? Tssss. Sipain ko siya eh. Demanding pa. Buti na lang masarap akong magluto. Tignan natin kung may masabi ka. Hmpf

Today, I’m cooking sinigang! Yeah my favorite! Yayayayummy! Nagsaing na rin ako.

Pinrepare ko na lahat ng ingredients. Hiniwa ang mga dapat hiwain. At nagstart na ako sa aking obra maestra!

After ilang minutes naluto na rin ang aking masterpiece! Tinikman ko siya. Ang sarap. Pwede na talaga akong Chef!

“Boss kakain na!”

Lumapit siya at umupo na sa dining table.

“Tara kain na tayo” aya niya sa akin. Akala ko hindi na niya ako aayain eh. May puso pa rin pala kahit konti

“Sige gutom na rin ako”

Nagsandok na siya ng kanin at ulam. Inaabangan ko yung magiging reaksyon niya sa luto ko. For sure masasarapan kang mokong ka. Sumubo na siya at biglang tumigil sa pagnguya.

“Bakit nakatingin ka sa akin? Naguguwapuhan ka nanaman noh?”

“Epal ka. Hindi yun. Ano masarap ba luto ko?”

“Pwede na pagtyagaan. Edible” Amp. Ano bang klaseng panlasa ang meron ka! MAsarap kaya yan!

“Ok” kumain na lang ako. MAsarap naman ah. Buset. Di makaapreciate ng effort ng tao. Makabili nga ng crocodile ng mapalapa na tong taong to!

Kumain na lang kami. Hindi kami nagiimikan. Noong tapos na siya bumalik na siya sa panonood ng tv. At ako talaga maghuhugas ng pinagkainan. Walang awing amo! Kakaluto ko lang eh. Mapapasma ako.

Wala naman akong magagawa kundi sumunod. 12pm na. So meaning 12 hours na lang at tapos na ang pagiging maid ko. Bwahahaha.

After cleaning the kitchen dumiretso ako sa room ko para makapagpahinga. Kakapagod ah.

“Anong hinihiga higa mo diyan? Magbihis ka aalis tayo” Grabe. Wala siyang awa. Kakahiga ko lang oh! Wala pang 1 minutes! Byebye Bed. ANg konti pa lang ng pinagsamahan natin pero ngayon maghihiwalay na tayo. I’ll miss you so much! Babalikan kita!

Nagshower ako at nagbihis. Naglagay ng konting makeup and perfect na. Ganda ko talaga!

Lumabas na ako ng bahay. Naghihintay na siya sa car. Sumakay na ako at nagstart na siyang magdrive. Saan naman kaya kami pupunta ngayon? 

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon