Chapter 9 Merienda time with Xander

609 18 7
                                    

Chanel’s POV

Hinatid ako ni Xander sa bahay.

Sinalubong kami ni yaya.

“Magandang hapon po mam” bati ni Xander kay Yaya Rosing

“Magandang hapon din iho. Salamat sa paghatid mo dito sa alaga ko ah. Hindi ka ba naabala ng batang to?”

“Hindi po. Mabait po yang si Chanel. Saka malapit lang po kami dito kaya hindi naman out of the way”

“Tara pumasok ka na muna iho. Ikukuha ko kayo ng maiinom”

“Tara Xander, merienda muna tayo”

“Sige Chanel”

Pinaupo ko siya sa living room. Binuksan ko yung tv tapos nagpaalam ko siya na kukuha lang ako ng makakain namin.

Tinulungan ko si yaya na magprepare ng merienda. Lumabas na ako sa kitchen at dala ko na yung food namin ni Xander. Naglabas lang ako ng chocolate cake na binake ko at nagtimpla lang ako ng orange juice para saming dalawa.

“Ayan chocolate cake. Sabi kasi nila nakakapagpasaya daw kapag kumakain ng chocolate”

“Wow. Thanks. Mukhang masarap to. Ikaw ba nagbake?”

“Yes. Marunong akong magbake. Kapag wala akong magawa nagtitrip ako”

“Tikman ko na ah”

“Sure”

Sana masarapan siya sa binake ko. Cross fingers.

“Wow pwede ka ng baker ah! Grabe ang sarap naman nito”

“Talaga? Mabuti naman nasarapan ka”

“Marunong ka rin ba magluto?”

“Oo naman. Hindi naman porket anak mayaman hindi marunong sa gawaing bahay eh”

“Ang cool mo naman. Si Leanne kasi hindi maruno—“

Napatigil siya sa pagsasalita. Mukhang naaalala nanaman niya si Leanne.

“I better get going Chanel. Maggagabi na rin saka may tatapusin pa akong school works”

“Sige. Mag-iingat ka ah”

“Mam, una na po ako”

“Sige iho. Mag-iingat ka. Welcome ka dito sa bahay. Punta ka anytime”

“Salamat po. Next time kayo naman po ang iinvite ko sa bahay namin”

“Sige iho”

Hinatid ko siya sa labas ng bahay namin.

“Bye Xander”

“Bye Chanel”

Sigurado ako na pagpasok ko iintrigahin nanaman ako ni yaya.

“Chanel”

Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Magtatanong na si yaya. Malamang itatanong niya kung boyfriend ko na  yun.

“Boyfriend mo ba yun?”

Sabi na eh yan ang itatanong niya.

“Hindi ko siya boyfriend at hindi ako type nun noh”

“Paano mo naman nasabing di ka niya type? Hinatid ka nga dito sa bahay eh”

“Mabait lang talaga yun yaya. Aakyat na po ako para makapagpalit ng damit”

“Sige papatawag na lang kita pag kakain na mamaya”

Nagpalit na ako ng damit. Naghilamos ako para marefresh at humiga sa kama ko.

Hindi mawala sa isip ko si Xander. Iniisip ko kung bakit naman siya iiwan ni Leanne. Sa nakikita ko mabuting tao naman siya. Parang ang perfect na nga niya eh. Super ideal boyfriend ko nga siya eh. Kung ako ang naging gf niya sigurado di ko na siya pakakawalan pa.

Ano naman kayang nagustuhan ni Leanne kay Nathan eh total opposite nga nun si Xander. Ang sungit sungit kala mo may PMS lagi. Although kung base sa looks lamang nga naman talaga si Nathan. Pero kung base sa ugali million light years ang pagitan nila noh.

Binuksan ko na lang yung laptop ko. Ang cute talaga ng desktop background ko. Kilala niyo ba yung mushroom sa super Mario? Yun yung desktop background ko. Cute!

Nag-online ako sa fb. Ang dami namang friend request. Hindi ko naman kilala yung iba dito. Ang inaccept ko lang yung invite ng tropang PG at HB.

Nakita kong sa may friend suggestions yung pangalan ni Lance Nathaniel Serrano. Curious ako eh. Maopen nga yung profile niya.

WOW dami friends 4000+. At mostly girls. Malamang gwapo eh. Ano pa bang ieexpect ko.

Ayoko nga siya iadd. Sabihin pa niya FC ako.

Nag-logout na ako. Sakto kakain na raw kami ng dinner ni yaya.

After kumain nanood lang ako ng MYX.

Ang gwapo talaga ni Daniel Padilla! Number 1 sa top 10 ung Hinahanap-hanap kita!

After kong manood umakyat na ako. Gusto ko ng magpahinga at matulog.

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon