Chapter 18 Realizations

592 19 2
                                    

Chanel’s POV

Wala akong kasama ngayon kaya ako ang naghugas ng plates na pinagkainan namin. Naiwan naman siya sa living room.

Naririnig ko na bukas yung tv. Mukhang nanonood naman siya.

Katatapos ko lang maghugas ng pinggan. Kaya naman bumalik na ako sa living room.

“Nath—“

Ay nakatulog na pala siya.

Umupo lang ako ng dahan dahan sa gilid niya para hindi siya magising.

Ang guwapo talaga niya… lalo na pag tulog. Sana matulog ka na lang palagi. Joke. Pero serious ang guwapo niya. Siguro marami na tong napaiyak na girls.

He’s good at me naman (kinda)

I turned the tv off. Ayoko namang sirain yung pagtulog niya. Mamaya ko na lang siya gigisingin. Maaga pa naman eh. 4pm pa lang naman. I stared at him habang natutulog. Ang sarap lang niya titigan. Pati yata ako tinamaan na ata ako ng charms niya. Ano ba yang pinagsasasabi mo Chanel. Taken na yan!

Ang swerte ni Leanne sa kanya. Mabait naman to kaya lang mas dominant ung pagiging masunget. Hohoho.

Speaking of Leanne, talaga bang nakalimutan na niya si Xander.

At speaking of Xander naman. Simula ng nangyari kahapon hindi pa kami nakakapag-usap.

Akala niya siguro galit ako which is not naman.

Ayoko lang na mag-away silang dalawa kasi pareho ko naman silang friends. Weh? Di nga? Kami ni sunget friends? Well sort of. Basta we’re in good terms naman.

-_- Nakakahawa naman tong si sunget. Inaantok na rin ako. Lumipat ako sa kabilang sofa tapos ayun nag nap muna ako. Napagod din kasi akong mamili ng ingredients para sa cake kanina.

ZZZZzzzzzzzzz…..

Ang sarap naman ng tulog ko! *yawn*

Nag-inat inat pa ako. Ang sarap talagang matulog sa kama ko.

Huh? Teka. Paano ako nakarating dito? At umaga na!

Think, think, think

Aha! I remembered na. Nakatulog ako sa sofa kahapon. Nandito nga pala si sunget nun. Teka nasaan na nga pala siya? Baka umalis na?

Bumaba ako para icheck kung nasa baba pa siya

“O Chanel gising ka na pala”

“Yaya, si sung-Nathan pala?”

“Umalis na siya kanina lang.”

“Kanina?”

“Hindi hindi kahapon. Kaya nga kanina siya umalis eh”

“Paano ako nakarating sa taas yaya?”

“Binuhat ka raw niya. Tulog na tulog ka nga raw eh. Hindi ka niya iniwan magdamag baka daw kasi mapahamak ka. Dito siya sa baba natulog. Ang bait talaga ng batang yun. Boto ako sa kanya!”

“Talaga ginawa niya yun?”

Nagblush naman ako dun. Kinilig ako kaso I remembered taken na pala siya.

“Ayyyiiie nagblublush siya!”

“Hindi ah!”

“Dinedeny pa halatang halata naman na gusto mo na siya”

Love You A Thousand Times (LYATT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon