Chapter 45: The Truth

235 7 2
                                    

Chapter 45: The Truth

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Nathan. Tila hindi ko mahagap kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang mga dapat kong sabihin. Nakakbigla ang mga pangyayari ngayon pero sana this time, mabigyan ng linaw lahat ng ito.

“Chanel” binasag na ni Nathan ang namuong katahimikan sa pagitan naming dalawa.

“Hmm?” sabay tingin sa kanya. Nakakamangha talaga ang mga mata ni Nathan. Ngayon ay napakaexpressive nito. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niya.

“Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyari sa atin. Naguguluhan ka sa sitwasyon nating dalawa. Pero noong sinabi kong gusto kita, gusto kita talaga Chanel. Gustong gusto kita. And I want to know if you feel the same way for me”

Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya. Gusto ko na yatang mapatalon sa tuwa! Pero dahil marami pang tanong sa isip ko, hindi ko pa nakuhang magsaya ng lubusan. At natatakot din ako nab aka mamaya ay mawala nanaman siya.

“What if sabihin kong gusto kita? Paano si Leanne? Hindi ba’t fiancée mo siya?”

“Oo. Fiancee ko siya.”

“Yun naman pala eh. Eh di ibig sabihin nun mahal mo siya. Pakakasalan mo siya diba? Naguguluhan ka lang sa feelings mo Nathan. Hindi mo ako gusto!”

“Chanel, arranged lang ang lahat ng yun. Hindi namin kagustuhan na makasal sa isa’t isa ni Leanne. Mga magulang namin ang nag setup noon para mapalago ang business namin. It was all for business. Ikaw ang mahal ko Chanel. The first time I saw you, I was deeply amazed by you. You captured my heart. I’ve tried many times para kalimutan ko yung nararamdamn ko para sa’yo pero I just can’t help myself from falling in love with you.”

Pumatak na ang ng hindi ko anlakaman ang mga luha ko. Masaya ako ngayon. Nabunutan ng tinik ang dibdib ko dahil sa nangyari. At sobrang saya ko dahil mahal din ako ng taong mahal ko.

Nathan cupped my face and wiped my tears “Chanel, bakit ka umiiyak?” ika ni Nathan. “I’m just happy. Nathan, I love you too so much. Akala ko imposible ng mangyari to. Akala ko hanggang pangarap na lang yung maging tayo”

“Ano yun Chanel? Tayo? Tayo na?” at biglang lumaki ang ngiti niya sa mga labi. Nakakatuwa na makita siya na masaya dahil bibihira lang na makita ko siyang ganito.

“Ano ka hilo? Manligaw ka muna uy!”

“Dali na tutuparin ko na nga yung pangarap mong maging tayo eh!”

“Ayoko nga. Maghirap ka muna!”

“Nag I love you too ka na nga eh!”

“Bakit masama ba?”

“Ah ganun ah! Hinahamonmo ba ako Chanel? Sige kung yan ang gusto mo. Tiyak na hindi lang I love you too ang isasagot mo sa akin kundi I do!”

“Asa! Talaga lang ah mr. masunget na butiki!”

“Talagang talaga miss palakang kokak!”

“anong sabi mo! Halika nga dito!” at nagbasaan kami ng tubig na galling sa pool. Maya maya ay nahulog kaming dalawa ditto. Nagpatuloy kami sa paghaharutan. This is definitely one of the best days of my life. 

Sana maging maayos na ang lahat. Sana magtuloy tuloy na lahat ng kasiyahan na ito.

Nang mapagod na kami magtampisaw sa pool ay napagdesisyunan namin na bumalik na sa cottage.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin pabalik ay hinawakan ni Nathan ang kamay ko.

“Nathan, makikita nila tayo. Hindi ko pa naaayos ang samin ni Xander. Kaibigan ko siya. Ayoko siyang saktan”

“Chanel, kaibigan ka rin niya. Mahal na mahal ka niya kaya mas gusto niyang maging masaya ka. He knows about this. Matagal na. It’s all settled.”

“Huh? Alam niya rin ang lahat? Bakit parang ako lang yata walang kaide-idea dito?”

Pinisil niya ang ilong ko dahilan ara mamula ito. “Kung anuman ang naging usapan namin ni Xander. Sa amin na lang yun. Kung may girl talk kayo, kami rin may ganun.

“Pfft! May girl talk din kayo? So gay! ahahahah”

“Ikaw talaga!!! Kung di lang kita mahal eh!”

“Sorry ka mahal mo ako eh!”

“Oo na po mahal na prinsesa!”

Updated: April 1, 2014

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon